"Anong sinabi mo? Kung bibilhin mo ang asyendang iyon kasama pati apo ng matanda?" Bulalas sa kanya ni Miko ang pinsan niya at Vice Mayor rin niya sa bayan nila. "Iyun na nga eh. May saltik yata iyung matanda," iling ulong saad niya sa pinsan at dinampot ang kopitang nasa harapan niya at ininom ang laman non. Kasalukuyan siyang nasa bahay ng pinsan para mag relax at may makausap. Close silang magpinsan mula pa noong mga bata sila hanggang ngayon na kapwa na silang nasa politika katulad ng kanilang mga ninuno. Dalawang taon ang tanda sa kanya ni Miko, bente kwatro na ito at bente dos naman siya. Dahil sa malapit ang edad nila kaya lagi silang magkasundo sa kanilang mga trip. Sa buong pamilya ng mga de la Cerna tanging sila lang ni Miko ang lalake. Dalawang magkapatid lang ang kanilang mg

