Si Lance na ang nagligpit at nag-urong ng kanilang pinagkainan. Sinabihan na lang siya nitong manuod ng t.v at maupo sa sofa. Si Allison naman ay tapos na niyang linisan kaya katabi na rin niya itong nanunuod ng t.v. Ang buong akala niya ay gising pa ito pero bigla niyang naramdaman ang pagtahimig ng hinga nito kaya nalaman niyang nakatulog na ito sa kanyang hita. Sakto naman na iaayos niya ito ng higa ng makatapos na si Lance sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. “Honey ako na, stay there.” Bilin nito sa kanya at agad itong lumapit sa kinaroroonan namin ni Allison para kilikin ito. Napangiti na lang siya sa pag-aalaga ni Lance kay Allison. Para itong isang tunay na ama sa kanyang anak. Sa mga kilos nito at kung paano nito sinasabi kay Allison na tunay na anak ang turing nito sa anak

