5

1101 Words
"You're late," turan ni Ramses. "Hindi ako nagising sa alarm ko," natatamad kong sagot sa kanya. Naupo na ako sa tabi niya ngayon at napatingin sa paligid namin. Mukhang kanina pa nagsisimula ang meeting at ngayon ay nagkaroon lang ng kaunting break. "Bakit mukhang wala ka pang tulog," sambit niya na kinataas ng kilay ko. Halata bang wala akong tulog? Dapat pala ay naglagay ako ng kakaunting make up para hindi ganoon ka mahalata ang matamlay kong mukha. "Are you okay?" tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako at napilitang tumango kahit na ang totoo niyang ay gusto ko na lang umuwi sa bahay ko ay magpahinga at matulog buong araw.  My body is aching all orver na pakiramdam ko ay lalagnatin ako mamaya. Isang malaking pagkakamali talaga ang ginawa ko kagabi. Isang malaking pagkakamali ang pagkalasing ng sobra at makahanap ng guwapong lalaki. "I am okay," sagot ko sa kanya. "Are you sure?" muli niyang tanong habang nakatingin sa kabuuan ko.  Muli ay napatango lang ako ng pilit at muling binalik ang tingin  ko sa kapeng binigay ni Ramses sa akin. Unti-unti kong hinigop ang hawak kong kape, in attempt to help my head and body ache that I feel right now. Dapat talaga tinawagan ko na lang si Ramses na hindi ako makakadalo sa meeting namin ngayon dahil sa sama ng pakiramdam ko. Nakakaasar lang na hindi ko naisip iyon kanina at dire-diretso pa din ako umuwi sa bahay at nagmamadaling maligo at magpalit ng damit. Si Ramses ang isa sa mga kaibigan ko mula college hanggang sa naging doktor kami, pareho kaming dalawa na surgeon pero ang pinagkaiba lang namin ay ako sa cardiothoracic at siya ay sa neuro.  "At ngayon lutang ka na naman," nangisi niyang sambit na kinasama ko ng tingin sa kanya. "O, anong nagyari sa iyo?" tanong ni Samantha na mukhang kakarating lang din at late na late na. Sinamaan naman ito ng tingin ni Ramses habang ako ay napangisi, atleast hindi lang ako ang late ngayon sa meeting. "You are late," sambit ni Ramses. "Duh, hindi pa naman nagsisimula," turan ni Samantha na nakangisi lang. Napailing kaming dalawa dahil hindi na sa amin bago ang pagiging late ni Sam. Sa loob kasi ng isang taon ay halos iilan lang ng araw na dumating siya ng maaga o sakto sa oras.  Si Sam ang pangalawa kong matalik kaibigan na naging kaibigan ko lang mula ng maging intern kami pareho sa ospital na pinagtratrabahuan na namin ngayong tatlo. "You look like hell, Lia." Hindi ko na pinansin ang pagkomento ni Sam sa mukha ko ngayon at inubos na ang kapeng sobrang pait. Sana lang talaga ay matulungan ako ng kapeng ito para magising at hindi makatulog sa meeting namin. "Mukha nga siyang may sakit," pagkomento ni Ramses na mukhang nag-aalala na habang nakatingin sa akin. "I'm okay," pilit kong turan. "Mukhang hindi lang ako ang may ginawa kagabi," nakangiting turan ni Sam na para bang may pinapahatid ang sinabi niya sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at napailing. "What?" tanong ko sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Sam pero agad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Sa edad kong ito, 31 years old na ako pero hindi ko kayang sabihin sa mga kaibigan ko na sa wakas ay wala na ang v card ko. Hindi ko alam papaano ko sasabihin na naibigay ko iyon sa isang estranghero na hindi ko naman kilala. Iniisip ko pa lang ngayon ay alam ko na ang magiging reaksyon sa akin ng dalawang ito. Paniguradong magagalit sa akin si Ramses samantalang si Sam naman ay matutuwa dahil sa wakas ay hindi na ako isang inosenteng trenta anyos na doktor. "Wala akong ginawa kagabi kaya tigilan mo ako sa ganyang tingin," turan ko sa kanya. "Anong ginawa niya kagabi?" tanong naman ni Ramses na para bang hindi nakukuha ang sinabi ni Sam. "Wala akong ginawa kagabi," mabilis kong sagot at agad na sinamaan ng tingin si Sam na kinalaki ng mga mata nito. "You did, did you?" tanong sa akin ni Sam na kinapikit ng mga mata ko habang nakahawak ako sa may noo ko, in attempt to ease my haad ache. "I don't know what you are talking about, Samantha." Walang bahala kong sagot kahit na ang totoo niyan ay nahihiya akong maman nila ang totoo. Usually, ay patay malisya lang ako sa ga ganitong bagay dahil alam naman nilang hindi ako nasasangkot sa mga kalalakihan. "You definitely got laid yestrday!" malakas na boses ni Sam na kinatuptop ko sa bibig niya dahil hindi ako makapaniwala sa ingay na ginawa niya ngayon. Napatingin ako sa paligid at iilang doktor ang mga nakatingin sa amin. "Ang ingay mo," naasar kong sambit sa kanya. "You did, what?" hindi makapaniwalang sambit ni Ramses na kinabuntong hininga ko. Napahawak ako sa aking noo dahil pakiramdam ko nagsisimula na ding sumakit ang ulo ngayon "I did not, just stop, Sam," walang lakas kong sagot na kinahagikhik ni Sam at halatang wala akong planong tigilan. "Who is the lucky guy? Tsaka bakit ka ba nahihiya, jusko naman Ophelia. Anong edad mo ngayon, thirty one? Normal lang ang makipagmakipagtal1ik sa ganyang edad natin," tuloy tuloy na sambit ni Sam na para bang hindi isang propesyonal na doktor. Paano ba naging doktor ang babaeng ito? Masyadong matabil at taklesa ang bibig. Pag lumalabas talaga ang pagiging madaldal niya ay minsan gusto kong lagyan ng scotch tape ay mali--  duck tape ang bunganga niya ng hindi ko na maririnig ang mga sinabi ni Sam ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon kay Ramses na nakatingin lang sa akin na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig. "Its not true," pagdepensa ko sa sarili ko. Pabalik balik ang tingin ko kay Ramses at kay Samantha. Napabuntong hininga naman ako dahil ngiting-ngiti talaga si Samantha na para bang hindi siya naniniwalang walang nangyari sa akin. "Is there really someone?" tanong ni Ramses. "There is someone," pagsingit naman ni Sam. Nagkatinginan kaming tatlo na kinabuntong hininga ko na lang ng pang ilang beses. Napasandal lang ako lalo sa kinakaupuan ko at sinara ang mga mata.  "See, there is someone, Ram." Rinig na rinig ko ang tuwa sa boses ni Samantha na para bang sa wakas ay nakawala na ako sa cage ko. Hindi ko na narinig ang sagot ni Ramses dahil biglang may nagsalita na sa harap namin at tumuloy-tuloy na ang meeting namin. Hindi alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil sa biglang pagsisimula ng meeting namin. Sa sobrang haba ng meeting ay hindi ko namalayan ang sarili kong nakatulog na hanggang sa matapos ang meeting namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD