"Bakit k-ka nakapasok sa loob ng b-bahay ko?" nahihilo kong tanong sa kanya. Magsasalita sana si Kyzher ng bigla akong mabuwal pero sakto niya akong nahawakan kaya hindi ako natumba sa sahig. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "You're really drunk. Let me get you inside," nag-aalala niyang turan at pinapasok na ako sa loob ng apartment niya. "Siguro may powers ka kasi andito ka na ngayon sa h-harapan ko." sunod sunod kong pagsasalita sa kanya at kuung ano ano pa sinasabi ko. "Ilang araw kaya kitang nakita 'tas ngayon andito ka na," sambit ko at humarap sa kanya bago ko pinulupot ang dalawa kong braso sa leeg niya. Halos mamula na ang balat ko sa sobrang pagkukukos ng katawan ko dahil sunod sunod ko pang naalala ang mga ginawa ko kagabi na hindi ko matanggap. "Anong mga sinabi

