Kabanata XIX

2166 Words
~Lucy~ Nang makapag-ayos na kaming dalawa ay sabay kaming nagtungo sa dining area para mag-agahan. Nakahanda na sa lamesa ang mga hinain ng mga maids para sa amin. Si Cindy at Ruby lamang ang kasama namin dito dahil nagtatrabaho ang kasamahan nila. Muli ko silang niyaya na kumain pero tinanggihan lang nila ako ulit kaya hindi ko na sila pinilit. Sinangag na kanin, bacon, hotdog, at itlog ang niluto nila para sa amin. Fresh milk at tubig naman ang inihanda nilang panulak namin. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako makakain ng maayos na agahan. Sana kasama ko pa rin sila hanggang ngayon ng maranasan din nila ang mga natatanggap ko. Miss na miss ko na sila. "Are you okay?" "Huh?" "You expression suddenly change," sambit niya at tumigil ito sa pagkain, "Tell me what is in your mind, hmmm?" "Wala naman akong iniisip." Pagsisinungaling ko. "Kinakabahan lang ako sa mga gagawin natin ngayong araw." Dagdag ko. "There's nothing to be worry about, Lucy. I swear that you are not going to regret the day today." Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa at pinisil ito. "You finish eating here. Ihahanda ko lang ang sasakyan na gagamitin natin." "Hindi ka na kakain?" tanong ko ng tumayo na ito. "I'm already done," sagot niya. "Okay?" tugon ko na lang. "You finish your food here, okay? I'm going to prepare the car," sambit niya at iniwan na ako na mag-isa rito sa dining table. "Miss Lucy, may gusto po ba kayo?" tanong ni Cindy na kanina pa natayo sa gilid ko kasama si Ruby. "Wala naman," sagot ko, "Bakit hindi kayo maupong dalawa? Ako nahihirapan sa inyong dalawa, eh." "Okay lang po kami, Miss Lucy. Huwag niyo na po kami alalahanin," sambit naman ni Lucy. "Kayo na nga inaalala ayaw niyo pa," sambit ko at nagpatuloy na lang sa pagkain, "Nga pala nasaan na 'yong mga Men&Black na bodyguards ni Yumiko?" tanong ko dahil hindi ko yata napansin ang mga ito na nasa paligid simula ng bumaba kami rito. "Nasa labas po sila, Miss Lucy," sagot ni Cindy. "Ganoon ba? Kaya pala. Hehehe." Binilisan ko na lang ang pagkain ko ng agahan dahil mabagal talaga akong kumain. Siguro nabagalan si Mr. Hann sa akin kaya iniwan na ako rito at nagpapalusot lang na ihahanda ang gagamitin naming sasakyan. Pwedi naman niya kasing ipagawa na lang iyon sa mga Men&Black niyang bodyguards. Nagpapalusot lang! Pagkatapos kong kumain ay sinamahan ako ni Cindy paalis ng dining para ihatid ako palabas ng mansyon. Nang makarating kami sa sala ay nakita ko na naman ang mga bodyguards ni Mr. Hann na nakakalat na parang mga estatwa sa kinatatayuan nila. Hindi ko na sila pinansin pa at dumiretso na sa pintuan dahil baka naiinip na si Mr. Hann sa kakahintay sa akin. "Oh, nasaan na ang limousine mo? Bakit ibang sasakyan 'yan?" tanong ko ng makitang iba ang sasakyan na ang nandito sa harap ng mansyon. "Oh, nandiyan ka na pala," sambit ni Mr. Hann nang madatnan kong abala sa paglilinis nang harap ng sasakyan niya, "I'm going to drive that is why we are going to use my convertible," sagot niya at tumigil na sa paglilinis. "Walang bodyguards o driver?" Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat."Baby, you don't need them when you are with me." Sagot niya na iba na naman ang itinawag sa akin. Kanina love ngayon baby naman. "Anong you don't need them? Hindi ko naman kailangan ng bodyguards. Mukhang mas kailangan mo sila kesa sa akin," sagot ko at pumasok na sa loob ng sasakyan. Tumawa ito at sinamahan na rin ako rito sa loob ng sasakyan niya. "You think I'm that gold to be protected by my bodyguards?" Tanong niya at pinaandar na ang makina ng sasakyan niya. "Oo, billionaire ka, eh." "Not all the time, Baby, I need them with me," sagot niya na ngayon ay minamaneho ang sasakyan palabas n ng gate, "I don't like hanging out with my bodyguards that's why they're just coming with me if there is a big event that is going to happen." "Oh, okay? Pero alam mo nakaka-nosebleed ka na. Gusto ng dumugo ng ilong ko sa'yo," sambit ko at umarteng may natulo na sa ilong ko. "Pasensya ka na. Hindi kasi ako masyadong sanay mag-Tagalog." Natatawa na sambit niya. "Kaya panay ang English ko sa'yo but you should start to get use to it." "Ay, ewan ko sa'yo! Sumasakit ilong ko kaka-English mo." Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headboard nitong upuan ko at pumikit habang nilalanghap ang sariwang hangin. Walang kasing bubong itong sasakyan niya kaya nalalanghap namin ang hangin habang nagda-drive siya. Wala rin naman masyadong araw sa mga oras na ito kaya ayos lang ang ganitong set-up sa sasakyan niya. Nakalabas na rin kami ng subdivision at sa ilang minutong byahe namin ay binalot kami ng katahimikan. Pasimple ko siyang sinulyapan sa kinauupuan niya at seryoso itong nagmamaneho habang tutok na tutok sa daan. Kahit saang anggulo ang gwapo pa rin niya. Bigla ay napahawak na lang ako sa kwintas na suot ko ng maalala na isinuot niya ito sa akin kanina. Ngayon lang kasi may lalaking nagsuot nang kwintas sa akin. Medyo nakakakilig lang sa parteng iyon! Sobrang ganda ng kwintas pero hindi ko kayang sabihin na akin na ito kahit na ibinigay na niya sa akin. Itsura pa lang kasi napakamahal na at alam ko may sentimental value ito sa pamilya niya. Silver ito na may pendant na may kulay blue na diamond at hugis puso ito. Kapag tinatamaan ng liwanag ang kwintas ay kumikislap ito at siguradong pag-iinteresan ng kung sino man ang makakakita. "Do you love the necklace?" Pambabasag ni Mr. Hann sa katahimikan. Idinilat ko ang mga mata ko habang hawak pa rin ang kwintas na nasa leeg ko. "Oo naman." "It is yours now." "Paano kapag nawala ko ito? Mukhang napaka-sentimental ng kwintas na ito sa pamilya mo," sambit ko, "Ayokong kunin ito. Hihiramin ko na lang okay na ako roon. Hindi ko naman kasi kailangan ng mga alahas lalo na at mukhang mamahalin itong kwintas na suot ko." "You know what? You are really one of a kind." Natatawa na sambit nito. "Kung ibang babae ang sinabihan ko na sa kanya na lang iyang kwintas ay siguradong tuwang-tuwa na ito but you? You don't want to keep it because you're scared to lose it." Sinulyapan niya ako sandali sa pwesto ko. "You know how to value things and I like it." Dagdag niya pa. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. "Ayoko lang masumbatan mo kapag nagkataon na mawala ko ang kwintas na ito." "Why are you keep on saying that? Do you have plan in losing it?" tanong niya at itinigil ang sasakyan dito sa gasoline station. "Wala, ah! Bakit ko naman wawalain ito?" "See? You don't have to worry because I know you are going to take care of that necklace." Ngumiti ito sa akin at may kung anong pinindot sa harap namin. "The sun is starting to show up. We need to put up the roof of the car." Bigla ay may kung ano ang gumagalaw mula sa likuran namin at dahan-dahan itong umaangat papunta sa harap. Maya-maya pa ay nagkabubong na rin itong sasakyan niya kaya hindi na namin malalanghap ang hangin habang nasa byahe kami. Binuksan ni Mr. Hann ang air-conditioning nitong sasakyan kaya naman biglang lumamig dito sa loob. Hindi man lang niya naisip na naka-dress ako at hindi pa ako ganoon kasanay sa lamig nitong air-conditioning niya. Hmp! Nagpatuloy muli sa pagmamaneho si Mr. Hann nang matapos ng lagyan ni kuya sa labas ng gasolina itong sasakyan namin. Medyo natagalan lang dahil may tatlong sasakyan ang nauna sa amin. Habang nasa byahe kami ay nag-uumpisa ng manginig ang tuhod ko sa lamig. Nagsisitaasan na rin ang mga balahibo ko at gustuhin ko mang patayin 'yong air-conditioning nitong sasakyan ay baka mapagalitan niya ako. Sasabihin na naman niya dapat masanay ka na kasi ito na ang buhay mo. "Hey, are you okay?" "Mukha ba?!" Masungit na tugon ko sa tanong niya dahil hindi niya ba nahahalata? "Tsk!" Bigla ay itinigil niya ang sasakyan dito sa gilid ng kalsada. Hinarap niya ako at tiningnan nang malalim. "Tell me what is wrong so I can make an action to fix it." "Nilalamig lang ako. Kita mo naka-dress ako at hindi ako sanay sa ganito kalamig, eh, binuksan mo iyang air-conditioning ng sasakyan mo," tugon ko at nag-cross arm. "Oh, I'm sorry. I didn't know that you are already cold because you are not talking there." Natatawa na sambit niya at hinubad ang suot niyang coat. "Here use my coat to protect yourself from cold." Inilapit niya ako sa kanya at inilagay sa likod ko ang coat niya. "Feeling better?" "Oo, o-okay na ako." Inilayo ko ng kaunti ang sarili ko. "Salamat sa coat. Hehehe." "Next time, if there's something wrong, tell me okay?" "Noted," sagot ko na lang. Nagpatuloy na kami sa byahe namin at halos isang oras at kalahating minuto na rin ang nakalipas simula ng umalis kami sa mansyon. Nakaidlip nga ako sandali kanina dahil sa pagkabagot ko sa katahimikan namin dito sa loob. Maya-maya ay iniliko niya ang sasakyan at pumasok kami sa loob ng village pero bago iyon ay sinita muna kami ng gwardya. Hiningian ng identity card si Mr. Hann bago kami nakapasok dito sa loob ng village. Sa tingin ko ay nandito na kami kung saan nakatira ang lawyer niya? "We are here." Itinigil na ni Mr. Hann ang sasakyan dito sa tapat ng malaking bahay na kulay asul ang gate. "Dito nakatira 'yong lawyer mo?" tanong ko habang nakadungaw sa bintana. "Yes, that is why we're here." Natatawa na sagot niya at lumabas na para pagbuksan ako ng pinto. Napakatanga ng tanong mo Lucy! Nang makalabas na ako ay sabay naming nilakad ang papunta sa harap ng gate at siya na mismo ang nag-doorbell nang ilang beses. Maya-maya pa ay bumukas ang maliit na gate at bumungad sa amin ang isang maid. Pinatuloy niya kami at sinamahan papunta sa loob ng bahay. Mas malaki pa rin kung tutuusin ang mansyon ni Mr. Hann kesa sa bahay ng lawyer niya. Ito kasi napakasimple lang at hindi naman ganoon kalakihan. Sigurado akong simpleng pamilya lang din ang nakatira sa bahay na ito. Nakikita naman kasi sa bahay pa lang kaya magre-reflect din ito sa nakatira. "Maupo na muna po kayo rito at tatawagin ko lamang si Sir Benjie," sambit nang maid bago kami iniwan dito sa sala. "Huhulaan ko, may lahing hapon din ang lawyer mo?" sambit ko habang inililibot ang paningin sa buong paligid. "No, he is pure Filipino," sagot ni Mr. Hann na prenteng nakaupo sa sofa. "Oh, ganoon ba? Akala ko may lahi ring Hapon," sambit ko at naupo sa tabi niya. "Yumiko!" Bago pa makapagsalita si Mr. Hann ay isang napakalakas na boses ang umalingawngaw sa paligid namin. Napakalaki nito na akala mo nakalunok ng dalawang microphone. Sa pwesto namin ni Mr. Hann dito sa sala ay kitang-kita ang hagdanan kaya nakikita namin na may bumababang isang malaking tao. Nang tuluyan na itong makababa ay naglakad ito palapit sa amin. Sobrang taba niya at nakasuot pa ito ng roba na gawa sa balat ng cheetah. May mga suot pa itong gold na kwintas, singsing at bracelet. Parang naging sabitan ng alahas ang katawan niya. "Siya na ba ang lawyer mo?" bulong ko kay Mr. Hann. "Yea, he is," sagot niya at tumayo para salubungin ang paglapit ng lawyer niya sa amin. "Yumiko!" Muli na namang sambit nito sa pangalan ni Mr. Hann. "Benjie!" tawag din ni Mr. Hann sa pangalan nito at nagyakap ang dalawa. "It's really good to see you again, my friend!" Bumitaw na ang lawyer niya sa pagkakayakap sa kanya at tinapunan ako ng tingin kaya agad akong tumayo. Mukhang madugo rin kausap ang isang ito. English speaking na naman! "Is this her? The one you are telling me on the phone?" Tanong nito habang nakaturo ang daliri niyang may kulay gintong singsing. Lumingon si Mr. Hann sa akin at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. "Yea, this is Lucy Felicidad." Pagpapakilala nito sa akin. "Lucy this is Benjamin Javines my long time lawyer." Pagpapakilala naman nito sa lawyer niya. "It's nice to meet you po, Sir Javines," magalang na sambit ko at nakipagkamay sa kanya. Humalakhak ito na akala mo si Santa Clause. "It's nice to meet you too, Young Lucy, but don't call me that way. Just call me Benjie." "Okay po, Sir Benjie." "Napakabait mo namang bata. I think Yumiko is lucky that he choose you." Tuwang-tuwa na sambit nito. "Am I right, Yumiko?" Binalingan niya si Mr. Hann. Tumikhin muna ito bago sinabing, "Let's just talk about the contract that I ask you." "Ahh, yeah! Mukhang hindi na makapaghintay si Yumiko." Natatawa na sambit nito. "Let's go to my office and I will show you two the contract."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD