Kabanata 18

1829 Words
BELLA Nilakihan ko ang mga ngiti ko nang magtama ang mga mata namin ni London. Mukhang confused pa siya ng makita ako. Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap kaya mabilis akong lumapit sa pwesto nila. Naupo ako sa tabi niya, bahagya ko pa siyang tinulak nang tagilirang pang-upo ko para umisod. Saka ako humawak sa braso niya. Nagtatakang tumingin naman siya sa akin. Hindi siya nagsasalita pero kita ko ang gulat sa mga mata niya. Habang ako naman ay matamis na nakatingin sa kaniya pero sa likod ng mga ngiti ko, parang gusto ko siyang batukan sa hindi ko alam na dahilan. “Honeybunch, why are you here? Akala ko pa naman busy ka sa work kaya hindi mo sinasagot ang tawag,” kunwari ay nagtatampong saad ko bago ako tumingin sa babaeng kasama niya. Mas yumakap ako sa braso ni London habang nakangiti na ngayon sa babaeng mukhang gulat na gulat din. Pinisil-pisil ko pa ang bicep niya. May muscles. Mukha namang naiirita siya sa ginawa ko pero wala siyang magawa kaya mas napangisi ako. “Who is she?” tanong ko kay London pero nasa babae ang tingin ko. Maganda ang babaeng kasama niya. Matangkad, makinis din ang sobrang putting balat. Masyado lang itong payat at halatang maarte base sa hitsura at tinging binabato niya sa akin ngayon. “You, who are you? Why are you hugging London?” tanong ng babae habang salubong na ang mga kilay nito at tila ba napipikon siya sa ginawa ko. Kulang na lang kasi ay maging sawa ako habang nakayakap sa braso ni London. “I am Bella, his girlfriend,” proud na sagot ko at in-extend ko ang kamay ko sa babaeng kaharap ko ngayon para makipagkamay pero tiningnan lang niya ang kamay ko at umirap sa akin kaya nakangiting binawi ko iyon. Parang muntik pa akong mabulunan dahil sa sinabi ko. Mabuti na lang sanay na akong umarte kaya hindi halatang kinakabahan ako ngayon. “London, is it true? Girlfriend mo ang babaeng iyan?” asar na tanong nito kay London at tinuro pa ako. Para bang hindi siya makapaniwala na girlfriend ako ni London. Iyong tingin niya, parang minamaliit ako kaya tinaas ko ang isang kilay ko. Tumingin sa akin si London kaya binigyan ko siya ng pinakamatamis pero pinapeke kong ngiti. Huwag niyang subukang itanggi, nandito lang ako para tulungan siya. Hindi ko rin gusto ang ginagawa ko kaya huwag na siyang maarte. Pinakiusapan lang ako ni Ate Cindy. “Yes… I told you, may girlfriend na ako. It’s her, my sugarplum,” sagot ni London at hinawakan ang baba ko bago marahan niyang pinisil. Nakangiti siya pero dahil kilala ko na siya alam kong napipilitan lang siya. Ngunit hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Sugarplum. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang endearment na iyon, kasi iyong akin, iyon lang unang pumasok sa isip ko kanina kaya iyon ang naisigaw ko. Ang corny masyado ng naisip niyang itawag sa akin. Kinikilabutan ako. Ngumuso ako kay London na parang hinahalikan siya sa hangin para mas magmukha kaming sweet sa harap ng babaeng kausap niya. Gusto kong mandiri sa ginagawa ko pero arte lang naman ito kaya ginagalingan ko. “Is this a joke?” hindi makapaniwalang saad ng babae. “I am more beautiful than her, why you chose her?” Umayos ako ng upo. More beautiful daw, hindi ako papayag. Bumitaw din ako sa pagkakalingkis ko sa braso ni London. Pero muli akong napatingin kay London nang hawakan niya ang kamay ko at i-lock ang mga daliri namin saka niya ipinatong sa ibabaw ng table para mas makita ng babaeng kaharap namin na hindi ko pa rin alam ang pangalan. Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang pagpapawisan ang kamay ko pero pinilit kong magmukhang kalmado kahit parang may nagwawala sa tiyan ko. Pero pinilit kong maging kalmado at mayabang na ngumiti sa babaeng kaharap namin. “Bakit hindi? London loves me, so stay away from my boyfriend. Medyo selosa kasi ako, ayaw na ayaw kong may kahati ako,” palabang sagot ko. “It’s true, Eliza. Selosa ang sugarplum ko kaya please, stop calling me. I am sorry kung umasa ka, pero isang babae lang ang gusto ko at si Bella iyon,” saad naman ni London at tumingin sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae sa mundo kaya hindi mapigilang mapalunok. Parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko sa mga titig niya. Mabuti na lang at nakaupo ako kaya hindi ako matutumba. Masuyong nilagay pa niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko habang nakatitig pa rin sa akin. “Don’t be jealous, sugarplum. Ikaw lang ang babaeng gusto ko,” aniya pa at tinaas ang kamay naming magkahugpong at hinalikan ang likod ng kamay ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at tumingin kay Eliza. Eliza pala ang pangalan niya. Ngumiti ako rito at nagdadabog naman itong tumayo. “You are not really my type. Magsama kayong dalawa,” galit na saad nito bago nagmamadaling umalis. Mabilis namang binitawan ni London ang kamay ko at parang nandidiring lumayo sa akin. Mabilis siyang lumipat ng bangko. Naupo siya sa kinauupuan ni Eliza. I rolled my eyes. Muli akong bumalik sa realidad. Muntik na akong madala sa drama niya. “Why are you here? Bakit ikaw ang narito? Nasaan si Ate Cindy?” tanong niya sa akin at kumuha pa siya ng tissue para pahiran ang kamay niyang nakahawak sa akin kanina. “Namamawis kamay mo, pasmado ka ba?” Muli akong umirap sa kaniya. “Hindi ko rin namang gustong pumarito. Nakiusap lang sa akin si Ate Cindy. Sa tingin mo ba talaga, gusto ko ang ginawa ko?” sagot ko pabalik sa kaniya. “Hindi mo gusto pero makapisil ka kanina sa muscle ko parang pinagnanasaan mo ako,” patutsada niya. “Muscles? Duh? Ginawa ko lang iyon para mas magmukhang kapani-paniwala sa harap noong ka-date mo na jowa mo talaga ako. Hinding-hindi kita pagnanasaan, huwag kang mag-alala,” may riing sagot ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin. “Talaga ba? Akala ko kasi nagseselos ka talaga? Well, hindi naman kita masisisi kung gusto mo pa rin ako hanggang ngayon. Marami talagang nagkakandarapa sa akin, sanay na ako,” mayabang na saad niya. Parang gusto kong lamukusin ang mukha niya. Nakakainis talaga kapag nagsalita na siya. Puro na lang kayabangan. Masyadong bilib sa sarili, sobra-sobra ang hangin. Binigyan ko siya ng sarcastic na ngiti. “Pwes, ibahin mo ko. Hindi ako kasama sa mga babaeng nagkakandarapa sa iyo. Yes, gusto kita dati, nagtapat pa nga ako, pero dati iyon. Noong immature pa ako. Pero ngayon?” Mas nilakihan ko ang ngiti ko pero sa totoo lang asar na asar na ako. “Kahit ikaw na ang huling lalaki sa mundo, hindi kita magugustuhan.” Nawala ang ngisi sa mga labi niya, pero agad din iyong bumalik. “Same here. Kahit ikaw na ang huling babae sa mundo, hindi ako papatol sa iyo. You are not my type.” Nanatili lang ako nakatingin sa kaniya. Walang reaksyon sa mukha ko, pero nasasaktan ako sa sinabi niya. Alam ko naman na iyon. Matagal ko nang alam, pero palagi na lang niyang pinamumukha sa akin. “Thanks for helping me, pero sa susunod, kahit makiusap pa si Ate Cindy, don’t come. Ayokong magkautang na loob sa iyo. Hindi naman tayo close and we don’t like each other kaya walang dahilan para tulungan mo ako,” malamig na saad niya. “Okay,” simpleng sagot ko. “Give me your bank account,” malamig niyang utos, parang may binabayarang serbisyo. Napakunot ang noo ko. “Bakit?” “I’ll pay you for your little act today.” May bahid ng pang-iinsulto ang boses niya. Napailing ako, ramdam ang pag-init ng dugo ko. “You don’t have to pay me. Hindi ako kasing yaman mo, pero hindi ko kailangan ng pera mo.” Muli akong tumingin sa kaniya. Diretso at walang ngiti. Nagsisisi ako bigla na pinuntahan ko pa siya. Dapat hinayaan ko na lang siyang kulitin ni Eliza. “Then tell me, what do you want? Ayokong magkautang na loob sa iyo kaya gusto ko sanang bayaran ang serbisyo mo. Kaya kung ayaw mo ng pera. Anong gusto mo?” Tuluyan na akong napatayo sa kinauupuan ko. Naiinsulto akong masyado sa sinasabi niya. “Nothing. I want nothing from you,” malamig na sagot ko. “Don’t worry iyon na ang una at huling beses. Kapag nagkita ulit tayong dalawa, kahit sino pa ang ka-date mo na gusto mong lumayo sa iyo at kahit alam kong gusto mo ng tulong. Hindi ako makikialam. Let’s ignore each other na para bang hindi natin nakikita ang isa’t isa,” may pait na wika ko. Hindi siya marunong mag-thank you. Simpleng thank you, okay na pero gusto pa akong bayaran na para bang mukha akong pera. Lalampasan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napahinto ako. “Why are you mad?” Nakaupo pa rin siya. “Hindi ako galit. Wala naman dahilan para magalit ako.” Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero ayaw niya akong pakawalan. “Then sit and eat.” Tumingin ako sa table. May mga pagkain doon, pero wala akong balak na kumain. Baka hindi ko malunok ang kakainin ko. “No thanks.” Bigla siyang tumayo kaya napaharap ako sa kaniya. Hindi pa rin niya binibitawan ang pulso ko. “If you don’t want me to pay you, you also don’t want to eat… at least let me send you home.” Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kaniya. Pinakawalan naman niya ako. “Hindi na kailangan. Kaya kong umuwing mag-isa. Tapos na ang role ko rito kaya uuwi na ako,” taas noong sagot ko at mabilis nang tumalikod. Hindi ko mapigilang mapasimangot habang papalabas ng restaurant. Nakakainis talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon si London. Sobrang bait naman niya sa iba, kaya nga minsan alam ko ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang tumanggi sa mga babaeng lumalapit sa kaniya, dahil nagpapaka-gentleman siya, pero pagdating sa akin, talagang lantaran niyang pinapamukha palagi na hindi niya ako gusto. Kaya kapag nalaman niyang may anak na kami, siguradong magagalit siya at baka hindi niya matanggap ang mga bata kaya natatakot ako. Ayaw kong masaktan ang mga anak ko kapag nalaman nilang hindi masaya ang ama nila na nag-e-exist sila. Huminga ako ng malalim nang makalabas na ako ng restaurant pero nagulat pa ako nang biglang may bumangga sa balikat ko kaya napalingon ako. “I am sorry, hindi kasi kita nakita,” sarcastic na saad ni London at nilampasan ako na para bang wala lang. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Asar na sinuklay ko ng daliri ko ang buhok ko at sumipa sa ere. Hinding-hindi ko na talaga siya tutulungan sa susunod kahit magmakaawa pa sa akin si Ate Cindy. Bwesit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD