"Isara mo ang mga mata mo," sambit ko sa kanya. "Isara mo na dahil tatalikod na ako ng pagkakahiga," pabibigay alam ko sa kanya na kinabuntong hininga niya. "Fine, sinara ko na." Parang batang sagot niya sa akin, mabilis naman akong tumalikod kahit na nararamdaman ko pa rin ang kirot ng likuran ko. Dahil sa paghilot niya sa likuran ko ay medyo nabawasan na ang sakit. Nabugbog lang talaga ang likuran ko sa pagkakadulas. Mabilis kong binalot ang katawan ko ng tuwalya pagkatapos ay tinapik ko na ang braso niya para ibuka ang mga mata niya. "Okay na po," sambit ko. Mabilis naman niyang binuka ang dalawa niyang mga mata at napatingin sa akin. Napababa taas ang tingin niya sa akin na para bang may hinahanap siyang iba sa parte ng katawan ko. Kumunot naman ang noo ko ng magtagpo ang tingin n

