Katulad nang sinabi ni Lance sa kanya knina ay inihatid lamang siya nito sa restaurant at umalis na rin ito kasama si Sophia. Bigla ay hindi naging maganda ang araw niya ng maghapon na iyon. Pakiramdam niya ay may kulang o mas tamang sabihin niya may biglang nagbago sa nararamdaman niya bigla para kay Lance. Bakit kailangan niyang mainis sa katotohanan na magkasama si Lance at ang Sophia na iyon? Wala namang masama doon, pero ang isip niya ay hindi sumasang-ayon isama pa ang puso niya na sumasalungat din. Alam niyang mali ang nararamdaman niya pero buong maghapon na iyon lamang ang nasa isipan niya. Hindi nga siya halos lumabas ng sarili niyang opisina. Napapabuntunghinga na lang siya sa naiisip at nararamdam niya ng mga oras na iyon. At umaasa pa rin siya na kakalma di

