LANCE Kinabukasan ay maagang akong nagising. Napahawak pa ako sa aking ulo sa sobrang sakit nito, saka ko unti-unting bumangon. Napansin ko agad ang suot kong pambahay na damit, nagtataka ako kung bakit nakapagpalit pa ako ng damit bago matulog samantalang lasing na lasing na ako kagabi ng umuwi ako. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa sobrang lakasingan kagabi. Hindi naman ako papalitan ang damit ng mga kasambahay namin.Ganoon din si Manong Jojo, kaya pinilit kong alalahanin kung sino ang nagsuot sa akin ng pantulog na damit na suot ko ngayon. Pero kahit anong isip ko ay wala akong maalala. Kaya napagpasyahan kong bumaba na para tanungin na lang ang mga kasama ko sa bahay sa mangyari at kung paano ako nakauwi. "Manang Tessie, may itatanong la

