LONDON’S POV Dumiretso ako sa condo ni Ate Cindy. Mula nang makapagtapos ako ng kolehiyo, hindi ko na siya tinatawag na Ate, Cindy na lang. Almost two years lang naman ang tanda niya sa akin kaya okay lang na hindi ko na siya tawaging Ate. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi siya sumipot at sa dami nang papuntahin niya si Kulot pa. Agad akong nag-doorbell sa unit niya at mabilis naman niya akong pinagbuksan. Tinulak ko ang pinto para mas lumaki ang bukas at kusa na akong pumasok habang naiwan siya sa may pintuan at nakatingin sa akin. May facial mask pa siya sa mukha. Mabuti pa siya, nagagawa pang mag-skin care. “What are you doing here?” tanong niya sa akin nang maupo ako sa sofa. Nakatayo siya at nakatingin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumaas ang kilay niya. “What?”

