BELLA’S POV
“Pa-pangit? Ako?” Tinuro ko pa ang sarili ko habang asar na nakatingin kay London.
Ngumisi naman siya sa akin kaya mas nainis ako.
Wala man lang kumusta kahit plastic na pagbati. Panglalait na agad ang binungad niya.
“Excuse me, hindi ako pangit,” naniningkit ang mga matang saad ko.
“Hindi bagay sa iyo ang buhok mo. Ang pangit,” ulit pa niya.
Sobrang casual ng pagkakasabi niya noon na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko at para bang sobrang close naming dalawa para sabihin niya iyon sa akin.
Napahawak ako sa buhok na tuwid na tuwid na ngayon dahil pina-rebond ko na iyon. Dati inaasar niya ako dahil kulot ang buhok ko pero ngayong straight na ang buhok, mas lumala pa ang sinasabi niya.
“Mas pangit ka!” ganti ko. “Kapre.”
Matangkad kasi siya, siguro nasa six feet siya habang ako ay 5’2 lang kaya kailangan ko pang tumingala habang kausap siya.
Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa. Bahagya naman akong napaatras. Ngumisi siya ng malaki habang nakatitig sa mukha ko.
Sumimangot ako. Mas gusto ko pa talaga kapag nakatingin lang ako sa malayo at hindi ko siya kausap. Mas naa- appreciate ko ang gwapong mukha niya. Kapag magkaharap kasi siya nakangisi siya sa akin na para bang nang-aasar kaya nabu-bwesit ako.
“Wala ka bang pasalubong sa akin?”
Tumaas ang isang kilay ko bago unti-unting sumilay ang sarkastikong ngiti sa mga labi ko.
“Bakit naman kita pasasalubungan? Sino ka ba?”
“Ex-cru—”
“Excuse me, nagmamadali nga pala ako,” putol ko sa sasabihin niya at mabilis ko na siyang iniwan. Nagmamadali kong pinara ang nakita kong paparating na taxi.
Pero bago pa ako nakasakay ay nahawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako.
“I have a car. Pwede kitang i—”
“No thanks,” mabilis na sagot ko at nagmamadaling sumakay ng taxi.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makasakay na ako. Bumuga ako ng hangin at pinigilan ko ang sarili ko na huwag lingunin si London.
Kinagat ko ang labi ko habang pinipigilan kong kiligin. Agad kong binatukan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit para akong tanga kapag si London ang usapan. Kahit matagal ko na siyang crush, kahit na naaasar ako kapag nakikita ko siya hindi ko pa rin mapigilang kiligin.
Hindi ko lang inaasahan na lalapitan niya ako. Pero ganoon naman siya, hindi talaga siya suplado kahit na kanino. Siya iyong mayaman na pinapansin niya lahat. Kaya nga ang dami niyang kaibigan, lalo na mga babae. Naasar lang ako kapag ako ang pinapansin niya dahil mga pang-aasar lang naman ang sinasabi niya. Para bang tuwang-tuwa siya kapag nagagalit ako.
Tatlong taon din kaming hindi nagkita, pero kung makabati siya sa akin kanina at kung kausapin niya ako, para bang gaya pa rin noong high school kami. Habang ako, kinakabahan pa.
Hangga’t wala siyang alam, wala akong dapat ikabahala. Kailangan ko lang umakto ng normal sa harapan niya.
LONDON’S POV
Mabilis na nawala ang ngisi ko nang makasakay na sa taxi si Bella. Sinundan ko ng tingin ang taxing sinasakyan niya.
She’s really back.
Kaso pumangit talaga siya. Hindi bagay sa kaniya ang buhok niya. Hindi na siya si Kulot.
Akala ko ay namamalikmata lang ako kanina noong makita kong siya ang babaeng muntik ko nang mabangga dahil patanga-tangang tumawid. Kulot ang Bella na kilala ko kaya akala ko hindi siya iyon. Pero nang makita ko siyang nakatayo sa tabi ng kalsada kanina mula sa coffee shop na kinaroroonan ko, sigurado na akong si Bella nga ang nakita ko.
Hindi sana ako lalapit sa kaniya. Pero hindi ko namalayang tumawid na ako at sinadya kong humarang sa daraanan niya para mabangga niya ako lalo na at hindi siya nakatingin sa daan. Hindi ko alam, parang may sariling isip ang mga paa ko.
She’s still the same. Buhok lang niya ang nagbago pero asar talo pa rin siya.
Humawak ako sa panga ko. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako.
Marahas akong napailing. Walang dahilan para matuwa ako. Lumapit lang ako kanina para masiguro kung tama nga bang siya ang nakita ko. Naniguro lang ako, walang ibang ibig sabihin iyon.
Isa pa, magkababata kami. Wala naman sigurong masama kung lapitan ko siya.
Humakbang na ako para bumalik sa coffee shop na kinaroroon ko kanina. Nasa kabilang side ang kotse ko kaya kailangan ko pang bumalik doon.
Sumakay na ako sa kotse ko para bumalik sa opisina ko. May ka-meeting lang ako kanina kaya lumabas ako.
Pagdating ko ay agad akong sinalubong ng secretary.
“Sir, Mr. President is looking for you. He is waiting inside your office,” pagbibigay niya ng alam kaya agad akong tumango sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang kailangn ni Dad. Mulan ang hayaan niya akong mag-manage ng Hotel two years ago ay madalang na siyang pumarito. Ang kapatid kong si Louise na ang naging katulong ko sa pagpapatakbo ng Hotel dahil abala na siya sa Haxell Corp.
