Napatingin ako sa harap ng katawan ko na may nakatakip na tuwalya, napatikhim ako at napatingin sa pintuan. "Ahh- Kyzher!" simple kong pagtawag kanya at agad naman niyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. "Kailangan mo ng tulong?" pagtatanong niya sa akin na kinatango ko. Nakatinsin siya sa kabuuan ko pagkatapos ay nakangisi sa akin. "Bakit nakangisi ka?" pagtatanong ko sa kanya. Amusement is written all over his face while looking at me. "You look funny, ipit na ipit ang tuwalya sa kili-kili mo. Don't worry, hindi ko hihilain iyan." Nakangisi niyang turan bago siya naglakad papunta sa likuran ko. Hindi na ako nagsalita at sinimulan na din niyang pinunasan ang likuran ko ng towel. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat sa niya sa bawat paghagod ng kamay niya sa likuran ko lalo na

