Ilang araw na silang magkasama lang ni Lance sa condo unit nito. Hindi muna ito pumasok sa trabaho para makasama silang dalawa ni Allison. Sila ang naghahatid kay dito sa school at sumusundo dito sa hapon. Sinabi naman niya dito na kaya niya pang kumilos at ilang buwan pa lang naman siyang buntis pero ayaw pumayag ni Lance sa gusto niyang gawin. Dapat siyang mag-ingat palagi at baka may masamang mangyari sa anak nila sa sinapupunan niya. Biniro niya pa ito isang araw na nanunuod sila ng t.v sa sala. “Ayaw mo pa kasing aminin, yung anak lang natin ang iniisip mo kaya ayaw mo akong papasukin sa trabaho at gumalaw-galaw dito. Pero ako, wala kang pakiealam.” Nakaunan si Lance hita niya habang nakahiga ito. Naiinis kasi siya dito at kulang na lang ay pagbawalan siya nitong gumalaw man lang

