BELLA’S POV Naging abala na ako ng mga sumunod na araw. Mas nag-focus ako sa mga bata sa at itatayo kong negosyo. Nagpapasalamat din ako na hindi ko na nakakasalubong sa daan si London, noong mga nakaraang araw kasi ay hindi sinasadyang lagi ko siyang nakikita. Hinatid ko lang si Ben sa school niya ngayon saka ako bumalik ng bahay. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Nanay na may kausap. Si Sharon. “Sige, ako na muna ang bahala sa kaniya. Sabi ko naman sa iyo, kung walang magbabantay kay Jared ay pwede mo naman siyang iiwan dito palagi. Hindi naman siya makulit,” nakangiting saad ni Nanay. Tumingin sila sa akin nang makalapit ako. “Hi,” bati ko kay Sharon. “Hello, nakarating ka na pala. Pasensya ka na noong nakaraan, nagmamadali kasi kaming umuwi kaya hindi na ako nakapagpaalam

