Chapter 34-Isang Ama

2035 Words

LYKA Nang lingunin ko si Lance sa tabi ko habang nakahiga ako para iultrasound ay nakatulala lamang ito sa monitor kung saan nakikita ang aming anak na nasa loob ng aking sinapupunan. Nanibago ako sa mga nangyayari. Noong huling beses na nahiga ako para iultrasound ng pinagbubuntis ko si Allison ay mag-isa lang ako. Walang kasama. Pero ngayon, nasa tabi ko si Lance, ang magiging asawa ko at ama ng magiging anak ko. Walang kasing saya sa pakiramdam na nasa tabi mo ang lalakeng dahilan ng pagbubuntis mo. Ang lalakeng nagpapatibok ng puso ko sa araw-araw. At siyang dahilan kung bakit ako nagbubuhay sa kasalukuyan maliban kay Allison. "Hon, tulala ka dyan?" Nangingiti kong tanong sa kanya at saka ko hinimas ang firm nitong braso. Hindi ko mapigilang mapangiti sa hitsura nito. Amaze na amaze

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD