Kabanata XXIV

2264 Words
~Lucy~ Sa ilang oras na byahe namin sa ere ay sa wakas naka-landing na ang eroplanong sinakyan namin dito sa airport ng kaibigan ni Yumiko. Naka-received na rin ako ng message galing kay Bebang at Bennie na nandito na rin sila sa airport na nag-aabang sa amin. Inasikaso na ni Cindy at ng dalawang bodyguards na kasama namin ang mga luggages habang ako naman ay ginigising si Yazumi na masarap pa ang tulog sa upuan nito. Hindi ito nagising ng tawagin ko kaya hinaplos ko ang malambot niyang pisnge ng maramdaman niya ako. "Yazumi, wake up, we're already landed here in the Philippines." Dahan-dahan itong gumalaw kasabay ng pagdilat nang kulay kape niyang mga mata. "Mommy." Inaantok na tawag nito sa akin. "Good morning, Mommy!" Bati nito sa akin at umayos ng upo habang nag-uunat ng braso. "Good morning din baby ko." Hinalikan ko ng mariin ang pisnge niya bago ito tadtarin ng maraming halik sa buong mukha niya. "Mommy, stop na po!" Nakikiliti na pakiusap nito pero hindi ko siya tinigilan na halik-halikan. Nakakataba ng puso kapag naririnig mo ang tawa ng anak mo. "Mommy is just going to stop if you will going to kiss me," sambit ko habang patuloy pa rin sa paghalik sa kanya at tumigil lamang ako ng hawakan niya ang magkabila kong pisnge. "Mwah! Mwah! Mwah!" Tatlong beses niya ako binigyan ng magkasunod na halik. "Three kiss for my beautiful mommy!" Masigla na sambit nito. "And to daddy, three flying kiss for him!" Humarap ito sa bintana na nasa gilid niya at nag-flying kiss habang nakadungaw sa kalangitan. I know she's missing him. "Daddy already received your kisses, Baby. Let's go now because they are already waiting for us," sambit ko para na hindi na niya maisip pa na wala na ang daddy niya. Nasasaktan ako na makita siyang nangungulila sa daddy niya dahil napakabata pa niya. Nang makababa na kami ng eroplano ay bumungad sa amin ang dalawang sasakyan. Ang isa ay limousine na usually na ginagamit namin noon ni Yumiko rito at ang isa naman ay sedan. Naipasok na rin sa loob ng dalawang bodyguards na kasama namin ang mga luggages sa loob ng sasakyan. Kaunti lang naman ang dala naming luggages dahil may mga gamit naman kami rito. Karamihan lang sa dala namin ay ang mga gamit ni Yazumi at mga importanteng documents. "Bakla!" malakas na sigaw ni Bennie nang makababa na kami ng eroplano, lumapit ito at mabilis na niyakap ako dahilan para mabitawan ko ang hawakan ng maleta ko, "Na-miss kitang bakla ka!" sambit nito na pinanggigilan ako. "Kaka-landing pa lang ng eroplanong sinakyan namin ay pinapatay mo na ako." Natatawa na lang ako sa pagiging OA niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Pinakawalan na ako nito at hinarap ako. "Ano ka ba! Ilang taon tayong hindi nagkita kaya deserve mong mayakap ng bestfriend mo!" "Mommy, who is he?" Natigilan kaming pareho ni Bennie nang magsalita si Yazumi sa tabi ko, hawak ang laylayan ng coat na suot ko. Nakatingala ang anak ko sa kanya na parang iniisip kong nakita na niya ba si Bennie sa kung saan pero ito pa lang ang unang paghaharap nilang dalawa. Lumipat ang tingin nito sa akin na tila hinihintay ako na ipakilala ang kausap ko kaya naman lumuhod ako para magkapantay kaming dalawa. "Baby, do you still remember what mommy's say about her best friend?" tanong ko habang itinatabi sa likod ng tenga niya ang ilang piraso ng buhok na nakaharang sa mukha niya. "Hai! (Yes!)" "Kasi, Baby, this man in front of us is mommy's best friend." Ngumiti ako sa kanya at tumayo na rin. "(Really, Mommy? He is Tito Bennie?)" Tumango ako. "And, Baby, don't speak in Japanese. He can't understand you." "Sumimasen, Mommy! (Sorry, Mommy!)" Ngumiti ito at tumawa nang nakakagigil. Ang cute cute talaga ng anak ko. Manang-mana talaga sa tatay niya. "Akala ko wala ka ng balak na ipakilala ako sa chikiting na ito!" Binalingan niya si Yazumi at ngumiti rito bago bumaling muli sa akin. "Matagal na kitang naipakilala sa kanya sa Japan pa lang. Hindi lang niya matandaan ang itsura mo." Natatawa kong sagot sa kanya. "Lucy, Bennie, mamaya na ang usap. Kailangan na nating umalis bago tayo abutan ng ulan dito." Biglang singit ni Bebang sa usapan namin. Nang makarating kami sa mansyon ay parang bumalik lahat ng ala-ala noong unang tapak ko rito hanggang sa lumipad kami ni Yumiko sa Japan. Wala pa ring pinagbago ang itsura nito at katulad pa rin ng dati. Saktong pagkapasok namin ng subdivision ay bumuhos ang malakas na ulan at ang mga naiwan dito sa mansyon ay nakaabang na sa amin, hawak ang malalaking payong. Karga-karga ko si Yazumi nang bumaba kami ng sasakyan hanggang sa makapasok kami sa loob ng mansyon. "Mommy, this is our home po?" tanong ni Yazumi habang nagtatakbo rito sa sala na akala mo nasa playground. "Yes, Baby, this is our home," sagot ko at ibinigay kay Cindy ang suot kong shoulder bag. "I like here, Mommy! This huge than in our house in Japan." "Magbihis na muna kayo ng anak mo sa kwarto, Lucy, habang hinahanda pa namin ang lamesa. Ipapatawag ko na lang kayo kung kakain na," sambit ni Bebang bago kami iniwan dito. Simula ng ikasal kami ni Yumiko ay tumayo si Bebang na parang nanay na sa akin. May asawa na ito pero sa kasamaang palad ay hindi sila binayayaan ng anak kaya siguro ganoon siya sa akin. Lagi niya akong pinapa-alalahanan noon bago kami lumipad ng Japan at nakasama namin siya ni Yumiko roon ng dalawang taon. Lumipad ito pabalik dito sa Pilipinas dahil may pamilya rin siya rito na kailangan asikasuhin. "Yazumi, come here," tawag ko sa kanya at tumakbo naman ito palapit sa akin na walang suot na pang-itaas. "Why, Mommy?" tanong nito ng pumwesto sa harap ko. "It's time for you to put your clothes on," sagot ko at isinuot sa kanya ang puting sando niya, "Remember what I'd told you before we leave in Japan?" Tumango ito. "Yes, Mommy!" "So, what is it if you still remember?" Kinuha ko ang hairbrush na nasa tabi ko at inumpisahan suklayan ang malambot niyang buhok. "Mommy will going to work that's what you had said," sagot niya habang ang tingin nasa akin, "But why are you going to work, Mommy? We are rich already." biglang kumunot ang noo nito dahil sa kuryosidad. Natigilan ako sandali sa tanong niya bago ngumiti sa kanya habang hinahaplos ang mataba niyang pisnge. "Mommy will going to work because I have unfinished business." Pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman pweding sabihin ang totoo. Masyado pa siyang bata. "Soon as you get older, you will understand why I need to do this." Dagdag ko at niyakap siya ng mahigpit. "Can I come with you, Mommy?" tanong niya habang nakapulupot ang maikli niyang braso sa beywang ko. "No, Baby. Mommy have to do it alone. I don't want you to get involve. Wakari mas ka? (Do you understand?)" Humiwalay na ako sa pagkakayakap namin ang tiningnan ang inosente niyang mukha. Umiling ito habang nakanguso. "Wakari-masen, Mommy. (I don't understand, Mommy.)" Ngumiti ako. "As what I'd, you will understand it, Yazumi, as you get older." "Okay, Mommy! I can't wait to be a big girl like you. Hihihi!" Hinintay ko muna na magdilim hanggang sa makatulog na ang lahat pati na rin ang anak ko bago ako kumatok sa kwarto ni Bennie. Hawak ko ngayon ang envelope na naglalaman ng mga ebidensya sa kaso ni ate. Kailangan ko makausap si Bennie tungkol dito dahil siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Kailangan namin mag-usap ngayong gabi dahil sa kanya ko rin iiwan si Yazumi. Bukas ay aalis ako rito sa mansyon at lilipat sa condo na iniutos ko kay Bebang na bilhin para sa akin. Ayoko madamay ang anak ko sa gagawin ko kaya mas mabuti na malayo ako sa kanya habang isinasagawa ko ang plano. Siya lang ang nag-iisang meron ako. "Oh, Bakla, bakit? Anong oras na hindi ka pa natutulog?" Inaantok na tanong ni Bennie habang nagkukusot ng mga mata niya. "Kailangan natin mag-usap kaya mamaya ka na matulog ulit." "Hindi ba pweding bukas na lang 'yan? Anong oras na, Bakla. Wala ka na sa Japan kaya matulog ka na." "Hindi pwedi kasi bukas aalis ako," sagot ko na ikinatigil niya. "Saan ka naman pupunta?" Nakakunot ang noo niyang tanong. "Malalaman mo rin kaya tara na sa library." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at naglakad na pababa ng hagdan. "Hoy, Bakla! Ano ba 'yang sasabihin mo at dito pa talaga tayo sa library ng asawa mo nagtatago," tanong ni Bennie nang makapasok kami rito sa library kung saan lagi nakatambay si Yumiko noon. "Ano ka ba hindi tayo nagtatago. Ayoko lang may makarinig sa atin." Naglakad ako patungo sa lamesa na pang-opisina na narito sa dulo ng library. Inilapag ko ang brown envelope na ibinigay sa akin ng private investigator ni Yumiko noong nasa Japan kami. "Parehas na rin iyon gaga!" "Huwag ka ngang sumigaw. Baka mamaya magising si Yazumi sa itaas." Tiningnan ko siya ng masama bago naupo sa itim na swivel chair. Naupo rin si Bennie sa mahabang sofa na nasa harap ko lamang. "Ano ba kasi iyang sasabihin mo at para yatang hindi maganda ang kutob ko." Tiningnan niya ako na parang gustong basahin ang nasa isip ko. Huminga muna ako nang malalim bago sinabing, "Naalala mo pa ba 'yong kaso ni ate? Noong natagpuan siyang patay na sa lumang warehouse?" Kumunot ang noo niya. "Oo naman. Bakit mo naman natanong? Tungkol ba riyan ang sasabihin mo, Bakla?" Tumango ako. "Si Yumiko kasi kumuha ng private investigator para asikasuhin ang kaso ni ate and he didn't tell me about it when he is still alive. Nalaman ko na lang ito ng wala na siya dahil iyon ang bilin niya sa private investigator na kinuha niya na ibigay sa akin ang resulta once na wala na siya." "Kung ganoon ay dapat matuwa ka dahil mukhang alam mo na ang totoong nangyari sa likod ng pagkamatay ng ate mo. Pero nakakaloka lang dahil nalaman mo lang ito kung kailan patay na si Mr. Hann," tugon ni Bennie. "Hindi ko nga rin alam ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon ng hindi sinasabi sa akin," sambit ko habang nakatingin sa envelope na nasa harap ko, "Pero kung ano man ang dahilan niya alam kong iyon ay ang tulungan ako maibigay ang hustisya na matagal ko ng gusto." "Sayang lang talaga dahil wala na si Mr. Hann." "He's already in a good place." Ngumiti si Bennie sa akin kasabay ng paglipat nang mata niya sa envelope na nasa harap ko. "Oh, eh, ano namang nalaman mo sa ginawa ng private investigator ng asawa mo? Alam mo na ba kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng ate mo? Halos isang taon na rin simula ng mangyari iyon, ah?" Napangiwi ako. "Wala akong pakialam kung ilang taon na ang lumipas. Ni wala ngang ginawa iyong may hawak sa kaso ni ate, eh! Wala akong narinig galing sa kanya kung ano na ang balita sa imbistigasyon niya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses. Pakiramdam ko ay parang kahapon lang ang lahat. "Paano ka naman makokontak, eh, nasa Japan ka nga hindi ba?" "Kahit na nasa Japan ako ay dapat humanap siya ng paraan para makontak ako roon." "Ay! Pa-VIP lang, Bakla?" Inirapan ko siya. "Atsaka nasayo naman 'yong cellphone ko hindi ba? Pwedi siyang tumawag sa number ko kung may progress na roon sa imbistigasyon niya." "Nga pala iyong tungkol doon sa cellphone mo, Bakla, na binigay mo sa akin noong umalis kayo ng asawa mo." Tumigil ito at nagpasipul-sipol habang tinitingnan ang mga librong nakapaligid sa amin. "Anong meron?" "Pinasok kasi kami ng magnanakaw noong wala pang isang buwan na nakalipad kayo papuntang Japan. Kinuha rin ng magnanakaw 'yong cellphone mo at sinubukan namin ipahanap 'yon pero hindi na natagpuan pa ng mga pulis ito," walang preno na sambit niya. "What?! Bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal na pa lang wala sa'yo ang cellphone ko? Alam mong doon tatawag iyong may hawak sa kaso ni ate, Bennie! Ilang beses tayo nagkausap noong nasa Japan pa kami at hindi mo man lang sinabi sa akin?" "Nawala kasi sa isip ko kaya pasensya na, Bakla. Atsaka hindi naman na importante 'yon dahil nasa harap mo na 'yong mga sagot na gusto mo. Kumalma ka nga at baka magising sila sa lakas ng boses mo." Napabuntong-hininga na lang ako at kinalma ang sarili. Tama naman siya hindi na nga importante iyon. Hayst! "Okay, let's just forget that cellphone." Sambit ko at inilabas na lang ang mga laman ng envelope. Tumayo si Bennie at lumapit dito sa pwesto ko. "Iyan na ba 'yon?" "Oo at hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." Napatigil ako habang nakatingin sa mga papel-papel na nasa harap ko. "Bakit, Bakla, ano bang nalaman mo?" "Natatandaan mo 'yong lalaki na sinabi ko sa'yo noon?" tanong ko habang nakatingala sa kanya. Ilang sandali itong naging tahimik na tila kinakalkal sa isip kung sino ang tinutukoy ko. "Ahm, hindi ko na matandaan, eh. Sino ba 'yang tinutukoy mo?" Napairap na lang ako dahil sa akalang natatandaan niya pa ito. "Si Mason ang tinutukoy ko. Iyong classmate ni ate na mukhang asong naghahabol sa kanya. Natatandaan mo na ba?" "Oo natatandaan ko na nga! Bakit anong meron sa kanya?" "Isa siya sa mga rapist ni ate," sagot ko, "Matapos siyang ni-rape ay roon sinunog ang katawan niya ng mga walang awang lalaking iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD