Kabanata XVIII

2111 Words
~Lucy~ Nagising ako na mag-isa na lang sa kama. Wala si Mr. Hann sa pwesto niya at sigurado namang gising na ito. Maliwanag na rin sa labas dahil nakabukas ang isang kurtina at hindi ko alam kung anong oras na ba ngayon. Mukha kasing ang haba ng tulog ko ngayon hindi katulad noong nasa bahay pa ako. Hindi muna ako bumangon dahil tinatamad pa ako. Sumasagi sa isip ko ngayon ang napanaginipan ko kagabi. Napanaginipan ko si ate pero bakit? Napabuntong-hininga na lang ako dahil ang aga-aga nakakunot na ang noo ko kakaisip. Bumangon na rin ako at inayos ko muna ang kama bago naglakad patungong banyo. Pagkapasok ko ay sa sink agad ako dumiretso at kinuha ang baso na nakita ko. Nilagyan ko ito ng tubig saka nagmumog kahit na mukha akong sinabunutan ng sampung babae sa itsura ng buhok ko. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko habang nagmumog sa harap ng malaking salamin. "Good morning." "Good mor–" Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na boses ito ni Mr. Hann at ng tumingin ako sa salamin ay naibuga ko ng wala sa oras ang minumumog ko. "Ahh!!!" Sigaw ko at nabitawan ang hawak kong baso. "Bakit nandito ka?!" Tanong ko ng lingunin ko siya. Dumako ang mga mata ko sa basa niyang katawan at ang ibabang katawan niya ay nakabalot ng puting twalya. "I'm the one who should ask you that. What are you doing here?" tanong niya at pinatabi ako sa gilid saka kinuha ang razor na nasa drawer nitong sink, "I was in the shower when you came inside." dagdag niya pa. "Bakit hindi ka kasi nagla-lock ng pinto?!" Tumalikod ako sa kanya dahil pakiramdam ko namumula ako sa kahihiyan. Hindi ko rin kasi siya napansin sa shower at nadire-diretso na lang ako papunta rito sa sink. "Hindi ako mahilig mag-lock ng pinto," sagot niya, "Could you please help me shaving my beards?" Hinarap ko siya. "Hindi ako marunong niyan at baka masugatan lang kita." "Madali lang mag-shave gamit ito." Tukoy niya sa hawak na razor. "Just hold this." Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa akin ang razor. "Press up the button." Utos niya at binatawan na ang kamay ko para ako "Okay?" Pinihit ko paitaas ang pindutan na sinasabi niya. "Paano ko babawasan itong beards na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. "Just follow the line you are seeing in my face. Kailangan ko lang naman panipisin ng kaunti itong mga buhok na nasa mukha ko," tugon niya. Gaya ng sinabi niya ay sinundan ko lang ang linya na nasa mukha niya. Nilagyan niya muna ito ng cream para hindi masakit kapag sinimulan ko ng i-shave itong balbas niya. Inumpisahan kong i-shave sa ibaba ang balbas niya papuntang itaas habang nakatingala si Mr. Hann. Ang gwapo niya pala talaga kung titingnan mo siya ng malapitan. Sobrang perpekto ang pagkakahulma ng panga niya at ang ganda pa lang ng mga pilik mata niya. Sobrang haba kasi nito para sa isang lalaki na kagaya niya. "If you want to kiss my lips, you can kiss it," sambit niya na ikinatigil ko. "A-ano bang pinagsasabi mo?" "You are staring at my lips." Sumilay ang mapang-asar na ngisi niya sa balbasadong mukha niya. "For your information, hindi ako nakatingin sa lips mo. Sa kilay mo ako nakatingin kaya huwag kang assuming na hahalikan kita," singhal ko sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa ko. "Okay, whatever you say, Love," sambit niya. Love niya mukha niyang assuming at manyak! "Alam mo sa lahat ng Japanese, ikaw lang yata ang may ganitong balbas. Iyong totoo hapon ka ba talaga?" tanong ko, "Mukha ka namang Hapon pero balbasado ka." dagdag ko pa. "My father's mother is a Japanese and my father's father is an American who I actually look alike. My grandfather and my father both had this beards so do I," paliwanag niya habang nakatingin sa akin. Nakakabobong intindihin puro English! "Oh? Ibig sabihin tatlo pala lahi mo?" "Yea? If it's what you had understand." Pinagtawanan pa ako. "Psh! Kaunti na lang malapit na dumugo ilong ko sa'yo. Puro ka English, eh, marunong ka namang mag-Tagalog," sambit ko ng walang preno-preno at idiniin sa mukha niya ang razor. "Damn! Are you mad?" Inis na tanong niya ng mabigla ito sa ginawa ko. "Hindi, ah, tapos na kasi ako. Na-excite lang masyado kamay ko," sagot ko at in-off na ang razor at inilapag ito sa sink. "What? You're talking nonsense, Lucy." Tiningnan niya ang sarili sa salamin kung tama ba ang ginawa ko at ngumiti ito sa akin mula sa salamin. "You are a fast learner, huh?" "Sabi mo nga madali lang gamitin 'yang razor kaya hindi ako nahirapan. Mukha ngang kaya mo naman gawin mag-isa 'yan pinagawa mo pa sa akin," tugon ko. "That is what you are going to do as my wife. Tutulungan mo ako sa mga ginagawa ko." "Hmmm, okay," sambit ko na lang, "Hindi ka pa ba tapos? Ako naman gagamit ng banyo." "Bakit hindi ka na magbanyo ngayon? You are already here inside." "Anong magbanyo na? Manyak ka talaga, eh, noh?" Tiningnan ko siya nang masama mula sa salamin. "I'm just kidding." Hinarap niya ako ng may ngiti sa mukha. "You start fixing yourself here and I'll wait you in the wardrobe." Sambit niya at naglakad na palabas ng banyo. "Bakit niya naman ako hihintayin doon?" tanong ko sa hangin habang nakatingin sa pintuan. Ni-lock ko muna ang pinto bago ko ginawa ang mga dapat kong gawin dito sa loob. Nag-toothbrush muna ako bago pumasok sa shower. Nang mahimasmasan ko na ang buong katawan ko ng malamig na tubig ay nagpunas muna ako saglit ng katawan at nagpatuyo nang buhok gamit ang hair blower na nasa drawer nitong sink. Pagkatapos ko ay lumabas na rin ako ng banyo, suot ang kulay pink na roba. May dalawang kasing roba ang nakasabit dito sa loob. Ang isa ay kulay itim at ang isa naman ay kulay pink na siyang ginagamit ko ngayon. Sa tingin ko ay para sa akin naman ito kaya ginamit ko na. Wala akong suot na panty at bra dahil nasa loob ng wardrobe ang backpack ko kaya naman hinigpitan ko ang pagkakatali sa roba na suot ko. Baka mamaya ay malaglag sa akin ito. Malilintikan na at baka matuwa pa ang manyak. Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa wardrobe at naabutan ko siyang namimili ng damit para sa akin. Nakaayos na rin siya ngayon at suot niya ay kulay puting polo at grey na pants habang ang necktie niyang kulay itim ay nakasabit pa sa leeg niya. Nakita ko ang pares na coat ng polo na suot niya sa may sofa at kakulay ito ng pants niya. Ang init-init sa labas tapos ganiyan ang suot niya. "After we get the contract, we are going to meet my personal tailor to get your size so that she can prepare your gown ASAP," sambit niya habang abala pa rin sa pamimili nang susuotin ko, "Then after that we are going to meet my personal organizer in Trinoma to start planning out our wedding." dagdag niya pa. "Iyan lahat ang gagawin natin buong maghapon?" tanong ko sa kanya habang nakatayo pa rin dito sa pintuan. "Yes, and we have five days to prepare our wedding." "Pagkatapos ng kasal natin anong sunod na mangyayari?" Bigla itong tumigil sa ginagawa at hinarap ako. "What do you think the new Weds doing after their wedding?" Tanong nito at ngumisi sa akin ng nakakaloko. "Nagha-honeymoon sila!" sagot ko at bumaling sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko ay namumula ako sa hiya. Tumawa ito. "You got it." Sambit nito. "But we're not going to have our honeymoon here. Pagkatapos ng kasal natin, maybe after two months, lilipad tayo papuntang Japan. We are going to stay there for good." Binalingan ko siyang muli. "Seryoso ka? For good? Ibig sabihin hindi na tayo babalik dito?" Tanong ko. "Hmmm, babalik pa rin naman pero for vacation na lang siguro," sagot niya at nagpatuloy sa paghahanap nang isusuot ko. "Sigurado akong malulungkot si Bennie nito kapag nalaman niyang iiwan ko siya pagkatapos ng kasal namin." "He can come with us if he likes." "Huh? Pinagsasabi mo?" "You just said your thoughts out loud," sambit niya. Nasapo ko ang noo ko. "Nakapili ka na ba riyan?" Pang-iiba ko na lang sa usapan namin. "Bakit kailangan ikaw pa ang pumili nang susuotin ko?" Dagdag na tanong ko at lumapit sa kanya. "Your dress should fit on my attire," sagot niya, "You try wear these two dress." ibinigay niya sa akin ang dalawang napili niya na susuotin ko. "Okay?" "I'll wait you outside," sambit niya at naglakad na palabas ng wardrobe dala ang coat niya. Napabuntong-hininga ako ng mag-isa na lang ako rito sa loob. Pakiramdam ko hindi ko kayang pasukin ang pinasok ko ngayon. Pagkatapos ng kasal namin, honeymoon? Hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Wala pa nga sa isip ko ang pag-aasawa, honeymoon naman ngayon. Pagkatapos anong sunod?Magkakaanak na kami? Wahh! Hindi ko ma-imagine na ganoon ang mangyayari! Napasimangot na lang ako at tiningnan ang dalawang dress na hawak ko at parehong above the knee ang mga ito. Ang isa ay kulay puti na one shoulder na kumikinang sa sobrang dami ng maliliit na diamonds. Hindi ko alam kung totoong diamonds ito kasi kung totoo man ay siguradong pweding masanla ito sa pawnshop. Ang isa naman ay kulay pula na backless at sleeve less ito kaya parang masyadong show off kung susuotin pero itatry ko na lang din dahil siya ang pumili nito. Una ko munang isinukat ang kulay puti na dress at lumabas ng wardrobe para ipakita kay Mr. Hann ang suot ko. Nadatnan ko siya na nagsusuot ng sapatos sa may kama at tumigil ito sa ginagawa niya ng mapansin ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila kinakalkula ako. Matapos ang ilang segundo na pagtingin sa suot ko ay walang salitang sinenyasan niya ako na bumalik sa loob. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin na palitan ang suot ko kaya bumalik ako sa wardrobe. Pinalitan ko ang suot ko ng kulay pulang dress at muling ipinakita sa kanya. Tapos na ito magsapatos at nakatayo sa harap ko habang kinakalkula na naman ang suot kong damit. Seryoso itong nakatingin sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa baba niya. Sinenyasan niya ako na umikot at agad ko namang ginawa. "Hmmm, I like the first dress than this. Palitan mo 'yang suot mo ngayon ng naunang damit na sinukat mo," utos niya. Muli akong bumalik sa loob ng wardrobe at nagpalit ulit ng suot. Katulad ng sabi ni Mr. Hann ay iyong naunang damit ang isinuot ko. Nag-ayos na rin ako ng kaunti mula sa buhok ko at mukha. May nakita akong lipstick dito sa closet sa may drawer nito kaya ginamit ko na. Namili na rin ako ng sapatos na susuotin ko at high heels ito na may taas na four inches. Lumabas na rin ako pagkatapos kong mag-ayos dito sa wardrobe. "You look beautiful, Lucy," puri ni Mr. Hann pagkalabas ko. "Thanks." "But there is something missing," sambit niya na ikinanoot ng noo ko, "Wait me here." dagdag niya at pumasok sa loob ng wardrobe. "Ano naman kaya ang sinasabi niyang kulang sa akin?" tanong ko sa hangin habang hinihintay siya na makabalik. Maya-maya ay bumalik na rin ito na may dalang kulay itim na box. "Why you didn't take this inside the closet?" "Ano ba ang laman niyan?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. "This is from my great grandmother and my mother got this to her," sambit niya at binuksan ang box at bumungad sa akin ang kumikinang na kwintas, "My mom pass this to me and I was being told to give this to the woman that I'm going to spend my life with," dagdag niya at tinanggal ang kwintas sa loob ng box, "Now that I already have that woman, I am going to wear this to you." pumunta ito sa likuran ko at isinuot sa akin ang kwintas. "Ba-bakit ka ba ganyan?" tanong ko sa kanya habang hawak ang kwintas na nasa leeg ko, "Parang sigurado ka sa lahat ng sinasabi mo. Hindi mo ba naiisip na pweding katulad lang ako ng ibang babae riyan na lolokohin ka o peperahan lang?" "I'm not a judgemental person, Lucy, and I don't think that you are that kind of woman. You are too kind for that." Ngumiti ito at hinila ako palapit sa kanya. "You are the sure thing that I want to spend with while I'm still alive." Napapikit ako ng halikan niya ang noo ko ng marahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD