Mag-aalas kuwarto na ng hapon nang magpasya si Lyka na ishutdown na ang kanyang laptop. Marami na rin siyang nagawa sa maghapong iyon. Bahagya pa niyang itinaas ang dalawa niyang braso upang mag-inat mula sa swivel chair na kinauupuan niya. Dahil doon ay bahagyang gumaan ang ngawit sa likod niya at napangiti. Kahit paano ay nakalimutan niya ang ilan niyang mga alalahanin dahil sa pagkabusy niya. Saglit din niyang tiningnan ang kanyang wristwatch para silipin kung anong oras na. Pagka-ayos niya ng mga gamit ay nag-retouch na siya para babalikan na lang niya ang mga gamit niya kapag puwede na silang mag-out. Lumabas siya sa kanyang opisina at tinungo ang cashier area. "Kamusta? Marami ba tayong orders ngayon araw?" Tanong niya kay Joy na siyang naka assign sa cashier. Sinipat

