Kabanata 9

1206 Words
BELLA’S POV Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang mukha ni London. Salubong ang mga kilay niya pero mas kumunot ang kilay niya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Napalunok ako at mabilis na tumawid ng kalsada. Kulang na lang ay tumakbo ako para mabilis akong makalayo mula sa kaniya. Mabilis akong lumiko at talagang hindi talaga ako lumingon pang muli. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Nang masigurado kong malayo na ako ay saka lamang ako huminto. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang daming taong pwedeng driver ng sasakyan pero bakit si London pa? Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Tuwid na tuwid na ang buhok ko na hanggang balikat. Hindi naman siguro niya ako nakilala, hindi ba? Almost three years na kaming hindi nagkikita, hindi na kulot ang buhok ko. Kaya maaring hindi niya ako nakilala. Pero hindi pa rin ako sigurado at kung sakali man na nakilala niya ako, sigurado akong wala naman siyang pakialam sa akin. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi pwedeng palagi akong kinakabahan kapag nakikita ko siya. Alam kong magkikita at magkikita kaming dalawa dahil close ako sa pamilya niya. Pinapapunta nga ako ng ina niya sa kanila. Kaya dapat masanay na ako, hindi pwedeng magpa-panic ako sa tuwing magkikita kami. Mabilis na akong pumara ng taxi para pumunta sa commercial building na balak kong rentahan para sa magiging boutique ko. Bumaba ako sa tapat ng isang tatlong palapag na building. Malaki ang building at may tatlong space iyon sa ibaba, ang pinakamalaking space ang kukunin ko na nasa left side. Nail spa ang magiging katabi ko na nasa gitna at coffee shop naman ang nasa dulo na. Marami ring establishment sa paligid kaya sigurado akong maraming tao ang daraan at maaaring maging customers ko kung sakali. Humakbang ako papasok sa bakanteng space na kukunin ko. Nakita ko lang ito online at nakausap ko na ang mismong may-ari. Pumarito ako ngayon para makita ang lugar at upang formal na makausap ang may-ari ng building. “Hi, Miss Bella Antonio?” nakangiting bati sa akin ng isang babaeng sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. “I am Yvette Castro, the owner of this building,” pagpapakilala niya at inilahad ang kamay upang makipag-handshake, tinanggap ko naman iyon. Mukhang magka-edad lang kaming dalawa pero halatang anak mayaman siya. Iyong bag na gamit pa lang niya alam kong hindi na biro ang halaga noon. Pumasok kaming dalawa sa loob upang makita ko ang buong lugar. “This place is good space for your boutique, spacious and very accessible to all ang lugar,” saad niya. May kasama siyang isang babaeng sa tingin ko ay assistant niya na nakasunod lang sa kaniya. “Kapag decided ka na, we can sign the lease contract.” Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Maganda naman ang lugar at location kaya walang dahilan para maghanap pa ako ng iba. Hindi ko pa afford ang magpatayo ng sarili kong space dahil lupa pa lang, hindi na biro ang halaga kaya magre-rent na lang muna ako. “Okay, I will rent.” “That’s good,” nakangiting saad ni Miss Yvette. “I will talk to my attorney right away, and then if you are available tomorrow, we can sign the contract.” “Sure,” mabilis na sagot ko sa kaniya. Mukhang suplada si Miss Yvette sa unang tingin pero mabait naman siya at maayos na kausap kaya mabilis kaming nagkasundong dalawa. Maging sa rent ay hindi sobrang mahal, hindi gaya ng commercial building na unang pinag-inquire-ran ko. Matapos naming mag-usap na dalawa ay naglakad-lakad muna ako para alamin kung ano-ano ang mga negosyong nakatayo sa paligid at ang mga possible competitors ko. Hanggang sa mapatingin ako sa isang billboard. Pinakatitigan ko ang magandang mukha ng babaeng nandoon. Si Bonna. Naging Miss University siya ng eskwelahang pinasukan ko noong kolehiyo ako. Sikat na sikat na siya noon pa, kaya nga hindi na ako nagulat noong nalaman ko na naging sila ni London. Hindi ko alam kung paano naging sila, magkaiba kasi kami ng university na pinapasukan, kaya nagulat na lang ako noong malaman ko na sila na. Ang ganda niya. Ganiyan ang mga tipo ni London. Mga beauty queen. Malayo sa akin na— Mabilis kong pinilig ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad. Walang dahilan para ikumpara ko ang sarili ko sa kaniya. Huminto ako para mag-abang ng masasakyan. Kailangan ko nang bumalik sa school ni Ben para sunduin siya. Eleven-thirty ang out ng anak ko, fifteen minutes before eleven na. Magbabyahe pa ako. Mas mabuting ako ang maghintay sa uwian niya kaysa siya ang maghintay sa akin. Pero napatingin ako sa katapat na restaurant kung saan ako nakatayo. Glass ang wall kaya kita ko ang nasa loob. Hindi ko alam kung ano ang meron sa araw na ito para makita ko siyang muli. May kausap siya kaya hindi naman niya ako mapapansin. Isa pa, nasa kabilang side ako ng kalsada kaya hindi agad niya ako makikita kapag tumingin siya sa labas dahil may mga dumadaan din naman na sasakyan kaya nawawala siya sa view ko. Nang umunti ang mga sasakyang dumaraan ay muli akong tumingin sa pwesto niya pero wala na siya roon. Nanatili naman ako sa pwesto ko. Wala pa ring dumaraang taxi para masakyan ko. Kaya nagsimula akong maglakad para mag-jeep na lang. Dalawang sakay nga lang ang gagawin ko at medyo matagal dahil patigil-tigil pa iyon para magbaba at magsakay ng pasahero. Humawak ako sa strap ng shoulder bag na dala ko at nagsimula na akong maglakad habang nakatingin sa phone ko pero napahinto ako nang tumama ang noo ko sa kung anong bagay. Bahagya akong napaatras at tumingin sa nabangga ko pero bigla akong nanigas nang makita ko kung sino iyon. Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang sasabog ang dibdib ko. Habang siya naman ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa harapan ko gayong nasa loob siya ng restaurant kanina. Nakita niya ako? O nagkataon lang na nabangga ko siya ngayon? “So, tama ako. Ikaw nga iyong nakita ko kanina, pero daig mo pa ang nakakita ng multo at ang bilis mong lumayo,” wika niya na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. “Hi?” itinaas ko ang isang kamay ko at nag-wave pa ng tipid sa kaniya habang pilit na nakangiti. Muling tumaas ang kilay niya. “Hindi ka hiyang sa Thailand, pumangit ka.” Nalaglag ang mga panga ko sa sinabi niya at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Kung kanina mabilis ang t***k ng puso ko. Ngayon pakiramdam ko umuusok naman ang ilong ko dahil sa sinabi niya. Author's note: I have another new story po na baka gusto ninyong basahin. Kung gusto ninyo ng Romance comedy, try n'yo po ang The Superstar's Dangerous Wife. Series 5 po siya ng Captivated Series. Or kung gusto gusto po ninyo mabasa ang story ng parents ni London at ang Kwento ni Samuel, completed na po. Hot Nights with My Ex-Husband po ang title, nakarugtong po doon ang kay Samuel, Two Broken Souls po ang title. Salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD