Kinabukasan ay maaga na naman siyang gumising para ipagluto si Lance at Allison. Bukod sa hapunan ay ang umagahan ang pinakagusto niyang parte ng kanilang araw. Masaya silang kumakain na mag-anak at wala na siyang mahihiling pa sa tuwing makikita niyang masaya ang kanilang pamilya sa harap ng hapag kainan. At sa wakas ay natupad din ang gusto ni Lance na makasama na sila ni Allison sa iisang bahay "Honey...tawagan mo lang ako kapag may problema kayo ni Allison, okay?" bilin sa kanya ni Lance bago ito umalis para pumunta sa trabaho. "Hon, huwag kang magpapagabi hah. Magluluto ako ng hapunan para sa ating tatlo kaya umuwi ka ng maaga," Bilin pa niya kay Lance habang inaayos niya ang necktie nito na suot. "Opo. At huwag ka ring masadong magpapagod honey at baka mapano kayo ng baby natin

