SOPHIA "What?!” halos maibato ko ang cellphone na hawak ko ng mabalitaan ko kay Jane na magpapakasal na si Lyka at Lance. At buntis na raw si Lyka kaya minamadali na ni Lance ang lahat sa kasal ng dalawa. Hindi ako makapaniwala na sa ganoong kabilis na pangyayari ay magiging asawa na ni Lyka si Lance. Samantalang ako ay buong buhay ko na binantayan at nanatili ako sa tabi ni Lance pero kahit katiting na pagmamahal ay hindi niya ako nabigyan? Nagpupuyos ang puso ko sa katotohanang iyon at parang gusto kong sugurin si Lyka para iparamdam dito ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ganoon ba ako kahirap na mahalin? Ang gusto ko lang naman ay maging masaya sa piling ni Lance pero lahat ng iyon ay naglaho ng dahil sa pagdating ng Lyka na yan. Ano ba ang nagustuhan ni Lance sa babaeng yun?

