Kabanata 11

1404 Words
BELLA Mabuti na lang at nang dumating ako sa school ay saktong naglalabasan pa lang sina Ben kaya hindi na siya naghintay sa akin. Muntik na akong ma-late magsundo sa kaniya dahil kay London na bigla na lang sumulpot sa harapan ko para lang sirain ang araw ko. “Mama,” agad na bati sa akin ng anak ko. “Let’s go,” saad ko at nilahad ko ang kamay ko sa kaniya bago kami sabay na naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Agad rin naman kaming nakasakay. “Mama, daan po tayo sa bakery. Bibilihan ko ng cookies si Gray kasi promise ko kanina, papasalubungan ko siya,” wika ni Ben habang nakasakay kami sa tricycle. Napangiti ako at hinaplos ang buhok ng anak ko. Hindi talaga niya nakalimutan ang pangako niya sa kapatid niya bago siya pumasok kanina. “Pero marami pa namang pagkain sa bahay.” “Isa lang po, kasi nag-promise ako sa kaniya. Sabi po ni Daddy Sam, dapat daw po hindi nagbi-break ng promise kasi bad daw po iyon.” “Sige na, bibili na tayo,” pagpayag ko. Hindi na ako makakatanggi dahil ni-lecturan na niya ako. Kaya nang tumapat kami sa bakery na nasa tabi lang ng gate papasok sa subdivision kung saan kami nakatira ay pumara na ako. Mabilis namang bumaba ang anak ko at talagang dire-direts na siyang pumasok sa loob na para bang sanay na sanay na siya. “Hello, Ben,” bati sa kaniya ng isang staff nang pumasok kami sa loob ng bakery shop. “Hello, Ate Tina. Isang cookies nga po,” saad ng anak ko at tinuro ang cookies na nasa estante. Medyo malaki ang size noon. “Himala, cookies ang binibili mo ngayon? Akala ko ba Malunggay Pandesal paborito mo?” casual na pakikipag-usap pa ng staff kay Ben. Mukhang close na sila ng anak ko. “Yes, pero para po iyan sa baby brother ko. Pasalubong ko sa kaniya,” proud na sagot ng anak ko. Napangiti ang babae sa sinabi ni Ben at tumingin sa akin. Binayaran ko cookies. “Thank you po,” saad pa ng anak ko bago kami tuluyang lumabas. Medyo mainit kaya kinuha ko ang payong sa bag ko. Mabuti na lang at may baon akong payong. Binuksan ko iyon bago ko hinawakan ang kamay ni Ben at pumasok kami sa gate ng subdivision. Nakangiting tiningnan pa niya ang dalang brown paper bag kung saan nakalagay ang cookies na binili niya. “Mama, papasalubungan ko palagi si Gray,” biglang saad ni Ben habang naglalakad kami kaya napatingin ako sa kaniya. “Kasi wala naman kaming papa na magpapasalubong sa kaniya. Kaya ako na lang muna kasi ako naman ang Kuya niya.” Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko sa sinabi ng anak ko. Bahagya akong tumingala. Kapag nababanggit ni Ben ang tungkol sa papa niya. Kinakain ako ng guilt ko. Alam kong pinagkakait ko sa kanila ang magkaroon ng isang ama pero paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon sa paraang mauunawaan nila? “Pwede namang ako ang magpasalubong sa inyo. Nandito naman lagi si Mama,” saad ko at humigpit ang hawak ko sa maliit na kamay niya. Tumingala at ngumiti siya sa akin. “Opo, pero big guy na po ako kaya tutulungan ko na kayo. Kapag lumaki na ako, ako na magtatrabaho para sa inyo tapos magtatayo ako ng maraming-maraming business para yumaman tayo,” puno ng pangarap na saad niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinasabi ng anak ko. Ang bata pa niya pero parang ang dami na niyang pangarap para sa amin. Huminto kami sa tapat ng maliit na gate ng bahay namin. Humarap ako sa kaniya at bahagya akong nag-squat para magkapantay kami. Ginulo ko ang buhok niya. “Basta, mag-aral ka lang munang mabuti. Ang gusto ni Mama, makapagtapos ka ng pag-aaral para matupad mo ang mga pangarap mo. Pero sa ngayon, enjoyin mom una lahat, kasi nandito lang si Mama palagi para sa inyo ni Gray,” wika ko habang masuyong nakatingin sa mukha ng panganay ko. Sunod-sunod siyang tumango sa akin habang