The Young Mayor Falls In Love; "Lo, bakit po ginabi kayo?" Salubong niyang tanong sa lolo niya nang makapasok ito sa pintuan ng bahay. "May business meeting ako sa bayan ng San Juan," tugon ng lolo niya sa kanya. "Sa San Juan pa ho? Bakit naman po ang layo?" Usisa niya sa matanda. "Taga roon ang taong nais bumili sa asyenda natin," tugon nito sa kanya. "Eh hindi po ba Lo, nais ng bilhin ng Daddy ni Albie ang asyenda natin," saad niya sa lolo niya. "Hindi porke binebenta ko ang asyenda ay kahit sino na lang ang may gusto ay papayag ako bilhin nila," tugon nito at naupo sa sofa na sa may sala. "Meding ikuha mo nga ako ng tubig at pagod na pagod ako biyahe namin ni Fredo," utos ng lolo niya kay Manang Meding na siyang Mayordoma sa kanilang bahay at asawa naman nito Mang Fredo na siyang

