"Mukha kang namatayan ng pusa," sambit ni Sam. Napatingin ako sa kanya at napabuntong hininga. "Its the day of the month," walang enerhiya kong sambit sa kanya at muling tumingin sa isang chart ng pasyente. "Oh, kaya pala. E di wag kang pumunta," suhestiyon niya na agad ko namang kinailing ng ulo. Tumingin ako kay Samantha at napailing dahil ang dali-dali lang sabihin na wag na lang akong pumunta pero hindi ko iyon magagawa dahil kahit papaano naman ay gusto kong makita ang Tatay ko. Sa totoo lang ay pwede akong hindi pumunta sa dinner ng pamilya namin sa mansyon. Ito ay nangyayari kada huling araw ng buwan kung saan dapat kompleto kaming buong pamilya. Mali, hindi pala ako kasama sa pamilyang iyon. Ang pamilya ng Tatay ko, ang legal niyang asawa at mga legal niyang anak. Ako ay is

