LYKA Hindi ko muna pinaalis ang taxi na sinasakyan namin ni Allison dahil nakatulog ito sa biyahe at sinabihan niya ang dirver na hihintayin lang namin ang magbubuhat sa anak ko papasok ng bahay namin. Hindi ko naman kasi ito mabubuhat at baka makasama sa baby namin ni Lance kapag ginawa ko iyon. Agad kong pinindot ang doorbell sa gate namin para malaman ng mga kasambahay namin na nasa labas kami ng aming bahay. Wala pang ilang minuto ay lumabas na agad si Leslie na isa sa mga kasamabahay namin. Nagulat ito ng makita akong nakatayo sa labas ng gate. "Ma'am Lyka, gabing gabi na po ah." Nagmamadali itong buksan ang, at saka ko ito inutusan na buhatin si Allison na nasa loob ng taxi. "Nasan si Mang Jojo? Bakit ikaw ang nagbukas ng gate, Leslie?" tanong ko dito habang binubuksan ang gate.

