Chapter 40-Pagbunyag ng Katotohanan

2410 Words

LYKA Mag iisang lingo na kami sa bagong bahay naming simula ng lumipat kami pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaasikasong iayos ang mga gamit na kinuha ni Lance sa condo namin. Ayoko naman na ipagalaw sa mga kasambahay namin ang mga gamit namin at ituturo ko rin naman kung saan dapat ilagay ng mga ito ang mga personal na gamit namin n mag-anak. Kaya mas mabuting siya na lang ang mag-ayos para isang trabaho na lang. Pagkagayak ko kay Allison ay minabuti kong magbukas ng ilang kahon para kahit paano ay mabawasan ang mga inaayos kong gamit paunti-unti. Pinili kong magsuot ng isang dress habang nag u-unbox ako ng isang kahon para maayos akong makagalaw. Iniipit ko pa sa pagitan ng aking hita ang hem ng suot kong dress saka ako namili ng box na bubuksan ko. At napadako ang tingin ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD