Kabanata 19

1418 Words
BELLA Nang dumating ako sa bahay ay patay na abutan ko si Nanay na naghihintay sa akin sa sala habang nanonood ng TV. Agad siyang lumingon sa akin nang maramdaman niyang dumating na ako. Pinatay niya ang TV at ngumiti sa akin. Mukhang hinihintay talaga niya akong dumating. Wala na ang mga bata kaya maaring tulog na sila. Maagap talaga silang matulog dahil sinanay ko silang hindi nagpupuyat. “Kumusta? Parang ang bilis mo naman yatang bumalik?” Lumapit ako sa isahang upuan at naupo. “Sabi ko naman po sa inyo mabilis lang ako. May pinagawa lang sa akin si Ate Cindy dahil busy siya,” sagot ko at kinuha ang maliit na square na unan at pinatong sa kandungan ko. “Hindi ko alam na nagkita na pala kayo ni Cindy. Nakaka-miss din ang batang iyon. Naaalala ko pa dati noong mga bata pa kayo. Sobrang lakas niya palaging tumili kaya asar na asar si Samuel sa kaniya,” natatawang saad ni nanay na para bang inaalala ang kabataan namin. “Tapos ikaw, hindi ko alam kung bakit hindi rin kayo magkasundo ni London, gayong palakaibigan naman ang batang iyon. Magiliw rin siya sa akin, pero pagdating sa iyo, parang nagiging pilyo siya.” Sumimangot ako dahil sa sinabi ni Nanay. Kahit kay nanay, malapit din talaga si London. Kaya hindi ko alam kung anong mali ang nagawa ko at ayaw niya sa akin mula bata pa kami. Sinubukan ko naman makipagkaibigan sa kaniya pero ayaw niya. Palagi rin niya akong inaasar dahil sa kulot kung buhok, kaya nga Kulot ang tawag niya minsan sa akin. Hindi ko talaga alam kung ano ang problema niya sa akin. Kaso ewan ko ba kung bakit kahit alam kung ayaw niya sa akin , nagustuhan ko pa rin siya dati. Matalino naman ako pero nagiging tanga ako dahil sa kaniya noon. “Hindi lang talaga siya mabait, ‘Nay. Napakaantipatiko niya, akala mo kung sinong gwapo.” Umismid ako. “Bella, gwapo naman talaga si London. Wala namang pangit sa pamilya nila, alam mo iyong parang nasa kanila na ang lahat? Kaya swerte ang magiging asawa nina London at Samuel.” “’Nay, iyong mapapangasawa ni Kuya Samuel, swerte talaga. Kasi mabait, matalino, mayaman at gwapo siya pero iyong kay London. Naku, kawawa kasi maliban sa mayabang siya, babaero rin,” kontra ko sa sinabi ng ina ko. “Alam mo, iyan ang dahilan kung bakit hindi kayo magkasundong dalawa. Hindi ko alam kung bakit nagiging maldita ka kapag siya pinag-uusapan.” “Dapat po ba maging mabait ako sa kaniya gayong hindi naman siya mabait sa akin. Hambog siya, ‘Nay. Pasalamat na lang talaga siya pogi at maganda ang parents niya, kaya maganda genes niya pero masama naman ugali niya,” nangigigil na saad ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Parang ang sarap niyang tirisin ng pino. Kung pwede ko lang siyang tiklupin sa walo, ginawa ko na. Napakayabang niya, tinulungan na nga akala mo pa kung sino. Kumunot ang noo ni Nanay. Nagtatakang tumingin siya sa akin. Para bang pinag-aaralan niya akong mabuti kaya huminga ako ng malalim para kumalma. “Anak, umamin ka nga sa akin. Hindi mo naman naging kayo ni London at naging ex mo siya kaya ganiyan ang gigil mo sa kaniya hindi ba?” tanong ni nanay na ikinalaki ng mga mata ko. “’Nay naman!” kulang na lang ay mapatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. “Nagtatanong lang naman ako, baka mamaya sekreto palang naging kayo tapos hindi maayos break up ninyo kaya ganiyan ka makapag-react kapag siya ang usapan.” Tumirik ang mga mata ko. Hindi ko alam na wild pala minsan mag-isip masyado ang ina ko. “Hindi naging kami at hindi magiging kami kahit kailan. Wala akong balak na patulan ang gaya niya,” matabang na sagot ko at tumayo na ako. Hindi pa ako naghahapunan dahil nagmamadali na akong umuwi kaya kakain muna ako. Nagtungo ako sa kusina at naghanap ng pwede kung kainin. “Nilagay ko na sa ref ang tiring ulam kasi akala ko hindi ka rito kakain. Iinitin ko lang muna, saglit lang,” saad ni Nanay na sumunod pala sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. “Ako na lang po mag-iinit,” saad ko at kinuha na ang ulam na nasa tupperwear. Kinuha ko rin ang tiring tinolang tahong na nasa ref. “Tulog na rin ang mga bata kaya matapos mong kumain, magpahinga ka na rin. Mukhang kailangan mo ng pahinga dahil bumibilis nang uminit ang ulo mo,” pasaring pa niya. “’Nay, hindi mainit ang ulo ko. Nagsasabi lang po ako ng totoo. Hindi ko talaga gusto ang hilatsa ng anak ng dati ninyong amo,” wika ko habang nag-iinit ng mga ulam. Hindi naman nagsalita si Nanay pero ramdam kong nakatingin siya sa akin kaya lumingon ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang nakangiti. Para bang natutuwa siyang pagmasdan. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Umiling siya sa akin. “Wala, may naaalala lang ako.” “Sino naman po?” tanong ko at hinalo ang tinolang tahong habang ang ginisang gulay naman ay nilagay ko sa fan. “Iyong crush ko noong bata pa ako.” Mabilis akong napatingin sa ina ko. Pinatay ko ang stove dahil mainit naman ang mga ulam. Bakit naman bigla niyang naalala ang crush niya dati? “Alam mo ba, para hindi niya mahalatang gusto ko siya, tinatarayan ko siya. Tapos kunwari, inis na inis ako sa kaniya pero ang totoo, para mapipitas na ang garter ng bra ko kapag nilalapitan niya ako. Nakaka-miss ma-in love. Hay.” Bumunong-hininga pa siya. Hindi ko mapigilang mapangiwi habang nakatingin kay Nanay. Parang bigla siyang bumalik sa pagiging teenager. “So anong nangyari? Naging kayo ba?” tanong ko. Nilagay ko na sa mangkok ang mga ininit ko at nilagay sa table. “Hindi, ma-pride kasi ako. Hindi ako umamin sa nararamdaman ko, ganoon din siya. Kaya ikaw kung may gusto ka, aminin mo. Huwag ka gumaya sa akin na maldita kunwari. Baka magsisisi kapag napunta siya sa iba,” payo pa niya sa akin. Mabilis akong sumandok ng kanin at humakbang pabalik sa table kung saan nakaupo din si Nanay. Ngumiti ako sa ina ko pero hindi ako nagsalita. Paano ko sasabihin sa kaniya na umamin ako. Kahit parang mamatay ako noon sa kaba, umamin ako. Kaso hindi niya ako gusto. Ilang beses niyang sinabi sa akin na hindi niya ako gusto. Kanina lang muli ko na namang narinig iyon kaya walang dahilan para ipilit ko iyong nararamdaman ko. Marunong naman akong lumugar. Kapag ayaw sa akin, okay. Fine. Ayaw kong magmukhang desperada kaya hinding-hindi ako maghahabol. “Hindi naman po ako maldita at wala rin akong gusto kahit kanino. Saka dalawa na po ang anak ko, wala na akong panahon para sa mga love life na iyan. Mga anak ko na ang priority ko,” saad ko kay Nanay at saka nagsimulang kumain. “Mabuti kung ganoon,” simpleng sagot niya at tumayo na. “Sige, matutulog na ako,” paalam niya at iniwan na akong mag-isang kumakain. Napangiti ako nang mapait nang mapag-isa na ako. Mas pinili kong pumunta sa kaniya kaysa makasabay ang mga anak ko sa hapunan. Hindi na mauulit iyon. Nagsisisi ako na pumunta pa ako. Matapos nang mga nangyari ngayon, mas kailangan kong panindigan na wala na akong gusto sa kaniya. Na wala akong pakialam. May mga anak na ako at sa kanila ko na dapat ituon ang atensyon ko. Walang dahilan para umasa pa ako sa wala. LONDON I followed the taxi she was riding in until they reached the subdivision before I decided to go to Ate Cindy’s place. I just wanted to make sure she got home safely. She didn’t want me to drive her, so I had no choice but to follow her instead. It doesn’t mean anything else. It was just my way of saying thank you by making sure she was safe. Napahawak ako sa labi ko at hindi ko maiwasang mapangisi habang nagmamaneho ako. Naalala ko ang mukha ni Bella kanina. Halatang asar na asar siya, hindi ko alam pero ang cute niyang tingnan kapag nanlilisik na iyong mga mata niya at uusok na ang mga ilong niya. Kaya madalas ay sinasadya kong asarin siya dahil palagi siyang pikon. Saka para makaganti rin ako sa kaniya dahil sa pangti-trip niya sa akin dati na hinding-hindi ko makakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD