Unang beses pa lamang makita ni Sheryll ang mumunting paslit ay tila nagdulot na ito ng kung anong liwanag sa kanyang mga mata, dama niya ang tila pagaspas ng mga pakpak sa kanyang dibdib nang masilayan ang nakakatuwa nitong ngiti. Wala rin naman siyang paki-alam sa katotohanan na anak ni Raymond ang naturang sanggol sa ibang babae sa kadahilanan na wala naman itong sala sa mga kagaguhan na ginawa ng ama, maliban roon ay hindi niya maitatanggi ang kakaibang galak na nadarama niya dahil dito lalo pa at tila pinapagaan nito ang kanyang pakiramdam sa bawat pagkakataon na makikita niya ang bata. Sa hindi niya malamang dahilan ay parang binura na lamang ng sanggol ang lahat ng alalahanin at problemang nakadagan sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mapatawa na lamang habang pinagmamasdan ang

