Napatitig ako ng ilang sandali sa kisame pagkatapos ihiwalay ni Kyzher ang sarili niya sa akin. Habol hininga kaming nakahiga ngayon sa kama. "Ophelia," pagtawag sa akin ni Kyzher. Hindi ko siya nilingon kahit narinig ko naman ang pagtawag niya sa akin. Diretso akong naupo sa kama at tumayo na para hanapin ang mga suot ko. Isa isa kong pinulot sa sahig sa sahig ang mga ito at mabilisang sinuot. Huli ko na sinuot ang strapped heels ko. Nakatingin lang sa akin si Kyzher na nag-oobserba ng bawat kilos ko. Pagkatapos kong magpalit ay nilingon ko siya. "Mauuna akong lalabas ng kuwartong ito, lumabas ka rito pagkatapos ng limang minuto," walang emosyon kong sambit sa kanya. "Now, you won't talk to me again," marahan niyang turan sa akin habang nakaupo sa kama. Pilit kong hindi binigyang pan

