"What are you doing here so early in the morning?" agad kong tanong kay Kyzher ng makita ko siyang pumasok sa apartment ko. No'ng una ay napalingon lang ako sa may pintuan dahil naririnig kong may nagpipindot ng code ng pintuan ko, medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung sino ang pupunta ng ganito kaaga. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayong umaga kaya ganoon na lang ang pagkaigla ko ng makita ko si Kyzher papasok. "Good morning, you're up so early." Nakangiti niyang bati sa akin. Mula sa kinakatayuan ko ay pahapyaw kong tunignan siya mula ulo hanggang paa. Helooks so fresh with his hair fixed on on side. Nakasuot din siya ngayon siya ng three piece suit na kulay asul at leather shoes. Halatang papasok na siya sa trabaho pero dumaan pa rin siya rito sa aprtment ko. Napunt

