Pagdating ng sabado nag decide na siyang bumiyahe mag isa patungo ng bayan ng Sta Rita para personal na makausap si Mr. Robles. Ilang araw din niyang pinag-isipan kung itutuloy ang pagpunta sa asyenda. Nakita naman na niya ng personal ng isang beses ang asyenda pero hindi niya nakausap noon si Mr. Robles dahil naka confined ito sa ospital. Sa ngayon kase hindi lang sng asyenda ang pakay niya, dahil kailangan din niyang makita ang nag-iisang apo ni Mr. Robles. Sinabi niya sa pinsang si Miko ang pagpunta niya ng asyenda, nais pa nga nitong sumama sa kanya, para daw pag ayaw niya sa apo ni Mr. Robles ay ito na lang daw bibili sa asyenda. Katulad din niyang nanghihinayang sa asyenda ang pinsan. Isa siyang negosyante bukod sa pagiging Mayor sa bayan ng San Juan at ang offer ni Mr. Robles sa

