Kabanata XXIII

1954 Words
Makalipas ang limang taon... ~Lucy~ Limang taon na ang lumipas simula ng lumipad kami rito sa Japan matapos ang ilang buwan na naikasal kami ni Yumiko. Tatlong taon ko siyang nakasama na malakas pa pero nitong mga sumunod na araw at taon ay lalong lumala ang sakit niya. Hindi na rin niya itinuloy ang medication sa kawalan ng pag-asa na gumaling. Itinuon na lang niya ang atensyon sa aming dalawa ni Yazumi at sa bawat araw na magkasama kaming tatlo ay wala kaming sinayang na oras. Nitong sabado ay hindi na niya kinaya sng sakit na Melanoma cancer at tuluyan ng namaalam sa amin. Sa ilang taon na nakasama ko siya ay natutunan ko rin siyang mahalin. Kaya masakit para sa akin ang isipin na wala na siya. Nawalan na rin ng ama ang ang anak ko. "Take this." Napatingin ako sa panyo na nasa harap ko. "Thanks." Sambit ko ng kunin ko ang panyo at pinunas ito sa luha ko na kanina pa pala tumutulo. "Goshuushou-sama desu (You must be grieving terribly)," sambit nang matalik na kaibigan ni Yumiko na si Hansel habang nakatayo ito sa gilid ko, "He was a very good friend and brother to me. I will never forget the bond I spent with Yumiko." "He is a really good man," mangiyak-ngiyak kong tugon habang pinagmamasdan ang pinaglagyan sa kanya. "You and Yazumi gonna be okay." Tinapik niya ang balikat ko. "I have to go now. See you again, Lucy." Bago pa ako makatugon ay iniwan na niya akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Wala pang ilang minuto na iniwan ako ni Hansel ay biglang sumulpot si Cindy. Sa lahat ng maid na meron kami sa Pilipinas ay si Cindy lang ang isinama namin. Siya lang kasi ang palagi kong nakakasama at nakakausap kaya hinayaan ako ni Yumiko na isama siya. Si Bennie naman ay tinanggihan ang alok namin na sumama na rin dito dahil sa ama niya. Kahit na sinasaktan siya nito ay nais pa rin niyang alagaan ito kesa iwan. May karamdaman din kasi ang ama niya at baka lumala ito kapag umalis din siya ng Pilipinas. "Miss Lucy, may naghahanap sa inyo sa labas," biglang sulpot ni Cindy sa likuran ko. "Sino?" tanong ko habang nakakunot ang noo. "Ang sabi sa akin ay siya raw ang private investigator ni Mr. Hann," sagot nito na lalong ikinanoot nang noo ko. "Bakit naman 'yon nandito? Pumunta ba siya rito para makita si Yumiko?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko po alam, Miss Lucy. Ang mabuti pa ay puntahan niyo na lamang siya sa labas. Iyong kulay puti na sasakyan na nasa harap ang sasakyan niya." Sambit nito. "Mabuti pa nga. Pakigising na rin si Yazumi at pakainin mo na ng breakfast. Susunod ako pagkatapos kong harapin ang private investigator na sinasabi mo," maawatoridad kong utos at iniwan na siya para puntahan ang sinasabi niya. Naglakad ako palabas ng gate at nakita ko nga ang sinasabi niyang puting sasakyan. Tiningnan ko muna ang buong paligid bago humakbang palabas. Tanging ang sasakyan lang namin at ang sasakyang nasa harap ko ang naka-park dito sa sa funeral house ng mga Hann. Kahapon pa kasi umalis ang mga kaibigan at kamag-anak ni Yumiko at ngayon ay kami na lang ang narito. Kinatok ko ng ilang beses ang bintana ng driver seat at biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang maputing hapon na nakasuot ng black suit. Isinara niya ang pinto at humarap sa akin na may hawak na brown envelope. Medyo nalilito ako sa presensya niya rito. "Ohayōgozaimasu, (Good morning,)" bati nito sa akin. "Onaji, (Same,)" kaswal na tugon ko sa kanya at pinag-cross ang braso ko, "Anata wa watashi no otto no shiritsu tanteidesu yo ne? (You are the private investigator of my husband, right?)" "Yes, I am and you're already good in Japanese, huh?" "Excuse me?" "Yumiko always telling me that you are hardly studying our language that's why I was impress that you talk to me what you had learn at your tutor," sambit nito na may malaking ngiti sa mukha niya. "Okay, let's skip that part and tell me why are you here? Are you here because of Yumiko?" Pang-iiba ko na sa usapan namin. "No, and about him, I'm sorry." Ngumiti na lang ako bilang tugon sa sinabi niya. "So, if you are not here because of him? Then why are you really here?" "I came here to give you this." Itinaas niya ang hawak na brown envelope. "Sorehanandesuka? (What is that?)" tanong ko habang nakatuon ang tingin ko sa hawak niya. "Yumiko ask me to give this to you if he die that is why I'm giving it to you now." Ibinagay niya sa akin ang hawak na brown envelope. "It is all about the information you want to know since your sister died." Sambit niya na ikinatigil ko. "I'm going now. Take your time reading it." Dagdag nito at pumasok na sa loob ng sasakyan niya saka nagmaneho paalis sa harap ko. Naiwan ako na parang estatwa sa rito kinatatayuan ko habang hawak ang brown envelope sa kamay ko. Simula ng lumipad kami rito sa Japan ay nakalimutan ko ang kaso na gusto kong bigyan ng hustisya. Nabaling kasi ang atensyon ko sa mga nakapaligid sa akin dito kaya nawala ito sa isip ko. Tapos ngayon, hawak ko ang impormasyon na matagal ko ng gustong malaman. Si Yumiko ang nag-utos sa private investigator niya tungkol dito. Pero bakit at hindi man lang niya sinabi sa akin? Hindi man lang siya nag-abala na sabihan ako. "Mommy?" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Yazumi sa likuran ko. "Baby, what are you doing here?" Tanong ko at mabilis na naglakad palapit sa kanya. "You are suppose eating by now with your breakfast." Isinara ko na ang gate at pumasok na kaming dalawa. "But I don't want to eat without you, Mommy. That's why I came for you here," sagot nito na binigyan pa ako ng napaka-cute na nguso. "Okay, we're going to eat together," sambit ko na lang at naglakad na kami patungo sa loob, hawak ang maliit niyang kamay. "Soto no otoko wa dareda, Mommy? Kare wa anata ni nani o ataemashita ka? (Who's the guy outside, Mommy? What did he gave to you?)" sunod-sunod na tanong nito. "Oh, it's your father's private investigator, Baby," sagot ko, "Mommy don't know yet what is in the inside of this envelope. We're going to find out later, okay?" "Okay, Mommy!" Nandito ako ngayon sa kabilang kwarto dahil gusto ko mapag-isa. Napatulog na rin ni Cindy si Yazumi sa kwarto nito kaya wala na akong problema kundi itong brown envelope na nasa harap ko. Hinintay ko muna talaga na magdilim bago asikasuhin itong binigay ng private investigator ni Yumiko. Ilang minuto ko munang pinakatitigan ito sa lamesa bago ko naisipan na tingnan ang laman nito. Nang kunin ko ang laman ng envelope ay biglang nalaglag ang mga litrato sa lapag. Napakunot-noo ako ng makita ang isang pamilyar na lalaki sa isang litrato kaya agad ko itong kinuha para makita ng malapitan. "Mason?" sambit ko sa pangalan nito ng mapagtanto kong siya mga, "Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman talaga ang lalaking iyon!" mahina kong Unang beses ko pa lang siya nakita ay iba na ang kutob ko sa kanya. Tama nga ang mga ibinibintang ko sa kanya pero noong mga oras na iyon ay wala pa akong ebidensya na hawak kaya hindi ko ito mapatunayan. But now I already have it in my hands, oras na para magbayad ang mga nasa likod ng pagkamatay ni ate. Tiningnan ko pa ang ibang litrato na kasama ng hawak ko at halos mapunit ko na ang mga ito ng makita ko ang dalawang kaibigan nito. Kinuha ko ang isang litrato kung saan magkakasama silang tatlo at mukhang kuha pa ito noong nag-aaral pa sila. Pati pala ang dalawang kumag na 'yon ay sangkot sa kaso ng ate ko. Pagkatapos ko silang patayin sa tingin ko ay inisa-isa ko ng basahin kung ano ang mga nakasulat sa bondpaper. Inabot ako ng ilang oras sa pagbabasa bago nag-sink in ang lahat sa akin. Inulit-ulit ko pa na basahin ito maintindihan lang ng maayos pero halos manlambot ako sa mga nalaman ko. Hindi ito sinabi sa amin ng nag-asikaso sa kaso ni ate sa Pilipinas dahil ang sabi sa amin ay suicide attempt daw ang nangyari which is hindi kapa-kapaniwala. Ang sabi rin ng dean kay mama ay masyado raw stress si ate sa school at hindi niya ito sinasabi sa amin dahil ayaw raw niya kami mag-alala. Kaya noong may Friday Night ay nagpunta ito para magsaya pero nagtungo ito sa lumang warehouse para mag-suicide. Sobrang napakababaw at hindi kapa-kapaniwala dahil bilang kapatid ay kilala ko ang ate ko. Ibinalik ko na sa loob ng envelope ang mga laman nito at kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang number ni Bennie at ng makita ko ito ay agad ko siyang tinawagan. Habang nagri-ring pa ang linya niya ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo kung nasaan si Yumiko. "Hello Bakla," panimula ko ng sagutin na niya sa wakas ang tawag ko. "Oh, Bakla mabuti naman at tumawag ka. Kamusta na riyan?" "Okay lang naman. Kami na lang tatlo ang narito ngayon sa funeral house ng mga Hann," sagot ko habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig. Pakiramdam ko tuloy ay nasa paligid ko lang si Yumiko. "Ganoon ba? Eh, 'yong inaanak ko ba kamusta naman?" "Okay lang din naman. Natutulog na siya sa kabilang kwarto kasama ni Cindy." "Mabuti naman kung ganoon. Bakit ka nga pala napatawag? May problema ba riyan?" tanong na naman niya. "Uuwi kami riyan sa susunod na linggo. Ipaalam mo na lang kay Bebang nang maasikaso niya ang mansyon," diretso na sagot ko. "Bakit para yatang biglaan Bakla? Akala ko ba sa susunod na taon pa kayo uuwi rito?" "The plan changed. Ikukwento ko na lang sa'yo kapag nandiyan na kami." "Okay, sige ikaw ang bahala! Huwag mo kalimutan 'yong mga pasalubong mo, huh? Dapat may dala kang fafa o hindi kaya 'yong kaibigan ni Yumiko na lang ang dalhin mo. Hahaha!" Kung magkasama lang kami nito ngayon paniguradong bugbog na naman ang abot ko sa kanya. "Ewan ko sa'yo Bakla." Napailing na lang ako sa kaharutan niya. "Ibababa ko na ito. Matutulog na ako anong oras na rin kasi rito. Tatawag na lang ako ulit kung nakahanda na kaming lumipad diyan." "Okay, sige. Mag-iingat kayo riyan. Bye!" Si Bennie na ang nagbaba ng linya namin dalawa. Napabuntong-hininga ako ng patayin ko na ang cellphone ko. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa pinaglagyan kay Yumiko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginawa iyon ng hindi man lang sinabi sa akin. Naalala ko pa noong nasa Pilipinas pa kami. Sa tuwing ino-open ko ang topic tungkol sa hustisya na gusto ko ay wala siya laging sinasabi. Kaya obvious naman na hindi niya gusto ang nais kong mangyari. Tapos ngayon na wala na siya ay malalaman kong inutusan niya ang private investigator niya para asikasuhin ang kaso ng kapatid ko. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Pagkatapos ng cremation na ginawa kay Yumiko ay agad kong inasikaso ang paglipad naming tatlo sa Pilipinas. Ang private plane na pagmamay-ari ng mga Hann ang ginamit namin para hindi na maging hustle sa amin ang makipagsabayan sa iba. Nasa ere pa lang kami ay nag-iisip na ako ng planong gagawin ko once na makalapag ang eroplano namin sa airport na pagmamay-ari ng kaibigan ni Yumiko. Kailangan maging pulido ang lahat dahil gusto ko silang paglaruan sa mga kamay ko. Gusto ko pahirapan silang lahat ng hindi nila namamalayan. Uubusin ko silang lahat kaya hintayin lang nila na makaharap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD