~Lucy~
Nandito lamang sa first floor itong opisina ni Sir Benjie at nasa ilalim mismo ito ng hagdan. Nang makapasok kami sa loob ay bumungad sa amin ang napakasimple na opisina. Maliit lamang ang espasyo rito sa loob pero hindi naman masikip sa pakiramdam. May isang buong bookshelf ang narito na halos sinakop ang isang pader na agad nakaagaw ng atensyon ko. Puno kasi ng makakapal na libro ang bookshelf at iba-iba pa ang kulay ng pabalat kaya makulay sa paningin ko.
"Please take a seat first," sambit ni Sir Benjie at nagtungo sa lamesa niya.
Naupo kaming pareho ni Mr. Hann dito sa mahabang sofa na nasa loob ng opisina niya. Wala pang ilang minuto na nakaupo kaming dalawa ay biglang pumasok ang maid na nag-gaya sa amin dito sa loob. May dala itong tray at inilapag ang dalang dalawang baso ng orange juice at isang box ng doughnuts sa maliit na lamesa na nasa harap namin. Iniwan na rin kami kaagad ng maid matapos niyang maihatid ang pagkain sa amin.
"So, how was Miggy? Is he okay now?" tanong ni Mr. Hann na nakadekwatro ng upo rito sa tabi ko.
"Miggy is already getting well but I still need to monitor him here. Ayaw niya talaga mag-take ng medicine kapag hindi ako ang nagbibigay sa kanya," sagot ni Sir Benjie na may hinahanap sa ibabaw ng lamesa niya.
"Bakit naman po kailangan kayo pa ang magbigay?" Wala sa sarili kong tanong dahil sa curiosity. "Kung hindi niyo po mamasamain ang tanong ko." Dagdag ko dahil baka isipin niya ang bastos ko dahil sumasabat ako.
Tumigil ito sa ginagawa niya at napatingin sa picture frame na nasa ibabaw ng lamesa niya. "When my wife died because of cancer, Miggy shut himself to others except to me. I already accepted the fact that she is already gone but my young son is still looking for his mother." Malungkot na sagot nito. "He has a trust issues to people that's why I have to do the things by myself." Dagdag pa nito.
"Ganoon po ba? Kaya pala kailangan kayo ang magbigay ng gamot niya," tugon ko at parang bigla akong nakaramdam ng away sa anak niyang si Miggy. Sobrang bata pa nito pero naranasan na niya ang mawalan ng ina. Naalala ko tuloy sila bigla.
"Yes, kung hindi ako ang magbibigay sa kanya ay siguradong hindi siya gagaling dahil hindi niya ito iniinom," sambit ni Sir Benjie at ibinalik na sa pwesto ang hawak niyang picture frame.
"Ahm, huwag na po natin pag-usapan iyan ng hindi na maging malungkot ang atmosphere natin dito!" Masigla na sambit ko. "Pag-usapan na lang po natin ang ipinunta namin ni Yumiko rito." Pang-iiba ko na lang para ma-divert ang topic na binuksan ko dahil sa curiosity.
"Are you in rush, Baby?" Natatawa na tanong ni Mr. Hann sa tabi ko.
"Hindi, ah! Iyon naman talaga ang ipinunta natin dito, eh."
"Oo nga. Hahaha."
"Young Lucy, please join me here in my table," tawag sa akin ni Sir Benjie, "Yumiko already know about the contract so I will just going to discuss it to you." dagdag pa nito.
"Okay po." Inubos ko muna ang kalahati ng orange juice ko bago nagtungo sa upuan na nasa harap ng lamesa ni Sir Benjie.
"Sa labas lang muna ako," paalam ni Mr. Hann at agad ko siyang nilingon, "I will come back after twenty minutes." sambit niya na ang tingin ay nasa akin.
"Okay," sagot ko ng nakakunot ang noo at hinintay muna si Mr. Hann na makalabas bago bumaling kay Sir Benjie.
"So, here is the contract that you and Yumiko going to sign when you two get married." Ipinakita niya sa akin ang isang brown folder na sa tingin ko ay isang pirasong papel lang ang laman sa sobrang nipis. Para ngang walang laman ung folder, eh. Pinagloloko ba ako ng mga ito?
Expectation ko kasi ay sobrang kapal ng pipirmahan namin pero parang wala namang laman ang folder na hawak ni Sir Benjie. Alam na rin pala ni Yumiko kung tungkol saan iyong kontrata bakit hindi na lang siya ang nag-explain sa akin. Inabala pa namin ang lawyer niya at mukhang hindi naman ganoon kahaba ang discussion na gagawin ni Sir Benjie.
"Here you can check first the contract before I start explaining it to you." Ibinigay ni Sir Benjie ang folder na hawak niya sa akin.
Agad ko namang binuklat ang folder para makita kung may laman ba ito at meron nga. Sa unang pahina ay may nakasulat na Contract of Agreement at sa ibaba nito ay nakasulat ang pangalan naming dalawa ni Mr. Hann. Binuklat ko ang pahina ng kontrata at may anim lamang na papel ito. Hindi ko na binasa pa ito dahil sobrang haba ng mga nakasulat. Isinara ko na ang folder at bumaling muli Kay Sir Benjie. Makikinig na lang ako sa sasabihin niya kesa magbasa ng malanobelang kontrata.
"Makikinig na lang po ako sa sasabihin niyo, Sir Benjie," sambit ko at ibinalik sa kanya ang kontrata, "Nakakatamad basahin, eh."
Tumawa ito. "Don't worry, that's what I am going to do right now. So, are you ready?" Tanong nito at inilapag ang kontrata sa ibabaw ng lamesa niya.
"Opo pero baka pweding pa-favor? Baka pweding huwag puro English ang explanation niyo, Sir Benjie. Sa mansyon pa lang sobrang nosebleed na ako sa pakikipag-usap kay Yumiko tapos kayo rin pala. Hehehe."
Natawa ito nang malakas. "It's not a problem, Young Lucy. I will do my best not to talk much in English. Kaya ko gawin iyan para sa'yo." Sambit nito. "When it comes to Yumiko, medyo sanay lang talaga siya sa pagsasalita ng English kesa sa Tagalog. Kung marunong ka lang siguro mag-Nihonggo ay sigurado iyon lamang ang gagamitin niyong salita." Paliwanag nito.
"Ang sabi nga niya sa akin ay kailangan ko raw mag-aral ng salitang iyon," tugon ko.
"Pupunta ka rin diyan at matututo ka rin but for now, mag-focus lang muna tayo sa kontrata. May mga bagay ka na kailangan mong malaman lalo na ang tungkol kay Yumiko."
"Ano namam po ang dapat kong malaman?" tanong ko dahil biglang sumeryoso ang tono ni Sir Benjie.
Tumikhim muna ito bago sinabing, "Ang kontrata na nasa loob ng folder na ito ay nagsasaad ng magiging kasunduan niyong dalawa at pipirmahan niyo lamang ito once na officially married na kayo ni Yumiko." Pag-uumpisa ni Sir Benjie at tumayo ito nagpatuloy sa sinasabi. "Yumiko requested this contract two years ago after he have been diagnosed in cancer."
"Po?! May sakit si Yumiko?"
Tumango ito. "Yes and don't worry malakas pa ang isang iyon." Natatawa na sambit nito. "Sinabihan niya ako na gumawa ng kontrata dahil ang sabi sa akin ni Yumiko ay mag-aasawa na siya ng sa ganoon ay hindi masayang ang pinaghirapan ng mga Hann kung sakaling dumating na ang oras niya."
"Eh, kung two years ago pa pala sinabi ni Yumiko na gumawa kayo ng kontrata, bakit ngayon lang siya naghanap nang mapapangasawa? Wala ba siya mga naging girlfriends? Imposible namang wala sa gwapo niya."
"Yumiko isn't the man you are thinking, Young Lucy. Pihikan sa babae ang kaibigan ko and masyado niyang mahal ang ginagawa niya kaya hindi niya napagtuunan ng pansin ang pakikipagrelasyon," sagot nito na ngayon ay nakatayo sa likod ng bookshelves ng opisina niya, "Kung hindi mo na itatanong ay ikaw pa lang ang napusuan ni Yumiko."
Bigla ay natawa ako sa narinig ko. "Gusto ko sanang maniwala, Sir Benjie, pero hindi kapa-kapaniwala. Inuuto niyo lang po yata ako, eh!"
"I'm serious, Young Lucy. Pwedi mo siyang tanungin kung ayaw mong maniwala sa akin." Seryoso na sambit nito.
"Ahm, mamaya na lang siguro pag-uwi namin?"
Tumango ito. "Okay, let's continue. Ang nakasulat sa loob ng kontrata ay nagsasabi na kapag dumating na ang oras ni Yumiko ang lahat ng properties at meron siya ay mapupunta sa magiging asawa niya." Tumingin ito ng diretso sa akin. "And I think you already know kung saan maiiwan ang lahat ng pagmamay-ari ni Yumiko."
"Sa akin."
"Exactly! It is also indicated in the contract that you as a wife should give a child. Yumiko wanted to have a family before his time comes and he is expecting it to you, Young Lucy," sambit nito na parang nakasalalay ang lahat sa akin sa tono ni Sir Benjie, "Pagkatapos ng kasal niyo ay lilipad kayo papuntang Japan at doon muna kayo titira. Doon nais ni Yumiko na mailibing dahil naroon ang lahat ng angkan ng mga Hann."
Sa mga narinig ko na ayaw pang mag-sink in sa utak ko ay hindi ko na nagawang intindihin ang ibang sinasabi ni Sir Benjie. Panay lang ang pagtango ko kahit hindi ko na ito naiintindihan. Ang mga nauna kong narinig ang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito. May sakit pala ang lalaking iyon? So, ibig sabihin sandali ko lang siya makakasama? Paramg bigla tuloy akong naawa sa kalagayan niya at pakiramdam ko mabibigo ko siya sa gusto niya?
"That's all you have to know about the contract, Young Lucy. Did all my words didn't confuse you?"
Umiling ako. "Naiintindihan ko po." Sagot ko na lang at tumayo na.
"Here you can bring this contract with you now." Ibinigay niya sa akin ang kontrata na agad ko namang kinuha.
Natapos na lang kami dito sa loob ni Sir Benjie ay hindi pa bumabalik ang lalaking iyon. Lumabas na rin kami sa opisina niya habang hawak ko ang kontrata at nadatnan namin si Mr. Hann na nasa sala. Nakaupo ito sa single couch habang nakasandal ang ulo sa headboard. Nakapikit ang mga mata nito na parang natutulog sa pwesto niya.
"Maiwan ko muna kayo rito. Titingnan ko lang si Miggy sa itaas," paalam ni Sir Benjie at iniwan nga kaming dalawa rito.
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin kay Mr. Hann na hindi gumagalaw sa pwesto niya. Tiningnan ko muna ang paligid kung may ibang kasama ba kami o baka nasa paligid 'yong maid pero kaming dalawa lang ang nandito. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya at pumwesto sa mahabang couch na nasa gilid niya.
"Yumiko," tawag ko sa kanya sa pinakamahina kong boses pero alam ko namang maririnig niya pa ako, "Tulog ka ba?" tanong ko ng hindi man lang siya kumibo sa pwesto niya.
Inilapag ko ang hawak na folder sa gilid ko at dahan-dahang tumayo sa harap niya. Muli kong tinawag ang pangalan niya sa mahina kong boses at hindi pa rin siya kumikibo. Baka patay na siya? Joke! Agad naman akong napangiti nang may maisip akong kalokohan. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa ilong niya at malakas na pinitik ito.
"Tsk. What are you doing?" tanong niya at dahan-dahang idinilat ang mga mata ng hindi man lang gumalaw kahit kaunti. Hindi man lang nag-react o nasaktan sa ginawa ko.
"Ginigising ka lang!" sagot ko at bumalik sa kinauupuan ko.
"Hindi naman ako natutulog." Umayos ito na ito ng upo at humarap sa akin.
"Hindi ka natutulog? Eh, bakit hindi ka sumasagot sa akin kanina?" Tiningnan ko siya nang matalim. "Pinagmukha mo pa akong tanga." Pinag-cross ko ang braso ko.
Tumawa ito. "I just want to see what are you going to do with me." Sagot nito. "I thought you will kiss me."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at ibinato ko ang maliit na unan na katerno nitong couch na inuupuan ko sa kanya. "Manyak ka talaga!"
"You will like it anyway soon," tugon niya at tumayo saka nag-unat na akala mo kakabangon lang sa kama, "I think Benjie is already done with you. Is he explain it well to you?" tanong niya at tumingin sa folder na nasa tabi ko.
Kinuha ko ang kontrata at ipinatong ito sa lap ko. "Tapos na kanina pa. Pumunta lang sa itaas si Sir Benjie para tingnan ang anak niya."
"I think we are done here. Let's go?" Inilahad niya sa akin ang kamay at inabot ko naman ito saka tumayo na rin. Ang lambot talaga ng kamay nito parang nagperla.
"Hindi pa tayo nagpapaalam kay Sir Benjie," sambit ko pagkabitaw ko sa kamay niya.
"Nah, it's okay. Malalaman na rin naman niyang umalis na tayo."
"Malamang wala na tayo rito pagbalik niya galing itaas!"
Natawa naman ito. "It's okay, Baby. I can text him that we already leave as we get in the car." Sambit niya at bago pa ako makapagsalita ay tinangay na niya ako palabas ng bahay, hawak ang kamay ko. Walang manners!