6

1046 Words
"Gising na si Cinderella," turan ni Sam. "You should go home, Lia." Napatingin ako kay Ramses dahil sa sinabi niya. "I'm okay," sambit ko kahit na pakiramdam ko ay lalong sumama ang pakiramdam ko ngayon kumpara kanina. Mas lalong lumala ang pagkahilo ko at ganoon din ang sakit ng katawan ko. "You're burning," sambit ni Sam sabay niramdam ang noo ko. Puno ng pag-aalala ang mukha ngayon ni Ramses ganoon din si Sam na kinabuntong hininga ko lang. "Drink some medicine before you go home. Ako na ang bahalang magsasabi kay Chief na umuwi ka," pag-aalok ni Ramses sa akin na kinailing ko lang dahil alam ko namang kaya ko pa. "Kaya ko pa," pagdidimiss ko sa kanilang dalawa. "Ramses is right, umuwi ka na lang muna. Ipagbobook kita ng sasakyan para may sumundo sa iyo o kaya better na ihatid ka ni Ramses pauwi sa inyo." Nakangting sambit ni Sam na agad namang kinatango ni Ramses. "Fine," wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi ng dalawa. "Gusto mo bang buhatin na kita palabas rito?" tanong ni Ramses na kinabilog ng mga mata ko. "No, kaya ko pa namang maglakad," turan ko. Agad akong tumayo at naglakad palabas sa malaki naming conference room. Dahil sa sama ng pakiramdam ko ay tuloy tuloy lang ang lakad ko at hindi ko na nabati ang ibang doktor na tumatawag sa pangalan ko. "You sure you don't want me to carry you?" natatawang sambit ni Ramses na nakasunod na pala sa akin. Narinig ko din ang pagtawa ni Sam na halos takbo lakad na din para makahabol sa akin. "Para kayong abnoy dalawa," pagkomento ko na kinatawa lang ng dalawa. "We are concerned. Pasalamat ka at may lagnat ka ngayon, hindi kita makukulit at matatanong kung sino ang lalaking hinayaan mong pumasok sa buhay mo," nakangiting turan ni Sam. "Stop talking like your a shrink, Sam, You're a surgeon." Maldita kong sambit sa kanya kahit na ang totoo naman ay alam kong concerned lang siya sa akin tungkol sa buhay ko. "I'm not a shrink, I'm your friend, Lia." Nakangiti si Sam bago nagpaalam sa akin at binilin ako kay Ramses para ihatid ako sa condo unit ko. Nahanap ko ang sarili kong nakasakay na sa kotse. Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan dahil walang nagsasalita sa aming dalawa ni Ramses. Hindi ko din alam ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay naniniwala si Ramses tungkol sa mga sinabi kanina ni Sam. "Sleep, gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo sa inyo," turan niya sa akin na kinatango ko lang. "Its true," mahina kong sambit. "What is?" tanong niya sa akin. "I slept with someone yesterday," turan ko sabay pagbuntong hininga. "And I'm regretting my action now. Hindi ko aakalain na lalagnatin ako sa ginawa ko kagabi," tuloy tuloy kong sabi habang walang enerhiya sa boses ko. Nahihiya akong magsabi kay Ramses pero dahil kaibigan ko siya at alam kong maiintindihan niya ako kaya sinabi ko pa rin sa kanya ang totoo. Sa buhay kong ito ay iilan lang ang mga taong importate sa akin at silang dalawa ni Sam ang mga taong itnuturing kong importante sa akin na hindi ako iniiwan sa ere. Si Ramses ang klase ng kaibigan ko na tinuturing kong kuya, masyadong mataas ang tingin ko sa kanya noon pa man. Hindi ko nga inaakala na magiging malapit kaming dalawa dahil sa personality niya. Ramses is a straight A student and social butterfly, halos lahat ng tao ay gusto siya lalo na ang mga kababaihan na nahuhulog sa angkin niyang kagawapuhan. Base nga sa obserbasyon ko ay kami lang ni Sam ang immune sa kagwapuhan niya. Lahat na lang kasi ng babaeng nakakasalamuha niya mapakatrabaho o pasyente ay nagkakagusto sa kanya. "Its okay, you'll be okay," nagsalita siya pagkatapos ng ilang minuto. Binuksan ko ang mga mata ko at ngumiti kay Ramses bago muling sinara ang mga mata. Thanks, Ram." Mahina kong turan hanggang sa naramdaman ko na ang sarili kong naglakbay sa kadiliman. "LIA." Naalimpungatan ako ng marinig ko ang paggising sa akin ni Ramses. "Ahh, sorry nakarating na pala tayo," turan ko sa kanya at agad akong napakapit sa kamay niyang nakaalalay sa akin. Nakatulog ako ng ilang miuto pero hindi iyon nakatulong sa paggaan ng nararamdaman ko sa katawan ko.  "Ano iyang bitbit mo?" tanong ko sa kanya. "Medicine kit," sambit niya. "What for?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "May mga gamot akong nandito, tsaka ibibigay ko na ito sa'yo dahil alam kong walang kalaman laman iyong medicine kit mo," turan niya habang naglalakad na kami sa lobby ng condo unit ko. Wala na akong magawa kundi ang tumango dahil alam ko naman totoo ang sinasabi niya. Wala talagang kwenta ang medicine kit ko sa bahay dahil wala iyong kagamot gamot, dapat kit lang ang tawad do'n. "Thanks, Ram. Naabala pa kita ngayon, naalala ko na may surgey ka pa pala mamaya tapos ginulo pa kita ngayon." Naguguilty kong sabi sa kanya na kinangiti lang ni Ramses. Mabilis kaming nakarating sa harap ng condo ko, kinuha na ni Ramses ang susi sa kamay ko at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pagkapasok namin sa loob ay inalalayan na ako ni Ramses papasok sa loob ng kuwarto ko. "Kukuha lang ako ng tubig," pagpapaalam niya bago umalis ng kuwarto ko. Agad akong humiga sa kama ko, pakiramdam ko ay isang malaking ginhawa ang mahiga sa kama ko ngayon. "Inumin mo muna ito bago ka matulog," inalalayan akong maupo ni Ram sa higaan, agad ko namang ininom ang gamot na binigay niya sa akin at agad akong bumalik sa pagkakahiga. "Thank you again, Ram." Pagpapasalamat ko sa kanya. "Sleep and rest. Wag ka na din pumasok bukas, ako na bahala magsabi kay Chief," turan niya bago tumayo. "Okay. Kaya ang daming nagpapakatiwakal sa'yo e, you're so dreamy." Natatawa kong sambit habang nakatingin sa kanya na umiiling lang. "Now you also think I'm also dreamy," sarkastiko niyang sambit. "You are because you have this nice and handsome face plus your are such a great guy. A big catch," wala na sa sarili kong sambit. "Now the medicine is talking," turan niya na kinangisi ko na lang. "Opo ito matutulog na ako," sambit ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD