Kabanata XXVI

2033 Words
~Lucy~ Mabuti na lang dumating si Ron kung hindi ay baka sinampal ko na rin 'yong girlfriend niyang insecure. Iniwan namin sila Lea at Chloe roon sa tapat ng bahay namin dahil bigla na lang nagyaya ng pagkakape itong lalaking 'to. Hindi ko na nagawa pang pumasok sa loob ng bahay at sumama na lang din kay Ron para na rin makaiwas sa dalawa. Gamit namin ngayon ang sasakyan niyang Fortuner at in fairness may sasakyan na pala siya. Siguro ay may trabaho na ito at maganda ang kinikita sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. I'm not sure kung ganoon nga kasi ilang taon na rin akong walang balita sa kanya. "Bakit dito pa natin kailangan magkape, eh, pwedi naman doon na lang sa bahay?" tanong ko ng itigil na ni Ron ang sasakyan niya rito sa parking area ng Starbucks. "Para sulit and don't worry treat ko naman ito." Lumabas na ito ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. "Thanks," sambit ko at lumabas na ng sasakyan niya rin. Naglakad na kami papasok ng Starbucks at agad namin kinuha ang bakanteng lamesa na malapit sa glass wall. Parehong Ice Caffe Latte at Caramel Cheesecake ang inorder namin at si Ron na mismo ang nagbayad nang mga ito dahil treat nga niya ang pagpunta namin dito. Habang pinagmamasdan ko siya simula sa sasakyan pa lang ay hindi ko maiwasan isipin ang dating Ron na nakilala ko. Mas malaki ang pinagbago nito kesa sa akin. I wonder if siya pa rin 'yong Ron na nagustuhan ko noon. Mukhang naka-move on na rin naman siya sa pangba-busted ko noon. Sadyang 'yong girlfriend lang niyang impokrita ang hindi pa nakaka-move on sa akin. Tss. "So, kailan pa naging kayo ni Lea?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya habang magkaharap kami rito sa table namin. "Why are you asking?" tanong niya habang humihigop sa inumin niya. "Hindi na ba ako pweding magtanong sa'yo? Napapaisip lang kasi ako paano ka nagkagusto sa babaeng iyon at naging girlfriend mo." "Why not? Mabait naman si Lea–" "Remove the mabait. Demonyita ang babaeng iyon!" putol ko sa kanya at bigla naman itong natawa. "Sinisiraan mo ba siya sa akin? You sounded like jealous, Lucy." Ako naman ang natawa sa sinabi niya. "I'm not jealous and as if!" Inirapan ko siya. "Don't get me wrong, Ron, I just can't imagine na naging girlfriend mo ang babaeng iyon." "There's nothing wrong kung naging girlfriend ko si Lea. Mabait din naman siya kung kikilalanin mo ng maigi," pagdedepensa niya sa babaeng iyon, "Atsaka hindi ko na siya girlfriend ngayon. Matagal na kaming naghiwalay." Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. "Oh? Wala na kayo? Eh, bakit babe pa rin ang tawag ni Lea sa'yo?" Nagkibit-balikat siya. "I don't know." Sagot niya na tila hindi interesado pag-usapan ang tungkol sa kanila. Don't tell me assumera pa rin ang babaeng iyon kahit wala na sila? "So, kamusta na ang buhay mo, Lucy? I did not expect na babalik ka pa pala rito. Ibang-iba ka na ngayon noong huling beses kitang nakausap." Pang-iiba na niya ng topic namin. "Ganyang-ganyan din ang sabi sa akin ng dalawang matandang babae kanina," sambit ko, "But people change ang sabi pa nga, hindi ba?" sagot ko sa kanya at humigop na sa inumin ko na ngayon ko lang pinansin. "Really? So, are you still the girl I known five years ago? tanong niya na tila naghahamon habang panay ang higop sa inumin na hawak niya. "Oo naman ako pa rin ito," sagot ko at ngumiti nang maliit sa kanya, "Eh, ikaw kamusta ka na? Ang laki na rin ng ipinagbago mo, balbasado ka na." Natawa ito sa sinabi ko. "Sa dami ng pwedi mong mapansin ay ito pa talagang balbas ko." "It's really obvious kasi. Muntik na nga kita hindi mamukhaan kanina." "Well, sabi mo nga people change." Natatawa na sambit nito. "But not the heart." Ngumiti ito sa akin at napakunot-noo na lang ako sa sinabi nito dahil parang double meaning iyon. "Okay lang din naman ako. Nakapagtapos na rin ako sa kursong gusto ko and kaka-take ko lang ng board exam sa PNP last week." Sagot nito sa tanong ko. "Wish me luck na pumasa sana ako. Hahaha!" "Don't worry matalino ka naman kaya makakapasa ka. Ikaw nga ang laging top one sa atin noon at lagi mo lang akong kasunod." "Yea, right and I still remember that." "So, how about Von? Kamusta na siya? Last time I check ay tinawagan niya ako and sinabihan na friendship over," tanong ko habang nilalantakan ang caramel cheesecake ko. "What? Sinabi 'yan ni Von sa'yo?" Gulat na reaksyon niya na parang hindi niya alam. "Oo and seem the brother didn't know, huh?" "Hindi ko talaga alam dahil wala siyang nabanggit tungkol diyan." "Okay lang sobrang tagal na rin ng sinabi niya iyon sa text. So, kamusta na nga siya?" tanong ko muli. "She is in Singapore." Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Singapore? Ano naman ginagawa niya roon? Nagtatrabaho?" Sunod-sunod na tanong ko. "Nope. Nagkaroon siya ng boyfriend na taga-Singapore at kakakasal lang nila last year then after that isinama na siya ng asawa niya roon. Parang ikaw lang din," sagot nito na parang ang bigat pa sa loob niya na sambitin ang huling sinabi, "Iyong sasakyan na ginamit natin kanina. Regalo sa akin ng asawa ni Von iyon bago niya tinangay ang kapatid ko papuntang Singapore." dagdag pa nito. "Eh, ikaw bakit hindi ka na rin nag-asawa katulad ng kakambal mo? Nandiyan naman si Lea na naging girlfriend mo." Natawa naman ito. "Magtatrabaho muna ako bago ako mag-asawa. Ayoko mag-asawa ng walang laman ang bulsa." "Sabagay mas maganda na rin iyon." Binalot kami ng katahimikan matapos ang usapan naming iyon. Nakaupo pa rin kami sa table namin at muli kaming umorder ng Caramel Cheesecake ng maubos ito. Medyo nakakailang lang ng kaunti ang atmosphere namin dito. Hindi ko rin inakala na makikita ko si Ron ngayong araw dahil hindi naman siya ang ipinunta ko roon sa dati naming bahay. Pero ano kaya ginagawa niya roon? Mukhang hindi naman siya nagpunta para kay Lea dahil iniwan din naman niya ito at ako ang isinama. "Kasama mo ba ang asawa mo na bumalik dito sa Pilipinas?" Pambabasag ni Ron sa katahimikan at doon ko lang naalala na may gagawin pala ako ngayon. Muntik ng mawala sa isip ko. "Hindi nasa Japan siya," sagot ko na lang dahil baka magtanong pa siya ng mga bakit kapag sinabi ko ang totoo, "May kailangan kasi siyang asikasuhin doon kaya hindi na siya sumama pa." dagdag ko bago pa siya magtanong sa akin. Tumango ito. "Gusto ko malaman mong masaya ako makita ka ulit, Lucy." Sambit nito habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mabasa ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. It's somehow na malungkot na masaya? "Masaya rin ako makita ka, Ron," tugon ko at isinuot na ang shoulder bag ko saka tumayo, "Pero kailangan ko ng umalis. May lakad kasi ako ngayon. Iyong dating bahay lang talaga namin ang isinadya ko but I didn't expect na magkikita pala tayo." "Is that so? Ihahatid na kita kung–" "Hindi na magko-commute na lang ako. Baka nakakaabala na ako sa lakad mo rin," putol ko sa kanya, "Thank you, Ron. See you again." Naglakad na ako palabas ng Starbucks at iniwan na si Ron mag-isa sa table namin. Pumara agad ako ng taxi ng may masaktuhan ako at bago ako sumakay ay sinulyapan ko si Ron na nasa loob pa rin. Nakatingin din ito sa gawi ko at parehong nagtama ang mga paningin namin. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti bago pumasok ng tuluyan sa loob ng taxi. Ang weird lang na magkasama kaming dalawa at kumain sa Starbucks. "Good morning, Ma'am! Ano po ang maipaglilingkod namin?!" Masigla na bungad sa akin ng staff pagkapasok ko rito sa parlor nila. Kaunti lamang ang customer na narito ngayon at medyo may kalakihan din itong parlor nila. "Magpapakulay ako ng buhok and magpapagupit na rin ng kaunti." "Tara rito, Ma'am, at kami bahala sa inyo!" Inumpisahan na nila na ayusan ang buhok ko. Pinaupo nila ako sa malambot nilang upuan sa harap ng malaking salamin. Kulay blonde ang napili kong kulay na ipapalit sa itim kong buhok. Pinabawasan ko rin hanggang siko ang buhok ko dahil sobrang haba na rin nito. Halos tumagal ng isang oras ang pag-aayos nila sa akin bago ko na-achieve ang final outcome na ginawa nila sa buhok ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti na lang ako ng makita ang bago kong itsura. Siguro naman hindi nila ako mamumukhaan? Ilang taon na rin ng huli kong makita ang mga 'yon. "Sa uulitin, Ma'am! Balik ulit kayo rito!" sigaw nang nag-ayos sa akin ng makalabas na ako ng parlor nila. Pumara na ako ng taxi at bumalik na sa condo ko. Mag-aalas kwatro na rin ng makarating ako kaya nag-ayos na ako para pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Mason. Hindi na ako makapaghintay na makita ang lalaking iyon. Panay pa talaga ang deny niya noon na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni ate. Tingnan natin kung makapag-deny pa siya once na ilantad ko na ang mga ebidensya na mayroon ako. Sa ngayon, paglalaruan ko muna ang buhay niya pati na rin ang buhay ng dalawa niyang kaibigan. Masyadong madali ang lahat kung ipapadampot ko sila agad sa mga tauhan ko. Kailangan munang magsaya. "Good evening, Ma'am," bati na naman ng security guard sa akin lumabas ako. Nginitian ko lang siya at dumiretso na sa sasakyan ko kung saan ito naka-park. Suot ko ngayon ang Gucci black dress ko na halos umilaw na sa dilim sa sobrang kinang nito. Regalo sa akin ito ni Yumiko noong birthday ko at pangatlong beses ko pa lang ito nasuot ngayon. Tinernuhan ko ito ng itim na high heels na may taas na five inches. Kailangan ay maging maganda ako sa paningin ni Mason nang makuha ko kaagad ang loob niya at kapag nangyari iyon ay kakalibitin ko ang kahinaan niya as lalaki. Tingnan natin kung gaano mo kamahal ang asawa mo once na hindi na kita tantatanan. Alasais na ng gabi ng makarating ako sa Five Star Hotel kung saan nag-check-in si Mason. Nag-park na ako ng sasakyan at lumabas na para pumasok sa loob. May ilan akong mga nakakasabay na naglalakad at sa suot pa lang nila ay halatang mayayaman ang mga ito. Pinapasok kami ng security guard at ng makapasok kami ay nagkanya-kanya kami ng daan. Dumiretso ako sa hotel front desk para magtanong kung saan naka-check-in si Mason. Sana lang ay sabihin nila sa akin. "Good evening, Ma'am, how may I help? Do you need a room? Or you have a reservation for VIP's?" tanong nang babae na nasa harap ng computer screen niya. "Ahm, yeah, I'm going to get a room na rin but there's someone I am looking for here." Umarte ako na parang may hinahanap sa paligid ko. "Can you tell me what room is he checked in?" Kumunot ang noo nito. "I'm sorry, Ma'am, but we are not allowed to tell the information of the person who check in here." "I know." Kinuha ko sa loob ng bag ko fifty thousands na naka-bundle at inilagay ito sa harap niya. "But we can talk about it, right? I really need to know the room that I'm looking for, please?" Pakiusap ko at inilapit pa sa kanya ang pera. "Sa'yo na 'yang fifty thousands once na sinabi mo sa akin." "Hoy, Hazel! Sabihin mo na sayang 'yong pera. Baka gusto mo ako na lang magsabi kay–" "Sasabihin ko na po." Agad na kinuha nang babae ang pera na ibinigay ko ng putulin niya ang sinabi nang kasama. "Ano pong pangalan ng hinihahanap niyo?" Tanong nito. "Mason Andrews at kaninang umaga lang siya nag-check-in dito." "He is in the eight floor of this building, Ma'am. Room 102 po ang number ng room niya," sambit nito ng mahanap na ang pinapahanap ko. "Can you get me a room there?" Tumango ito. "Yes po. Your room number is one hundred six, Ma'am, ito po ang susi ng kwarto niyo." "Thank you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD