"At katulad ng nakaraang araw ay mukha ka na namang pinagdaanan ng bagyo. Ano bang nangyari sa iyo sa dinner party ng pamilya mo?" tanong sa akin ni Sam ng makita ang nakabusangot kong mukha. Nakaupo kasi ako ngayon sa sofa namin rito sa attendings lounge. Kakatapos ko lang sa isang major heart surgery na halos naglast ng eight hours at base sa mukha ni Sam ay mukhang kakatapos ng lang din ng isa niyang surgery. Tumabi ng upo sa akin si Sam napakatingin ako sa kanya at napabuntong hininga. "Anong gagawin ko?" pagmamaktol kong tanong sa kanya. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin na para bang hindi siya sigurado kung anong sasabihin sa akin. "Ano bang pinag-uusapan natin dito?" nalilito niyang tanong sa akin. "I have to attend to my step sister's grand birthday dinner

