Narinig ko ang sunod sunod na pagkatok ni Kyzher sa pintuan, sa klase ng katok niya ay halatang hindi niya nagustuhan ang pagkukulong ko rito. Napabuntong hininga naman ako at napaupo sa may bathtub ng banyo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kyzher ngayon, iniisip ko pa lang ang ginagawa ko kanina ay hiyang hiya na ako. Sa tuwing may mangyayari sa amin ay para akong nasasaniban ng espiritung malandi na wala ng pakialam sa mga susunod na mangyari basta makuha lang siya. Siguro dito na lang ako magkukulong hangga't hindi ko pa nakukuha ang damit ko. "Gusto mo pa atang magtagal rito sa apartment ko dahil ayaw mo pang lumabas dyan," pagsasalita niya sa labas ng pintuan. Hindi ako nagtangkang magsalita dahil pakiramdam ko gumagawa lang siya ng rason para lumabas ako rito. Mukha tu