Naabutan ko si Dad na nakaupo sa mismong swivel chair ko at hawak ang mini calendar ko.
Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman niya ang presensya ko.
“What brought you here? May problema ba?” tanong niya sa akin.
“Your mother wants me to find a suitable girl for you. Mukhang may pumunta na naman sa bahay para hanapin ko. She said she had enough with those girls coming to our house,” saad nito at ngumisi sa akin.
Pabagsak na naupo ako sa couch na nasa harap ng table ko. Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na huwag na huwag pupunta sa bahay lalo na at wala naman kaming relasyon ng mga babaeng nakasama ko pero meron pa rin talagang makukulit. Ang problema lang si Mommy ang madalas na nakakaharap nila kaya hindi sila nakakalusot o nakakapasok sa bahay. Iyong iba naman, hindi ko talaga kilala, nakasama ko lang sa party pero feeling girlfriend ko na.
Ang hirap talagang maging pogi.
“And you already find someone suitable for me?” sarcastic na tanong ko sa kaniya.
Umiling siya.
“No. No matter how I think that someone will suitable for you, the decision is still yours. Wala akong pakialam kahit gaano pa karaming babae ang i-date mo. Basta, siguraduhin mo lang wala kang magiging bastardo. Ayaw kong ma-stress ang mommy mo. Alam mo naman iyon, kapag nagalit sa inyong magkakapatid, damay ako.”
Natawa ako sa sinabi ni Dad. Kapag pinapagalitan talaga kami ni Mommy, madalas kahit nanahimik siya, nadadamay pa rin siya sa galit ng ina ko.
“Don’t worry about me, Dad. Masipag akong gumamit ng condom kaya wala pa kayong apo sa akin. About having a girlfriend, hindi ko pa siya nakikita. You know… the girl that can make me kneel,” nakangising saad ko.
Ngumisi pabalik sa akin si Daddy.
“How about your uncle? He is too busy na kung hindi pa tatawagan ay hindi uuwi ng bahay, pero nitong mga nakaraan. Hindi ko na talaga siya makita. Trabaho pa ba talaga ang pinagkakaabalahan niya o babae na?”
Hindi na siya nasanay kay Kuya Sam. Ganoon naman iyon palagi.
Pero may naalala ako.
Pinatong ko ang isang braso ko sa table at humarap kay Daddy. Sumenyas ako sa kaniya na lumapit siya. Bahagya naman siyang nag-lean at nilapit sa akin ang mukha niya.
“I think he is dating someone,” pabulong na saad ko kahit wala namang ibang makakarinig sa usapan namin.
“Sino si Cindy?” kunot-noong tanong ni Daddy.
“Dad, alam mong hindi sila magkasundo ni Cindy. Paanong magde-date sila,” naiiling na saad ko. “Basta alam ko, meron. Hindi ko pa lang alam kung sino.”
Humawak ako sa baba ko para isipin kung sino ang posibleng babaeng dine-date ni Kuya Samuel.
Tumawa si Daddy kaya napatingin ako sa kaniya.
“You don’t know anything. Parang kayo lang ni Bella, hindi kayo close pero hindi ibig sabihin imposibleng maging kayo.”
“Anong hindi imposible? Dad, ako at si Bella ang pinaka-imposibleng mangyari,” mabilis kong sagot sabay sandig sa kinauupuan ko. “Dad, she’s not my type. Siya iyong babaeng kahit maghubad sa harap ko, hindi ako tatayuan.”
Siguro kapag pinakasal ako kay Bella, hindi kami magkakaanak dahil malabong may mangyari sa amin.
Bigla akong pinalo ni Dad sa ulo gamit ang mini calendar na kanina pa niya hawak. Napahawak ako sa ulo ko habang masama ang tingin ko sa kanya.
Tumayo na siya.
“I’ll go ahead.” Pero bigla siyang huminto at muling tumingin sa akin. “Be good, kung ayaw mong ang ina mo ang humanap ng mapapangasawa mo na kahit hindi ka tayuan sa magiging asawa mo, wala kang magagawa.”
Nalukot ang mukha ko sa sinabi ng ama ko. Alam kong malapit nang mapuno si Mommy sa akin dahil sa babaeng sumusugod sa bahay namin kaya baka nga magkatotoo ang sinabi ni Daddy.
“Bakiy hindi na lang si Kuya Samuel ang hanapan niya?” tanong ko pa.
“Matino ang Tito mo kaya tiwala ang mommy mo sa babaeng mapipili niya,” sagot ni Daddy bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
Na para bang sinasabi niya na walang tiwala si Mommy sa akin.
Tumayo at naupo sa swivel chair ko kung saan nakaupo kanina ang ama ko. Pinikit ko ang mga mata ko pero agad din akong napamulat dahil biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng madalas kong mapanaginipan pero hindi ko naman makita ang mukha niya.
Tumingin ako sa pagitan ng mga hita ko at napamura ako sa hangin nang makita ko ang umbok doon.
Kung nag-e-exist lang sana ang babaeng nasa panaginip ko. Kahit siya ang ipakasal sa akin ni Mommy, hindi ako tatanggi. At least sa kaniya, siguradong tatayuan ako. Kaso hindi siya totoo. Nasa panaginip ko lang siya.