Kabanata XXI

2013 Words
~Lucy~ Umalis nga kaming dalawa ni Mr. Hann nang hindi nagpapaalam sa lawyer niya. Hindi rin naman namin nakita ang maid na nagpapasok sa amin kaya wala rin kami nasabihan. Kaming dalawa na lang ang nagkusang lumabas ng gate at isinara naman namin ito bago umalis. "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya. "Hmmm, are you hungry?" tanong niya rin sa akin. Nagtatanong ako tapos tinanong din ako. "Medyo pero kaya pa naman." Sinulyapan niya ako. "What kind of answer is that? Kung nagugutom ka ay kakain tayo. Hindi 'yong sasabihin mong kaya pa naman." Sermon niya at ibinalik na ang tingin sa daan. "I don't want you to get sick. If you are hungry, eat! Do you understand?" "Oo na! Ang OA mo naman. Hindi ko naman ikamamatay agad 'yan," sambit ko at nakita ko ang pagbabago agad ng ekspresyon niya. Oops! "I know but I just don't want you to get sick that's why I overacted." Sobrang seryoso ng tono niya at para tuloy nakokosensya ako sa nasabi ko. "I'm sorry," paumanhin ko, "Hindi ko dapat sinabi iyon." ibinaling ko ang tingin ko sa labas. "What are you sorry for, hmmm?" tanong niya na tila hindi alam ang ibig kong sabihin. "Kunwari ka pa. Alam kong alam mong sasabihin sa akin ni Sir Benjie na may sakit ka. Kaya siguro lumabas ka ng opisina kanina bago mag-umpisa ang lawyer mo." "So, what is the connection of your sorry on what Benjie told you?" tanong nito at itinigil ang sasakyan dito sa tabi bago ako binalingan, "Hmmm?" "Sinabi ko kasi na hindi ko naman ikamamatay tapos ikaw mamatay ka sa sakit mo." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil naiilang ako sa tingin na ibinibigay niya. "Oh, do I look like I'm dying right now to you, Love?" tanong niya at nakukuha niya pa talagang tumawa. Para namang wala talagang sakit. Pinagloloko lang yata ako ng mga ito. "Hindi! Buhay na buhay ka nga, eh!" Pinag-cross ko ang braso ko. "Then I'm not a dying person. I still have more years." Natatawang tugon nito. "We can still build a family before my time comes." Dagdag pa nito na ikinatigil ko. "Alam mo, sa totoo lang, hindi pa ako handa sa bagay na ganito lalo na ang pagkakaroon ng pamilya," sambit ko habang nilalaro ang daliri ko sa lap, "Pero kung may sakit ka talaga at gusto mo magkaroon ng anak bago dumating ang oras mo, sige bibigyan kita," dagdag ko at siguradong iniisip niya na nababaliw na ako sa pinagsasabi ko, "Pero sa isang kondisyon." tiningnan ko siya. Tumaas ang kilay niya. "Why are you giving me a condition?" "Para naman hindi ako lugi, hindi ba? Ako ang magluluwal ng magiging anak natin kaya dapat may beneficial ako rito na makukuha." "Really, Lucy? Hindi pa ba sapat na beneficial na sa'yo mapupunta lahat ng mayroon ako once na mawala na ako?" tanong nito. "Hindi naman iyan ang gusto ko." Mahina kong tugon. "Ang gusto ko mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate ko. Gusto ko managot kung sino man ang nasa likod ng kaso ni ate." "You don't want a justice, Lucy. You want a vengeance to your sister's death." "Ganoon na rin iyon, Yumiko. Matutulungan mo naman ako, hindi ba?" tanong ko at binigyan siya ng tingin nagmamakaawa pero umiwas siya ng tingin sa akin. "I'll think about it but for now, let's have a lunch first here in The Rich Stew." Lumabas na siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako. Nang bumukas ang pinto sa gilid ko ay hindi ako lumabas at nanatiling nakatuon ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay hindi niya ako tutulungan. Mukhang hindi niya gusto kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng hustisya si ate at kung siya ang nasa kalagayan ko ay siguradong maghihiganti rin siya. Lalo na kung nanahimik lang ang buhay mo at bigla na lang sisirain ng masasamang tao. Napaka-unfair! "Lucy? Do you have a plan to come out?" tanong niya na tila naiinip sa akin dahil hindi pa rin ako lumalabas. "I'm sorry," sambit ko na lang at lumabas na ng sasakyan. "Put yourself together, Lucy, because after here we are going to settle our wedding. Do you understand?" Puno ng awtoridad ang pagkakasabi niya na tila wala akong ibang pweding gawin kundi ang sumunod. Napangiwi na lang ako. "Okay." Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng restaurant at binati pa kami ng security guard bago kami pinapasok. Mukha ngang suki na si Mr. Hann sa restaurant na ito dahil kilala siya ng guard pati na rin ng crew na sumalubong sa amin. Iginaya kami nito sa bakanteng upuan at binigyan kami pareho ng menu. Sa dami ng pagkain na nakalagay sa menu ay wala akong mapili kaya kung ano ang order ni Mr. Hann ay 'yon na lang din ang akin. Tahimik lamang kaming dalawa na naghihintay nang order namin. Walang kumikibo na parang isa sa amin ang naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Asa naman siyang ako ang magfi-first move sa aming dalawa! Nawala sandali ang atensyon ko sa kanya ng mapadako ang mga mata ko sa lalaking pumasok. Bigla kong naikuyom ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Alam kong napansin ito ni Mr. Hann. Sa dami rami ng taong pwedi kong makita ay si Mason pa talaga. May kasama itong babae na mukha ng clown sa kapal ng make-up. Nagtatawanan pa ang mga ito na parang may nakakatawa sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Sinundan ko ng tingin ang mga ito hanggang sa maupo sila sa bakanteng lamesa na malapit sa glass wall. Bigla tuloy nagdilim ang paningin ko sa nakita ko ngayon. "Hey, Lucy!" Napabalik na lang ako sa wisyo ng magsalita si Mr. Hann. "Bakit?" "You're not in yourself," sagot nito na matalim ang tingin sa akin, "Dumating na lang ang order natin ay nakatulala ka pa rin diyan. Sino ba iniisip mo?" tanong nito na nangungunot ang noo sa akin. Tiningnan ko ang lamesa at dumating na nga ang pagkain na inorder namin. "S-sorry." Sambit ko at sandali na sumulyap sa pwesto nila Mason. "What's the matter?" Umiling ako. "Nagugutom na kasi ako." Pagsisinungaling ko at bumaling na sa mga pagkain na nasa harap namin. "Hmmm." "Bakit?" Umiling ito at umayos na ng upo. "Nothing. Let's just eat." Kumain kami ng tahimik ni Mr. Hann at habang kumakain kami ay panay ang sulyap ko sa gawi ni Mason. Hindi malayong hindi niya kami makita lalo na sa gitna kami nakapwesto. Katulad namin ay kumakain na rin sila ng kasama niya habang nag-uusap. Habang pinapanood ko sila ay gusto kong sumugod at paaminin ang lalaking iyon. Pero tama siya, wala akong ebidensya kaya hindi pweding kutob lang ang meron ako. Ako ang mapapahiya. Aalamin ko ang baho mo Mason kahit abutin ako ng ilang taon na alamin iyon! Pagtatapos naming kumain sa restaurant ay nagtungo muna kami sa kaibigan niya na isang designer. Tiffany ang pangalan ng designer na kaibigan ni Mr. Hann at sa Paris ito nag-aral ng fashion designing. Kinuhaan niya muna ako ng sukat pati na rin Mr. Hann bago kami umalis sa shop niya. Si Tiffany na raw ang bahala sa susuotin namin sa kasal at isu-surprise na lang daw niya kami kapag natapos niya na itong gawin. Wala siyang ipinakita na sketch sample sa amin kaya pareho kaming walang ideya sa gagawin niya. Ang last na pupuntahan namin ngayon ay ang wedding organizer na kaibigan niya rin na nasa Trinoma. Medyo malayo-layo rin ang binyahe namin bago kami nakarating. Buong maghapon kami na inasikaso ni Benzon, ang wedding organizer, sa plano namin sa kasal. Mayroon lamang kaming isang linggo na preperasyon bago ang kasal kaya kailangan planado ito at hindi minadale. Sa Cathedral sa Antipolo gaganapin ang kasal namin dahil pareho kaming nakatira roon. Inutusan na rin ni Mr. Hann si Bebang na kausapin ang pari na magkakasal sa amin kaya hindi na namin ito poproblemahin pa. Marami naman daw ang tutulong sa amin kaya maisasagawa ng tama ang plano namin sa kasal. "Ikaw, Madam, sino-sino ang mga bisitang iimbitahan mo sa kasal niyo ni Hann?" Baling sa akin ni Benzon. Ang harap ng listahan na hawak niya ay napuno ng mga iimbitahan ni Mr. Hann sa kasal namin. "Si Bennie lang ang naiisip ko na iimbitahan," sagot ko. "Isa lang iimbitahan mo, Madam? Sure na ba 'yan? Malaki ang simbahan tapos isa lang ang dadalo sa side mo. Damihan mo rin katulad ng kay Hann. Huwag kang mahiya! Kasal niyo naman iyon," komento ni Benzon. "Eh, sa siya lang ang naiisip ko na imbitahan." "Baka gusto mo imbitahan ang mga dating kapit-bahay mo, Madam? Buong barangay para masaya!" "No!" tutol ni Mr. Hann na nagbabasa nang magazine sa tabi ko. "Ay, galit 'yan? Suggestion lang naman iyon, Hann. Ano ka ba!" "Why don't you invite your relatives?" suhestiyon nito na ikinatigil ko. "Hindi ko sila iimbitahan. Ni hindi nga nila kami itinuring na kamag-anak noong humihingi kami ng tulong panggamot ni papa." Mabigat sa loob kong tugon. Ibinaba ni Mr. Hann ang binabasang magazine at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin ito sa akin. "Well, if it's the case then still invite them. Ipakita mo sa kanila sa araw ng kasal natin kung ano 'yong tinalikuran nila. I'm sure sila naman ang tatakbo sa'yo." Sambit nito at muling bumalik sa ginagawa. "Ano, Madam? Iimbitahan mo na ba ang mga kamag-anak mo?" Matagal bago ako nakasagot at tumango ako bilang pagsang-ayon. "Iyong mga malalapit lang ang iimbitahan ko. Nasa malayo kasi Ang iba." Sagot ko. "Hindi ba ikaw rin ang gagawa ng invitation card?" "Yes, Madam! Ako rin ang bahala sa invitation card niyo sa kasal. Bakit, Madam? Gusto niyo ba gawin kong bongga ang mga invitation cards?" Umiling ako. "Okay na 'yong kahit simple lang. Ang akin lang kami ba ni Yumiko ang magbibigay niyan personally sa mga iimbitahan namin?" "Ahh, iyon ba, Madam. Pwedi naman idaan na lang sa post office itong mga invitation cards para ma-deciminate sa mga naimbitahan. Masyado rin kasing madami ang dadalo sa kasal niyo. Mala Marian and Dingdong Dantes's wedding lang ang peg!" "Baka pweding 'yong mga iimbitahan ko is ako na mismo ang mag-aabot sa kanila ng invitation cards? Hindi naman bababa sa bente ang mga iyon." "Bakit ikaw pa ang gagawa? Papagurin mo lang ang sarili mo." Kontra ni Mr. Hann kaagad ng marinig ang sinabi ko. Hindi naman siya ang magbibigay, kokontra pa. "Eh, sa gusto ko lang sila makita pati ang magiging reaksyon nila kapag ibinigay ko na ang mga invitation cards sa kanila." Napairap na lang ako sa inis dahil naalala ko ang mga sinabi nang mga kamag-anak namin noong panahong humihingi kami ng tulong sa kanila. "Hayaan mo na, Hann, suportahan mo na lang." Natatawa na sambit ni Benzon. "Para na rin mabawasan ang mga ipapadala ko sa post office." Dagdag pa nito at tumawa nang malakas. "Tsk. Whatever." Kontrabida! Pagkatapos namin pag-usapan ang tungkol sa invitation cards ay nagplano kami kung ano ang magiging theme ng kasal namin. Hindi na kami lumihis pa sa traditional na kasal at 'yon ang naging theme namin. Isasama ni Benzon sa invitation card na kailangan ang lahat ay nakasuot ng puti at itim na suit. Nag-request na rin ako kay Mr. Hann na baka pweding isama sa pagpapatahi ng susuotin namin ang gagamitin ng mga kamag-anak ko para naman umangkop ang susuotin nila sa kasal namin. Mga bigatin kasi ang mga inimbita niya at siguradong magaganda ang mga suot nila kaya dapat ganoon din sa kamag-anak ko. Kahit naiinis ako sa kanila ay ayoko rin naman sila mapahiya. Inabot kami ng dilim sa pagpaplano sa kasal namin and speaking of namin, kaming dalawa lang ni Benzon. Ang isa kasi ay prenteng nakaupo lang sa tabi ko. Kung hindi nagbabasa nang mga magazine na nasa harap namin ay pinapanood lang kami. Ang ginagawa lang niya ay makinig, kumontra, at kapag may itatanong kami na ganito roon lang siya magsasalita. Sarap buhay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD