"Its too glittery, ayokong masyado akong kumikinang," sambit ko. "Ayoko nito, masyadong sexy," sunod kong sambit. "Masyadong masikip," sunod ko ding turan ng makapagpalit ng damit. Sunod sunod ang sama ng tingin sa akin ni Sam kasi halos nakakailang subok na ako ng dress na pinipili niya sa iba't ibang tindahan ay wala pa din akong mapili. Panay reklamo lang ang nasasbai ko dahil hindi ko talaga gusto ang mga sinasabi niyang mga damit. Anong magagawa ko kong hindi ko gusto ang mga damit na suhestiyon niya? Nakadekuwatrong upo si Sam habang masamang nakatingin sa akin at napabaling ang tingin ko kay Ramses na katabi ni Sam na parang bored na bored ng nakaupo sa sofa habang nakaharap sila sa akin. Pinanlakihan ko ng mata si Ramses na mukhang hindi naiintindihan ang gusto kong ipahiwati

