Chapter 7

2027 Words
“Aaahh!” sambit ko habang may hawak akong cold compress para sa sumasakit kong ulo. May hang-over pa ako kagabi at halos naubos ko na naman ang laman ng bote. “Are you okay?” Wigo asked me. Hinila niya ang upuan at tumabi sa akin. Nasa pool side kami habang nag-aalmusal at ako naman na nakatitig lang sa malinaw na tubig ng swimming pool. “Here. Uminom ka muna.” Ini-abot niya ang gamot at isang basong tubig. Kinuha ko ang gamot at tubig saka ako uminom. Ito lang ang kinagandahan sa ugali ng kapatid ko kapag ako naman ang may sakit. He’s taking care of me even when I was young. Masarap lang talaga isipin ang mga naging kabataan naming dalawa kung saan wala kaming iniisip na problema. “Next time, huwag mo ng ubusin ang isang bote ng alak. Hindi maganda ang dulot nito sa iyo,” paalala niya. “Why? Do I like so dumbed or wasted?” I asked him and stared. “Almost.” He grinned. “Huwag ka munang umalis ngayon at magpahinga ka na lang muna. Ihahatid ko ang mommy sa airport pabalik ng Switzerland.” “Okay,” tugon ko. He stared at me once again and then he stood up. Tila nag-alangan pa ang kapatid kong umalis sa harapan ko at may gustong gawin. Naglakad na siya ngunit bigla rin bumalik kaya lang ako naman ang nagulat sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata kong dinampian niya ako ng halik sa labi. “See you later,” he said. He turned and walked away from me. Ako naman na natulala pa rin sa ginawa niya saka dinama ng mga daliri ko ang labi kong dinampian ng halik ng kapatid ko. Wait! What’s going on, again? Muli kong sinulyapan ang kapatid ko ngunit wala na siya sa paningin ko ngayon. Speechless. Iniisip ko ngayon kung may magandang nangyari ba kagabi kaya siya nagkakaganito sa akin. At sa huling chances na naisip ko, hindi pa rin tama ang lahat. Hindi pa rin tama na halikan ako ng sarili kong kapatid. Umusbong na naman ang galit ko sa sarili ko at sa hindi ko maintindihan nangyayari. All of a sudden, naging magulo na naman ang mundo ko. Inayos ko ang pagkakalagay ng cold compress sa kumikirot kong sentido saka ako tumayo. NAGTUNGO ako sa palengke ng Pasig kung saan dadaanan ko ang kakanin na madalas kong ino-order kay Aling Mila. Isa siyang kakanin vendor roon at nakilala ko lang siya nang minsan siyang humingi ng tulong sa foundation namin. Hindi na rin gaanong kumikirot ang sentido ko at mukhang nakatulong pa yata ng malaki ang halik ng kapatid ko. Ang unggoy na Kuya Wigo. God! I can’t imagine he kissed me earlier. Kung hindi ba naman siya gago! Puro reklamo ang isip ko ngayon pero ni hindi man lang ako pumalag kanina. “Ay! Nandito ka na pala, Kinne! Mabuti naman at napadalaw ka rito,” masayang wika ni Aling Mila sa akin. “Kumusta, Aling Mila?” tanong ko. “Mabuti naman ako. Siyangapala, Kinne. Mayroon sana akong ipapakiusap sa iyo. Naalala mo iyong anak ko na tinulungan ng foundation niyo? Maayos na ang kalagayan niya ngayon kaya lang hindi pa rin siya makakita.” Si Aling Mila ay may lahi din na Swiss-American ngunit sa Pilipinas na ito nanirahan mula nang palayasin daw ito sa kanila. Ayon sa kaniya ni Aling Mila, hindi raw sila nagkaintindihan ng asawa niyang German national kaya siya napadpad sa Pilipinas. “Gusto kong makita ang anak niyo, Aling Mila.” “Sige ba.” Bumaling siya sa katabing tindera. “Josefa, pasuyo naman at pabantayan itong paninda ko. Babalik kami agad,” pakisuyo niya sa katabing tindahan. “Okay, sige!” tugon naman ng tinawag na si Josefa. “Halika na, Kinne.” Sumama naman ako kay Aling Mila na ang bahay lang ay walking distance mula sa palengke. Kahit crowd ang paligid dahil sari-sari ang mga nagtitinda roon, hindi ko iyon iniisip. Sanay naman ako sa kung saan-saan ako napapadpad. Simpleng ripped jeans at puting t-shirt lang ang suot ko na tenernuhan ko rin ng sneakers. Ayokong mapagkamalan ako ng ibang taong may kaya sa buhay kahit halata sa kulay ko. Halata ang pagiging Swiss national ko ngunit may suot naman akong contact lens at pinakulay ko ng itim ang buhok ko. Hindi sa hindi ako proud sa lahing pinanggalingan ko, kailangan ko lang talagang mag-iba kahit papaano. “Pasensiya ka na rito sa eskinita namin at medyo magulo,” paghingi naman ng pasensiya ni Aling Mila sa nilalakaran namin. “Ayos lang, Aling Mila. Nasanay na ako,” tugon ko. “Oo nga at halatang sanay ka na sa buhay na mayroon kami.” Sanay na talaga ako. Nakikita ko pa ang magugulong mga bata sa paligid pati ang mga tingin ng mga marites na kapitbahay ni Aling Mila. Pumasok pa kami sa isa pang eskinita bago kami nakapasok sa maliit na bahay niya. “Liezel, anak!” tawag ni Aling Mila. “Nay, nandito ako!” Nakita ko agad ang batang tila nasa labindalawang taong gulang. Nagmano siya pagkakita niya kay Aling Mila sabay sumulyap sa akin at ngumiti. “Hi!” bati ko sa kaniya. “Hello, po!” tugon naman niya. “Kinne, siya pala si Liezel. Siya ang pangalawang anak ko. Halika, pasok ka. Pagpasensiyahan mo na itong bahay namin at medyo maliit. Hindi pa dumating iyong perang hinihintay ko kaya dito muna kami nakatira sa barong-barong na ito.” “Inay! Inay! Is that you?” sigaw naman ng baritonong boses ng lalaki. Napasulyap kami sa lalaking may hawak na tungkod at tila bulag na dinama ang dinadaanan nito. “Levi, anak! Diyos ko naman! Bakit ka tumayo?” Agad na dinaluhan ni Aling Mila ang anak at tinulungan. Naningkit ang tingin ko sa lalaking ito na mas matangkad pa ng kaunti kaysa sa akin. Pinasadahan ko rin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maputi, blonde ang buhok, kulay abo ang mga mata katulad ni Aling Mila ngunit hindi nga lang siya nakakakita. Balbas-sarado ang buong mukha niya na sinadyang kaunti lang ang ahit na ginawa. “Tulungan ko na kayo, Aling Mila,” sambit ko nang lapitan ko sila. “S-Sino ka?” tanong sa akin ng may pagkamasungit na anak ni Aling Mila. “Levi, siya si Kinne. Siya ang tumulong sa iyo nang magkasakit ka,” paliwanag naman ni Aling Mila sa anak niya. “Kinne?” kunot-noo siya. “I’ll help you,” sambit ko. Hinawakan ko na ang braso niya saka namin siya pinaupo sa bakanteng upuan. “Sinabi ko naman sa iyo na huwag ka ng tumayo at hayaan mo na ang kapatid mong utusan siya habang wala ako rito,” pag-aalala ni Aling Mila sa anak. “Alam mo naman na nagtitinda pa ako at mamaya pa ang uwi ko.” “Alam ko, ‘Nay. But how would I help myself if I always let anyone be my eyes?” he seriously said. “Kahit na. Kapag lalong lumala ang kalagayan mo, hindi ko na alam kong saan ko kukunin ang pera na pampagamot sa iyo.” “Aling Mila, siya ba ang anak niyong may problema sa ugat ng mata? Am I right?” tanong ko. “Oo, Kinne. Malaki ang magagastos at sa ibang bansa pa ito gagawin kaya hindi na kami muling bumalik sa foundation niyo. Kahit nahihirapan ako sa kalagayan namin, pinipilit ko pa rin para sa mga anak ko,” mangiyak-ngiyak niyang wika sa akin. “Huwag niyo ng isipin ang gagastusin, Aling Mila. Sasagutin ko na ang pagpapagamot ng anak niyo sa ibang bansa. Ako na ang magiging doktor niya mula ngayon,” sambit ko. “Talaga, Kinne?” Bakas sa mukha niya ang galak sa narinig mula sa akin. “Oo, Aling Mila.” “Are you sure you want to help me?” “Yes, I do. I am always here to help. Pwede ba kitang matingnan?” Inilapag ko ang knapsack ko sa gilid ko. “Are you an optalmologist?” tanong ni Levi. “Nope. I’m a Neurosurgeon.” Inayos ko na ang gamit ko na madalas ko rin namang dala-dala kung sakaling kailangan ko ito. “Ang fluent ng british accent mo.” “Ah, kasi. Nag-call center iyang anak ko at natuto ng british accent,” si Aling Mila ang tumugon. “At bata pa siya noong nasa ibang bansa kami kasama ang tatay niyang German kaya may alam siyang lengguahe. Si Liezel lang ang hindi dahil dito na iyan lumaki at iba ang tatay ni Liezel.” “Ah, I see.” Nakikita niyang Pilipino ang lahi ni Liezel. “Papaano siya nabulag, Aling Mila?” “Naaksidente siya dalawang taon na ang nakalilipas. May mga bubog na pumasok sa mata niya at nang makuha ang mga iyon, may mga ugat na raw ang nasira.” “Hindi ko masyadong makita ang lenses ng mata niya dahil madilim dito.” Itinigil ko rin ang pagtingin sa mata ni Levi at tila na-iritate siya sa ilaw ko sa tuwing natatamaan ang mata niya. “Hindi rin maganda ang paligid kapag nanatili pa siya rito kaya pwede ko siyang isama sa bahay ko sa Makati. For the meantime, doon muna kayo tumira habang inaayos ko ang mga papers niyo papuntang London.” “London?” Bumaling siya kay Levi. “Oo, Kuya Levi.” Mukhang mas matanda naman ako sa kaniya kaya ko siya tinawag na kuya. “May isang ospital ako roon na may magagaling na espesyalista sa mata kaya matutulungan kita. Magtiwala ka lang at makakakita ka.” Bumaling ako kay Aling Mila. “Ihanda niyo na ang mga gamit niyo at ihahatid ko na kayo roon. “Salamat, Kinne!” “Walang anuman, Aling Mila.” Halos bumuhos na ang luha ni Aling Mila nang yakapin niya ako. Nakikita ko rin sa mga mata ni Levi ang isang kasiyahan kahit hindi niya ipadama sa akin. Dinala ko sila sa San Lorenzo sa Makati kung saan ko pinatira sina Jhen noon. Abot-abot naman ang pasasalamat sa akin ni Aling Mila at sinabi kong gawin nila ang lahat sa bahay ko. Nagbigay na rin ako ng kaunting halaga para sa kanila. “Pauwi ka na?” Napatigil ako sa paglalakad palabas nang marinig ko ang boses ni Kuya Levi. Nabanggit ni Aling Mila na matanda ito sa akin ng limang taon. “Ikaw pala. Oo at masyadong gabi na rin. Baka hinahanap na rin ako ng mga anak ko.” “Anak? M-May anak ka na?” “Uhm, I mean foster children. Magpahinga ka na at bukas ay susunduin ko kayo rito para ipatingin iyang mga mata mo. Kailangan kapag magpapatingin ka, malinis iyong mukha mo. I mean, proper hygiene.” “Hindi marunong si Liezel at ang nanay ko. Madalas akong nasusugatan sa mukha.” Napakamot ako sa ulo. “Ako na ang bahala. Maaga na lang ako pupunta rito,” mabilis kong tugon. “Kinne, salamat.” “Walang anuman.” “Kinne lang ba ang pangalan mo?” “Ah, Kendall Linn Erin Zurich ang totoo kong pangalan.” “Sabi ng nanay ko, lesbian ka raw. Is it true?” “Oo, Kuya Levi.” Marites din ang isang ito. “I see. Mag-ingat ka.” “Salamat.” Isa pang pagtitig ang ginawa ko sa kaniya bago ako tumalikod. “Wir sehen uns ein andermal. (See you some other time.)” Muli akong napatigil sa paghakbang saka mabilis na lumingon sa kinaroroonan ni Kuya Levi. Naglakad na siya papasok gamit ang tungkod niya at ako naman na nahiwagaan. Alam niyang magsalita ng German language at ang lengguaheng iyon ang madalas na naririnig ko sa yumao kong lolo noong bata pa ako. Para sa aking pamilya, ang mga salitang iyon ay nagpapahiwatig na may magandang mangyayari sa susunod naming pagkikita. Subalit nang sinabi sa akin iyon ng aking lolo, pagkakita ko sa kaniya ay isa na siyang malamig na bangkay. Labis ang kalungkutan ko noon kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan lalo na ang mga salita niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD