~Lucy~
Nagising ako na mag-isa rito sa kama. Wala ang lalaking iyon sa tabi ko at mukhang alam ko na kung nasaan ito. Nakabukas kasi ang pinto sa may veranda rito sa kwarto namin at mula rito ay natatanaw ko ang anino niya. Nanatili muna ako sa pwesto ko ng ilang minuto bago bumangon. Pakiramdam ko ay pagod pa rin ang utak ko sa magdamag na pagpaplano namin sa kasal kahapon. Mga anong oras na rin kami nakauwi kagabi dahil tinapos talaga namin ang lahat para maumpisahan na agad ang mga dapat ihanda. Ilang araw na lang din ay kasal na naming dalawa ni Mr. Hann. Medyo nakaka-excite na nakakaba!
"Yumiko," tawag ko sa kanya ng sundan ko siya rito sa veranda.
"Good morning," bati niya sa akin ng hindi man lang ako nilingon.
"Good morning din," bati ko rin at pumwesto sa tabi niya.
"How was your sleep?" Ang aga-aga English na naman!
"Okay lang naman. Ikaw? How was your sleep?" Panggagaya ko sa kanya na puno ng diin.
"Same as you."
"Edi mabuti," tugon ko na lang dahil wala ako masabi na iba, "Nga pala, Yumiko, ngayon ko lang naalala kasi. I mean kagabi ko pa talaga ito naalala noong pauwi na tayo."
"What is it?" Nakakunot ang noo niyang tanong ng harapin niya ako.
"Ano kasi." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nahihiya ako sa sasabihin ko. Baka kasi kung ano ang isipin niya.
Tumaas ang isa niyang kilay. "What is it you want to tell me, hmmm?"
Humugot muna ako ng lakas ng loob bago sinabing, "Simula kasi ng mawala sila mama at ate, sa akin naiwan 'yong mga utang namin. Kapag hindi ko raw nabayaran ang lahat ng iyon bago matapos ang buwan ay ipapakulong ako ng pinagkaka-utangan namin." Sa wakas ay nasambit ko rin.
"Who told you that?" Nagsasalubong na ang dalawang kilay niya sa pagkakanot ng noo niya.
"Iyong matabang babae nga na pinagkaka-utangan namin. Nakalimutan ko na pangalan ng babaeng 'yon, eh."
"Is that so? Alam ba niya ang Section 20, Article III, Bill or Rights ng 1987 Philippine Constitution that, no person shall be imprisoned for non-payment of debt?" tanong nito na ikinabobo ko dahil sa article na sinabi niya.
"In short? Ano ang ibig sabihin niyan?"
"Walang sinuman ang pwedeng ikulong dahil lamang sa hindi niya pagbabayad ng utang pero kung ang utang ay may kasamang criminal act ay doon lamang pweding makulong ang isang tao. Did you get it or do I have to explain it more to you?"
"Hindi na gets ko na! Hindi ko lang alam kung alam niya 'yan pero 'yon ang sabi niya sa akin." Nakasimangot kong tugon. "Desidido talaga 'yong babaeng iyon na ipakulong ako. Kaya kung pwedi hihiram muna sana ako ng three hundred thousand sa'yo ng may maisampal ako sa pagmumukha niya."
Natawa naman ito bigla sa sinabi ko. "Seriously? You are going to borrow a money from me?" Natatawa na tanong nito.
"Oo? Hindi ko naman kasi pera 'yan, eh! Atsaka baka isipin mong gold digger ako."
"Come here." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Pinagsaklob niya ang mga kamay namin at ang lakas ng kaba sa dibdib ko sa ginagawa niya. Ano ba! "You don't have to borrow a money from me because whatever I have is also yours. Did you get it?" Sambit niya ng hindi inaalis ang tingin sa mga ulap.
"Okay?" tugon ko habang ako naman ay pinagmamasdan ang magandang hubog ng mukha niya.
"Don't stare at me like that." Gumuhit ang isang napakagandang ngiti sa mukha niya at nakita ko ang paglabas ng dimple niya. "You might gonna miss me when I'm gone."
Sa sinabi niya ay bigla akong napangiti nang mapakla. Malakas pa naman siya pero pakiramdam ko anytime bibigay na siya? Bakit ba Kasi lagi na lang may namamatay?! Napabuntong-hininga na lang ako at hindi ko namalayan ang sarili ko na isinandal ko ang ulo ko sa kanya. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang pinagmamasdan ang mga ulap sa kalangitan.
Pagkatapos namin mag-agahan ni Mr. Hann ay umalis na kami ng mansyon para magtungo sa bahay ng matabang babae na 'yon. Binigyan niya ako ng tseke kanina at pirma ko mismo ang nakalagay sa papel. Hindi na ako makapaghintay na makita ang babaeng 'yon. Habang naliligo ako kanina ay nagpa-practice na rin ako ng mga sasabihin ko kapag ibinigay ko na itong tseke sa kanya. Gusto ko muna maging kontrabida ngayon.
"You know what? Hindi mo naman kailangan gawin 'yang binabalak mo," sambit ni Mr. Hann habang nagmamaneho nang sasakyan niya.
"Bakit naman hindi? Deserve niya naman 'yon kasi sa pambabanta niya sa akin na ipapakulong daw ako."
"You know you're not that kind of person, Lucy. You should stop that thoughts of revenging just because she threatened you." Kontra na naman nito.
"Hmp!" naiusal ko na lang at hindi na nagsalita pang muli hanggang makarating kami sa bahay ng babaeng 'yon.
"Is this her house?" tanong nito.
"Oo."
"It's pretty simple," komento nito, "Do you want me to come with you?"
"Hindi na. Ako na lang ang pupunta hindi rin naman ako magtatagal," sagot ko at lumabas na sasakyan niya.
Tiningnan ko muna ang kabuan ng bahay na nasa harap ko ngayon. Kung titingnan ay parang nasa gitna ng mahirap at mayaman ang buhay na mayroon ang mga taong nasa loob nito. Pero kung makasingil ang babaeng iyon ay parang wala ng bukas. Hmp! Naglakad na ako papunta sa bahay at dahil wala naman silang gate ay nakarating ako rito sa tapat ng pintuan. Pinindot ko ng ilang beses ang doorbell na nakita ko at naghintay na pagbuksan ng kung sino.
"Sino ba 'yan?!" Galit na sigaw nang babae sa loob ng ilang beses kong pinindot ang doorbell ng bahay niya. Mukang nainis sa ilang beses kong pagpindot sa doorbell ng bahay niya. "Napakaatat hindi marunong maghin–Oh, Lucy!" Hindi niya natuloy ang sasabihin ng makita ako pagkabukas niya ng pinto.
"Naaalala niyo pa pala ako." Ngumiti ako sa kanya.
"Aba, oo naman! Halika at pumasok ka muna sa loob. Naaamoy kong may swerte kang dala ngayon." Nae-excite na sambit nito at agad ko naman siyang inilingan.
"Hindi na po. Hindi rin naman ako magtatagal," tugon ko, "Nandito lang ako para magbayad ng utang namin." dagdag ko at inilabas ang tseke na ako mismo ang nagpirma.
"Sinasabi ko na nga at may swerte kang dala!"
"Siguro naman hindi mo na ako ipapakulong ngayon?" Sarkastiko kong sambit sa kanya.
"Ano ka ba naman, Lucy!" Hinampas niya ng mahina ang braso ko na parang magkumare lang kaming dalawa. "Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko." Tumawa ito habang nakatakip pa ang isang kamay sa bibig niya.
"Anyways, ito na pala ang tseke. Pwedi mo ma-withdraw 'yan sa kahit anong bangko," sambit ko at iniabot na sa kanya ang hawak kong papel pero bago niya pa ito makuha ay binitawan ko na dahilan para malaglag ito sa paanan namin, "I'm sorry nalaglag."
Tumawa ito. "Ano ka ba ayos lang! Ako na ang kukuha." Pinulot niya ito at muli akong hinarap na may ngiti sa mukha. "Maraming salamat, huh? Kailangan ko talaga ng pera ngayon kasi gagamitin ko pang-opera sa anak ko." Sambit niya na ikinatigil ko. "Pasensya na pala sa sinabi ko, Lucy, huh? Doon sa sinabi ko na ipapakulong kita. Nasabi ko lang iyon kasi hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pera. Hindi lang naman ikaw nasabihan ko ng ganoon, eh. Hehehe." Dagdag pa nito.
Napakurap na lang ako sa mga narinig ko sa kanya. Para tuloy nakokosensya ako sa ginawa ko. "Ahm, mauna na po ako. Sana gumaling na ang anak niyo." Sambit ko at pinilit kong ngumiti nang totoo sa kanya.
"Maraming salamat ulit, Lucy."
Tumango na lang ako at naglakad pabalik sa sasakyan ni Mr. Hann. Pagkapasok ko sa loob ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nakokosensya ako sa ginawa ko at nakaramdam ako ng awa sa anak niya. Kung totoo man ang sinasabi niya na ooperahan ang anak niya ay sana gumaling na ito.
"Is there a problem?" tanong ni Mr. Hann na binuksan na ang makina ng sasakyan.
"Wala naman." Pagsisinungaling ko.
"Hmmm, okay. Let's go now."
Ilang araw ang lumipas at dumating na ang araw ng kasal namin ni Mr. Hann. Naging abala kami nitong mga nagdaang araw dahil sinusubaybayan namin ang pag-oorganize nila sa simbahan hanggang sa reception hotel. Matagumpay ko naman naibigay nang maayos ang mga invitation cards sa mga kamag-anak ko at hindi na pinairal pa ang hinanakit sa kanila. Pero hindi ibig sabihin ay okay na ang relasyon namin. Mabigat pa rin ang loob ko sa kanilang lahat.
Narito ako ngayon sa kabilang kwarto kasama si Bennie at ang mga nag-aayos sa akin. Inaayusan na nila ako ngayon dahil isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal. Nakahanda na ang gown na gagamitin ko at hindi ko inaasahan na gagawing bongga ni Tiffany ang gagawin niya para sa akin. Kulay puti ang gown at kumikinang ito dahil sa mga glitters nakadikit sa tela na ginamit. May ilang mga diamonds din ang nakalagay na siyang lalong nagpapakinang sa gown. Tube ang style ng gown at ang laylayan nito sa likuran ay sobrang haba kaya pakiramdam ko ay mahihirapan ako sa paglalakad mamaya.
"Bakla, ito na ikakasal ka na!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Bennie sa tabi ko. Siya ang makakasama ko na maglakad mamaya sa altar dahil wala naman si papa. Ayaw pa nga ni father sa gusto ko pero dahil kinausap siya ni Mr. Hann ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lang.
"Mas excited ka pa sa akin, ah?" Kinakabahan kong tugon habang nakadungaw sa bintana.
"Aba syempre! Kasal ng kaibigan ko ito kaya sobrang saya ko para sa'yo."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Bennie. Nakapakaswerte ko dahil may kaibigan ako kagaya niya. Kung hindi dahil sa kanya siguro tinuloy ko na ang palalaslas ko noon. Natatawa na lang ako kapag naiisip ko iyon. Alam ko namang hindi iyon ang sulosyon sa problema ko pero ginawa ko pa rin.
Nandito na kami ngayon sa simbahan pero nasa loob pa rin kami ng sasakyan. Hinihintay pa kasi namin na makapasok ang mga nakasabay namin na pumunta rito. Naka-line up na rin sa labas ang mga makakasama ko sa paglalakad sa altar at ang ilan sa kanila ay mga pinsan ko. Maya-maya pa ay kumagok na sa bintana sa side ko si Benzon.
"Lucy, tara na. It's your time to shine," sambit ni Benzon, na may hawak na clipboard at may suot pa itong eyeglass.
Tinulungan ako nila Benzon at Bennie na makalabas ng sasakyan dahil sa kahabaan ng gown ko. Binuhat nila ang laylayan ng suot ko hanggang sa makatapak ako sa red carpet na nilagay nila rito sa labas. Nasa pinakadulo ako ng pila dahil ako ang huling papasok sa loob ng simbahan kasama ni Bennie. Noong isang araw ko lang din napansin na parang hindi nagkakalayo ang pangalan nitong kaibigan ko sa pangalan ni Benzon. Inaasar ko nga siya kanina sa may sasakyan na baka nawawalang kapatid niya ang wedding organizer namin ni Mr. Hann. Ang sagot lang sa akin ni Bennie ay mas maganda pa raw siya rito kaya malayong maging magkapatid sila.
Nag-umpisa na ang tugtog sa loob ng simbahan kasabay ng dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Naka-angkla na rin ang braso ko kay Bennie at pinapanood ang mga nasa harap namin na pumapasok sa loob. Sumasabay na rin kaming dalawa at ng makapasok na ang lahat ay tumigil kami sa tapat ng pintuan. May mga flash ng camera ang bumungad sa amin dahil kumuha rin kami ng mga professional photographer and videographer. Minsan lang sa buhay natin ang makasal kaya kailangan naka-document man lang ito o kahit may picture man lang tayo.
Mula rito ay natatanaw ko ang maaliwalas na mukha ni Mr. Hann kahit na siya nasa harap ito at nandito ako sa dulo. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba habang naglalakad papalapit sa kanya. Ang lahat ng nasa paligid namin ay sa akin nakatingin na parang ako ang pinakamagandang babae sa loob ng simbahan ngayon. Pwedi namang mangarap, kasal ko naman ito, eh!
Nang sa wakas ay tumigil na kami sa harap ay inihatid ako ni Bennie papunta sa groom ko na nakatayo kasama ng ilang kaibigan niya. "Ingatan mo ang best friend ko, Mr. Hann, ah?" Sambit ni Bennie bago ako ibinigay sa kanya.
Natawa ito ng bahagya. "Of course, I will take care of her. You don't have to worry. Lucy is under of my care." Bakit parang natuwa yata ang puso ko sa sinabi niya?
"Mabuti naman!" Iniwan na kami ni Bennie at sumama na sa iba.
"You look beautiful by the way," bulong ni Mr. Hann habang naglalakad kami patungo kay father.
"Thank you," tugon ko, "Ang gwapo mo sa suot mo." nahihiya kong puri sa kanya at natawa naman ito.
"Thanks," tugon nito at tumigil na kaming pareho sa harap ni father.
Nanatili munang tahimik ang buong paligid ng mamatay ang tugtog bago nagsalita si father at sinabing, "Welcome, loved ones. We are gathered here today to join Yumiko and Lucy in holy matrimony." Pag-uumpisa ni father ng pumwesto na kami ni Mr. Hann dito sa harap niya. May mga kung ano pa itong sinabi na mahahalagang bagay bago ito pumunta sa vow exchange namin ni Mr. Hann.
Humarap si Mr. Hann sa akin at ganoon din ang ginawa ko. "Lucy Felicidad, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us." Sambit nito habang ang mga mata ay nakatitig sa akin. Para akong tinatawag nang mga mata niya.
"Yumiko Hann, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us," sambit ko at ginantihan din ang mga titig niya sa akin.
Pagkatapos ng vow exchange namin ay muling nagsalita si father para sa speech niya bago dumiretso sa ring exchange and declaration of intent.
Kinuha ni Mr. Hann ang kamay ko at nag-umpisang isuot ang silver ring na may maliit na diamond sa gitna. "With this ring I, Yumiko Hann, take you, Lucy Felicidad, to be no other than yourself. Loving what I know of you, and trusting what I do not yet know, I will respect your integrity and have faith in your abiding love for me, through all our years, and in all that life may bring us."
Kinuha ko rin ang kamay niya at ginaya ang ginawa niya sa akin. "With this ring I, Lucy Felicidad, take you, Yumiko Hann, to be no other than yourself. Loving what I know of you, and trusting what I do not yet know, I will respect your integrity and have faith in your abiding love for me, through all our years, and in all that life may bring us." Sambit ko at isinuot na ng tuluyan sa kanya ang singsing na katulad sa akin ay silver din pero plain lamang ito.
"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife!" Pagtatapos na ni father. "You may now kiss the bride." Baling nito Kay Mr. Ha–dapat ko pa ba siyang tawagin sa ganoon? Parang mas gusto ko na ang Yumiko na lang.