“Where have you been?” Wigo asked me with a deep gaze.
Nasa bungad pa lang ako ng pinto papasok ng bahay niya nang salubungin ako ng mga tingin hindi ko nagustuhan. Mukha na naman akong lalamunan nang buhay ng kapatid ko sa tono lang din ng boses niya.
“Uhm, may pinuntahan lang ako,” tugon ko.
“Nagkita na naman kayo ni Camille?”
I scoffs. Tamang hinala? “Oo,” sagot ko para maasar lalo ang kapatid ko. Hindi kami nagkita ni Camille ngayong araw na ito at inasikaso ko ang pamilya ni Aling Mila kung saan naroon sila ngayon sa bahay ko.
“Liar,” he said.
My forehead wrinkled when he said that to me. Kung ganoon alam niya na hindi ako nakipagkita kay Camille?
“Nagpunta si Camille dito and she's looking for you. I told her na wala ka. Kailan ka pa natutuong magsinungaling sa akin?” Mas lalong nangunot ang noo niya habang mariing nakatitig sa akin.
Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksiyon. Mag-aaway na naman kami kapag pinatulan ko pa siya. “May tinulungan lang ako at pinatira ko muna sa bahay. Ipapaasikaso ko ang lahat ng papers nila kay Monica bukas. The patient will undergo eye surgery in London,” I explained. Siguro naman abswelto na ako.
“Then why do you need to tell me your lies? Bakit hindi mo ako diretsuhin?”
“Eh, puro ka Camille!” singhal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong singhalan siya. “Naririndi na ako, Kuya Wigo. Pwede ba? Bigyan niyo naman ako ng peace of mind?” Sa inis ko, tinalikuran ko siya, naglakad ako papasok at iniwanan siya roon. Naiinis na naman akong lagi na lang talaga kaming nagbabangayan tungkol kay Camille. Letse!
“Erin! We are not done!” sigaw niya. Sinundan niya ako hanggang paakyat. “Sa tingin mo ba, hindi ako mag-aalala sa iyo? Masakit ang ulo mo kanina and as I said earlier you better stay at home!” singhal din niya. “But what did you do? Umalis ka na naman na hindi ko alam!”
Gusto ko ng manapak nang sandaling iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na matiis ang itanong ito sa kapatid ko kaya ko siya hinarap. “Nagseselos ka ba kay Camille?!”
Natigilan siya. Hindi siya nakapagsalita agad sa tanong ko o marahil ay nabigla ang kapatid ko. Sa tuwing napag-uusapan namin si Camille, galit na galit siya. Ni hindi nga siya nagpakita ng magandang pakikitungo sa nobya ko. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganito ang kuya ko sa kaniya.
“You should take a rest if you want peace of mind. Just don't skip our dinner later,” he seriously said. Agad din siyang naglakad at nilagpasan na lang ako.
Hindi ko mawari ang sagot ng kapatid ko sa akin pero hindi ako kumbinsido. Actually, I asked that with no reason. Mang-aasar lang naman sana ako kaya lang ako yata ang na-surprise. Hindi nga siya nagseselos kay Camille. For what? Paranoid lang siguro ako sa kakaisip kung ano ang malalim na dahilan sa pagiging masungit niya sa nobya ko. For the wedding? Jesus! Whatever!
Napapailing na lang akong tinungo ang kwarto ng mga bata. Inasikaso ko muna sila bago pumasok sa kwarto ko. Naalala ko na naman ang mukha ni Kuya Levi. Napaisip ako kung saan ko siya nakita pero hindi ko na matandaan.
Naghanap ako sa kwarto ng shaver para sa kaniya. Alam kong wala ako ng bagay na iyon dahil hindi naman ako nagse-shave. I thought my brother's thing so I walked outside to go to his room. I knocked the door but it was already open. Nagtataka pa nga ako dahil hindi man lang nakasara iyon.
Pumasok lang ako sa mapusyaw na liwanag ng kaniyang kwarto. His room is huge and a manly type of room. Naamoy ko pa ang scent na panlalaki sa kwartong iyon na nagmula sa humidifier. Mukhang wala siya rito. Hindi naman siguro siya magagalit kung hihiramin ko ang shaver niya.
I walked to his restroom to find one for Kuya Levi. Ang alam ko may extra siya rito. Where is it? Pagbukas ko ng maliit na cabinet, I saw it. Kumuha na rin ako ng extra shaving cream. Lalabas na sana ako dala ang mga nakuha ko kaya lang pumasok na ang kapatid ko. At hindi lang iyon, may kasama siyang babae. Oh, s**t!
“Wigo, thanks for inviting me here,” malanding wika ng babae.
Ako naman na nataranta at pumasok sa dressing room niya. Nagtago ako sa isa sa mga closet niya para hindi ako makita. Hindi naman nahalata nila ang presensiya ko kaya pinagkasya ko ang sarili ko sa isang closet. But since bukas ang dressing room, naririnig ko ang tawa ng babae niya. Who is this woman? Napailing na naman ako. Kailan ba siya magbabago? Kung kani-kanino na lang siya pumapatol. Mamaya lang ay naging maingay na ang babae.
“Wigo, make me happy tonight, darling!”
Natural lang sana na makaramdam ako ng akwardness sa part ko dahil naroon ako sa kwarto ng dalawang taong gumagawa ng milagro. But the saddest part for me, iyong tila pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung para saan pero iyon ang nararamdaman ko.
Ito na ang buhay ng kapatid ko na kung tutuusin, kaya naman niyang humanap ng matinong pakakasalan na hindi na pakikialam ang buhay ko. And this is one of the reason kaya ayokong magpatali sa kaniya. Hindi ko kayang makisama sa isang katulad niyang iba't iba ang babae ang ikinakama.
“Oh, Wigo! Oh, s**t!” hiyaw ng babae.
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko para hindi ko na marinig. Ilang sandali rin akong nag-iisip sa kung gaano nga ba nababaliw ang mga babae niya sa kama. I never been into an intimate with an opposite or same s*x. Pero noong nag-aral ako sa London, as part of medical studies, I did hold something—private part ng lalaki. Isang beses lang iyon pero as I said, parte lang iyon ng pag-aaral namin. Sanay na rin ako lalo na liberated ang mga bansang napupuntahan ko. Hindi ko na rin siguro masisisi ang kapatid ko dahil lumaki siya sa mga ilang bansa na ganoon.
After a while, natahimik na ang paligid. Hindi ko na naririnig ang paghiyaw at paghalinghing ng babae ng kapatid ko. Hinayaan ko muna ang ilang sandali pa bago ako lumabas nang tuluyan. But someone was walking through my direction and then I prepare myself. Nasilip ko sa may siwang ang kapatid ko na suot ang white robe niya. May kinuha lang siyang damit sa closet saka siya lalabas na sana.
But suddenly, my phone ringing throughout the silence around. Anak ng— Dali-dali kong dinukot sa bulsa ko kung saan naroon ang cell phone ko subalit hindi ko agad ito na-off dahil masikip ang parteng punagkublihan ko. Ang malas mo talaga, Kinne!
“Who's there?!” sigaw ng kapatid ko.
Shit! Pinilit ko pa rin abutin ang cell phone ko at saktong huminto ang pagtunog nito. Next time, mag-silent mode na ako. Pahamak!
“I said, who's there?!”
Nagulat at nanlaki ang mga mata ko nang buksan ng kapatid ko ang closet niya. Halos hindi rin maipinta ang mukha niya sa sobrang pagkabigla rin. Nakikita ko sa mga mata niya ang mga katanungan kong bakit ako naroon.
His forehead furrowed. “Kinne?! What are you doing here?!”
Napalunok ako. Hindi agad ako nakasagot sa kaniya at ni isang kurap sa mata, hindi ko nagawa. Noon lang ako nahuli ng kapatid ko sa sitwasyon na hindi ko agad kayang depensahan ang sarili ko. I know I am smart to escape from any kind of situation but this one is unalike.
“Kinne!” untag ng kapatid ko.
“Kuya...” mahina kong sambit. Lihim din akong napakagat ng labi. “A-Ano...uhm...” Marahan akong kumilos para lumabas sa pinagtaguan ko. Umiwas na rin ako sa tingin ng kapatid kong kulang na lang balatan ako nang buhay.
“What are you doing here? Why are you hiding in my closet?” he asked me again.
Napakamot ako sa batok. Hotseat! “Uhm, I-I went here to...” nauutal kong sabi.
“To what?” Naroon pa rin ang pangungunot ng noo niya.
“M-May kinuha lang ako sa gamit mo. I knocked the door but it seems you're not here. Kaya lang paglabas ko ng banyo narinig ko na papasok kayo kasama ng babae mo at nag...nagtago na lang ako. N-Nahihiya akong istorbohin kayo kaya hindi na lang ako nagpakita,” paliwanag ko. God! Nauutal na akong sumagot.
“Have you seen or heard something?”
Umiling ako na parang batang umaamin sa kasalanang hindi ko naman sinasadya. Bakas pa rin sa mukha ng kapatid ko na tila inis ito sa akin. Naroon ba naman ako sa kwarto niya habang may kaniig itong iba. Hindi ko man nakita ang ginagawa nilang dalawa, naririnig ko naman ang hiyaw ng babae niya. Scheibe! (f**k!)
“Liar.”
Napalunok naman ako. “I-I heard something,” pag-amin ko.
“Like what?”
“Iyong ungol ng babae mo. Maingay siya syempre narinig ko. But I swear, wala akong nakita. For god sake, Kuya Wigo! Sana dinala mo na lang sa condo ang babae mo. Paano kung hindi ako ang nandito?”
“It's none of your business. Lumabas ka na.”
“Fine,” confident ko na ngayong sumagot. “Shaver at cream lang ang kinuha ko. I need this for someone tomorrow." Humakbang na ako kaya lang napatigil ako dahil hinawakan niya ang braso ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “What?”
“Next time if you're here in my room, I won't let you escape. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko kapag inulit mo pa na pumasok dito na hindi ko alam. Baka makalimutan ko na kapatid kita,” banta niya.
Sinalubong ko ang mariin niyang tingin. “Then you want me to show your dark side?” I scoffs. “Nababaliw ka na. Masama iyang gagawin mo at isipin mo, kapatid mo ako. Kung nagkataon na matutuloy ang kasal nating dalawa, isa lang ang kondisyon ko. You can do what you want but you can’t ever be my husband. Kasal lang naman ang hinihingi ng daddy sa last will niya.” Akma ko na sanang bawiin ang braso ko pero mahigpit pa rin niya itong hawak.
“That's what you think about me? Kailan ba ako hindi naging mabuting kapatid sa iyo?”
“You're the best brother I had, Kuya Wigo. Pero hindi ang ganito na kung sino-sino na lang. Ano na lang ang iisipin ng iba na ang kilalang Lord Winzel nila, pumapatol sa iba? Oo nga pala. Wala pala akong karapatan pakialaman ang buhay mo. That's your life. Siguro nga at walang perpekto sa mundo dahil ako, I have my imperfections too. Pero hindi ako katulad mo na hindi mo na iginalang ang sarili mo.”
“Do you want me to be a good brother to you?”
“What do you mean?”
“I'll leave this dark side of me in one condition.”
“What?”
“Marry me and accept everything.”
“Huh?!” gulat kong wika.
“You know already what I mean, my sister or, should I say, my soon-to-be wife.”
Malalim ang mga salitang binitiwan niya sa akin. Alam kong seryoso ang kapatid ko pero hindi batayan ang tanggapin ko ang kasal na ito para lang tumino siya. Subalit isa lang ang naging desisyon ko nang mga oras na iyon. Ang desisyon na pumukaw sa katauhan ko.
“I agree. If it is the best for us.” Lumapit pa ako sa kaniya. “Tuparin mo lang ang pangako mo, Kuya Wigo. Oras na malaman kong ginagawa mo pa rin ang kahibangang ito, I swear to you. Hinding-hindi mo na ako makikita pa. Kilala mo ako na kaya kong mabuhay mag-isa na wala ka, na wala ang yaman ng pamilya.”
“You have my word,” he replied.
“Good.”
“It means magpapahaba ka na rin ng buhok?”
“Depende.”
“I hope it will grow before our wedding day.”
“Do I look more handsome if my hairs grow?”
“More beautiful. Sige na, lumabas ka na. Magbibihis lang ako at kakain na tayo.” Binitawan na niya ang braso ko.
Tumango lang ako saka ako naglakad palabas habang iniisip ko pa rin ang sagot ko sa kaniya. Once and for all, nakipagkasundo ako sa kapatid ko na hindi ko man lang alam kung tama ba iyon o hindi. Subalit sa kasunduang iyon, tila ba may isang bahagi ng pagkatao ko ang nagkaroon ng liwanag.
Kaya lang, kailangan ko rin harapin ang buhay ko at ang puso ko. I ask myself about this. Lalo na ang puso kong nasasaktan sa puntong kailangan ko na rin pakawalan si Camille. Nasasaktan nga ba? Naguguluhan pa rin ako sa kung ano nga ba ang totoong naradamdaman ko.