As we entered the house, tahimik lang kaming dalawa habang si Rako naman ay nagdadaldal. Dinala namin ang mangga sa misa, sumakto rin ang oras na lumabas si itay na nakangiti. "Nandito na pala ang mga paborito kong anak," nakangiti niyang sabi sabay akbay kay Rako. "Kamusta anak? Nasaan na ang apong hinihingi ko?" Bigla akong napatingin kay Dane at umiwas lamang ito ng tingin. Kinuha ni itay ang akbay niya saka tinulak si Rako papunta sa akin. "Ayan, akbayan mo nga siya. Bakit hindi ko pa nakikita kayong sweet? Ano ba 'yan, mag-asawa pa ba kayo? Kahit halik, hindi magawa?" "'Tay," biglang pasok ko sa usapan. Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siyang maupo sa sala pero hindi ito umupo. Bagkus ay humarap pa ito sa akin at kinuha ang kamay ko saka ni Rako at pinahawak ito sa akin. "Ay