may malaking ngiti sa labi niya. “I love you, Mama,” saad niya at niyakap ako. Tiniklop ko ang payong na hawak ko. Yumakap ako pabalik sa kaniya saka ko siya binuhat. “Mama, put me down. Malaki na po ako,” wika niya habang buhat-buhat ko siya habang papasok kami ng gate. “Malaki? Baby ka pa rin naman ni Mama.” “Mabigat na po ako.” Umilinga ko. “Hindi ka mabigat. Kaya ka pa ni Mama,” sagot ko sa kaniya kahit na nabibigatan na talaga ako. Ang bilis lang ng panahon. Ang laki na agad ng panganay ko. Kaya habang bata pa sila, gusto kong i-baby sila lalo na si Ben na ilang taong nawalay sa akin. Gusto kong bumawi sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Nang makapasok kami ng bahay ay binaba ko na rin siya at napakunot ang noo ko nang makita kong may batang nakaupo sa sofa. Medyo payat ito at parang sakitin. “Hello, Jared!” biglang bati ng anak ko at mabilis na lumapit dito nang maibaba ko siya. “Hello,” mahinang sagot ng bata at nahihiyang tumingin sa akin. “Jared, siya ang mama ko,” proud na pagpapakilala ni Ben sa akin. “Hindi na siya aalis. Saka may baby brother na rin ako. May pasalubong nga ako para sa kaniya.” Tinaas ng anak ko ang cookies na binili niya para ipakita. “Mama…” Nakita ko si Gray na tumatakbo papalapit sa akin mula sa kusina kaya agad ko siyang sinalubong at kinarga. Kasunod niya si Nanay na ngumiti ng makilala ako. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa ina ko at gamit ang mga mata ko ay tinuro ang batang nakaupo sa sofa namin. “Anak iyan ng pinsan mong si Sharon. Minsan, hinahabilin talaga niya si Jared dito kapag may trabaho siya at walang mapag-iwanan,” sagot ni Nanay. Si Sharon ay ang pinsan ko. Noong bata pa ako, iniwan ako sa kanila ng ina ko dahil nagtrabaho siya sa Maynila. Pero noong magkasakit ako ay kinuha na rin ako ni Nanay at sinama niya sa trabaho niya sa bahay ng mga Haxell. Hindi ko alam na may anak na pala si Sharon dahil wala naman na akong balita sa kaniya. Hindi rin naman kami close na dalawa. “Gray, may pasalubong ako!” saad ni Ben at pinakita ang dala niya. Pumalakpak naman si Gray at gustong bumaba kaya binaba ko. Lumapit siya sa kapatid niya. “Iisa lang ito kaya hati na lang kayo ni Jared,” rinig ko pang saad ni Ben. Saka niya kinuha ang cookies sa brown paper bag at siya na mismo ang naghati. Kinuha ko ang lunch bag ni Ben. Sumunod ako kay Nanay sa kusina nang bumalik siya doon. May mga plato na sa mesa pero wala pang mga pagkain kaya tinulungan ko siyang maghain. “Hindi n’yo nabanggit sa akin ang tungkol kay Sharon. May anak na pala siya,” wika ko habang nagsasandok ng kanin. “Nagulat din nga ako. Tapos nalaman ko, wala rin pala siyang asawa. Alam mo magpinsan nga kayo,” saad pa ni Nanay kaya umikot ang mga mata ko. “Bakit mayaman din ba nakabuntis sa kaniya?” Biglang napahinto si Nanay sa sinabi ko. Maging ako ay natigilan sa sinabi ko. Parang gusto kong kagatin ang dila ko dahil sa kadaldalan ko. “I mean, mayaman sa sperm,” pagbibiro ko nang makabawi kaya muntik na akong batukan ni Nanay kundi lang ako nakaiwas. “Kahit gaano pa kadami ang sperm ng lalaking iyon. Huwag na huwag ka na talagang uulit,” sermon niya sa akin. “Ayaw n’yo ba ng isa pang gwapong apo?” pagbibiro ko pa rin kay Nanay. Pinanlakihan ako ng mga mata ni nanay. “Gwapo ba talaga ang ama ng mga anak mo? Baka naman nabulag ka lang. Sige nga, iharap mo siya sa akin.” Hamon niya kaya napanguso na lang ako. Kapag hinarap sa kaniya ang ama ng mga anak ko baka hindi niya ako paniwalaan. “Paano kung kilala n’yo ang ama nila?” “Paano ko makikilala? Hindi mo naman pinapakilala sa akin?” balik-tanong niya. Hindi ako nakasagot sa kaniya. Pakiramdam ko talaga, magiging armalite ang bunganga ni Nanay kapag nalaman niya ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD