LYKA Pagkatapos naming mag niig ay masaya akong yumakap sa matipunong katawan ni Lance at saka ko siya tiningala. "Lance, hon..." tawag ko sa pangalan nito habang nakayakap ako sa malapad nitong dibdib. "Hmmmp? Bakit honey?" "Matagal ko na sana itong gustong itanong sa'yo, kaso palagi ko namang nakakalimutan kapag kasama kita." "Ano yun, honey?" takang tanong nito sa akin at bahagya pa nitong inilayo ang katawan nito sa akin para titigan ako. "Naalala mo ba noong una kong beses na dinala si Allison sa restaurant?" "Yes, why?" "Nagtataka lang kasi ako na naging malapit ka agad kay Allison kahit na unang beses pa lang kayong nagkita." "Y-yun ba, mabait naman kasi si Allison kaya nakuha niya agad ang atensyon ko." biglang iniwas ni Lance a

