Kabanata5

1392 Words
BELLA Ngumiti sa akin si Kuya Samuel. Tipid lang iyon pero tila malalim na ang ibig sabihin noon. Binuka ko ang bibig ko pero muli ko iyong tinikom at tumingin sa ako na nakangiti sa akin. Napalunok ako upang alisin ang bara sa lalamunan ko. All this time, akala ko magaling ako magtago. Nakalimutan kong matalino nga pala siya. Maaring hindi siya nagtatanong sa akin noon, pero hindi ibig sabihin wala siyang alam. Tumingin ako sa pinto papunta sa kusina. Nandoon si Nanay, naghahanda siya nang meryenda namin at maaring hindi niya kami naririnig dahil rinig ko ang TV na nakabukas ngayon sa kusina. Maaring nanonood siya ng TV habang nagluluto. Ganoon kasi madalas ang ginagawa niya kaya may maliit na TV kami sa kusina. Nagluluto siya ng ginataang kamote, saging at langka na minatamis. “Ben, can you go to our room muna?” tanong ko sa anak ko. “Okay,” mabilis naman niyang sagot at bumaba sa kinauupuan niya. Ngumiti pa siya kay Kuya Sam bago tuluyan kaming iniwan. “Paano mo nalaman?” kinakabahang tanong ko kay Kuya Samuel. Alam kong kahit itanggi ko pa, hindi na siya maniniwala sa akin. Siya ang tipo ng tao na hindi magsasalita ng isang bagay kung hindi siya sigurado. “At first, I have no idea. I was even shocked when I visited your mother and saw him. Then Yaya Tess told me, he is yours.” Tumingin siya sa patungo sa kwarto ko kung nasaan ang anak ko. “Habang lumalaki ang anak mo, nagiging magkamukha sila. Hindi ako sigurado kung siya ba ang ama, hinuhuli lang kita. Pero ngayon confirm na, sigurado na ako.” Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko naisahan niya ako. Akala ko talaga alam na niya. Tinitigan niya ako. “Pwede bang huwag mo munang sabihin sa kaniya?” pakiusap ko. Hindi pa ako handa. Actually, hindi ko alam kung kailan ba ako magiging handang sabihin kay London ang totoo. Dahil ang plano ko dati, wala talaga akong balak na sabihin pero ngayong alam na ni Kuya Samuel, alam kong may iba na rin na maaring makaalam sa susunod. Lalo na at kahit si Kuya Samuel, sinasabi niyang kamukha ni Ben si London. Siyam na buwan kong dinala ang anak ko, tapos hindi man lang ako ang naging kamukha niya. Iyong buhok niya na medyo kulot lang yata ang nakuha niya sa akin. “Hindi kita pangungunahan, but you need to tell him about your son.” Bahagya siyang natawa. “Damn, Bella. I already have a grandson,” hindi makapaniwalang saad niya. Pamangkin niya si London kahit na ilang taon lang ang tanda niya rito kaya apo na nga talaga niya si Ben at Gray. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi pa niya alam ang tungkol kay Gray. Paano pa kapag nalaman niyang hindi lang isa, kundi dalawa na ang anak namin ng pamangkin niya? “Grandson?” sabay kaming napalingon ni Kuya Samuel kay Nanay na nasa pintuan ng kusina. Naka-apron pa ito at salubong ang kilay. Lumapit siya sa amin at tumingin kay Kuya Samuel. Parang anak na ni Nanay si Kuya Samuel dahil siya ang nag-alaga rito hanggang sa lumaki ito. “May apo ka na? Kanino kay London? Magkakaanak na si London?” sunod-sunod na tanong ni Nanay. “Bakit si London agad ang naisip ninyo? Pwede rin namang si Louise.” Umiling si Nanay. “Hindi, si Louise, halatang wala pa iyong balak mag-asawa, saka kilala mo kuya mo. Prinsesa noon mga pamangkin mo, pero si London, medyo maloko ang batang iyon. Saka nasa tamang edad na rin naman siya,” paliwanag ni Nanay. “Ikaw ba kailan mo balak mag-asawa? Wala ka pa rin bang balak?” “Ya, don’t worry about me. I will get there soon,” simpleng sagot ni Kuya Samuel. Gayong dati, kapag binibiro siya tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend, matigas na ayaw niya ang sagot niya. Keso ayaw niya ng sakit ng ulo at kung ano-ano pa ang dahilan niya. “Kung ganoon, si London ba? Magkakaanak na talaga?” pagbabalik ni Nanay sa usapan. Sumulyap sa akin si Kuya Samuel. Mukhang nag-iisip siya kung paano malulusutan ang tanong ni Nanay. “Mama…” Sabay-sabay kaming napalingon sa maliit na boses na tumawag sa akin at nakita ko si Gray na bagong gising habang nakahawak sa kamay ng kuya niya. Bumitaw si Gray kay Ben at tumakbo papalapit sa akin. Agad siyang yumakap sa binti ko kaya binuhat ko siya at kinalong ko sa hita ko. Habang si Ben naman ay lumapit sa tabi ko at naupo. Nakita ko si Kuya Sam na gulat na nakatingin sa amin. Bahagyang umawang ang mga labi niya habang pinagmamasdan ko bago napailing. “You have two kids?” Marahan akong tumango. Hindi makapaniwalang tumawa siya ng mahina. Saka siya tumingin sa mga mata ko. Napakagat labi na lang ako at sumulyap kay Nanay. “Two,” muling ulit niya at tumingin sa dalawang bata. Halatang gulat siya sa nalaman pero kalmado pa rin siya. Kahit halatang gulat na gulat siya, hindi siya gaya ng iba mag-react. “Kahit ako nagulat. Lalo na at uuwi siya ng bansa na may bitbit nang anak. Hindi man lang sinasabi sa akin na buntis siya gayong palagi naman kaming magkausap sa video call. Malalaki na ang mga apo ko kapag nalalaman ko,” saad ni Nanay. Hindi nagsalita si Kuya Samuel kaya hindi ko alam kung ano ang tinatakbo ng isip niya ngayon. Hindi ko mapigilang hindi kabahan. Baka ngayong nalaman niya na dalawa na ang anak ko, sabihin na niya kay London ang totoo. “Nay, pwedeng kayo muna ang magpakain ng meryenda kina Ben?” baling ko kay Nanay. “O, hala. Sige. Akina ang apo ko,” mabilis na tugon naman niya at kinuha sa akin si Gray. “Ben, halika, nagluto ako ng paborito mong minatamis.” “Yehey!” tuwang saad ng anak ko at mabilis na lumapit kay Nanay. “Sumunod din kayo para makapag-meryenda. Sam, may prinito rin akong kamote. Mahilig ka doon, hindi ba?” “Yes, Ya. Susunod din po kami. May pag-uusapan lang kami saglit ni Bella,” nakangiting tugon ni Kuya Samuel. Huminga ako ng malalim nang makapunta na sa kusina sina nanay. Rinig ko pa ang malakas na boses ni Ben habang kinakausap ang ina ko. “Wala akong planong makialam sa buhay mo, pero hindi ko mapigilan. Bella, hindi lang isa. Dalawang bata ang itinatago mo sa pamangkin ko,” mariing saad niya na para bang sigurado na siyang anak din ng pamangkin niya si Gray. “Paano mo nalamang iisa ang ama nila?” “Hindi ba?” Napayuko ako sa tanong niya. “How? Alam mo ba kung gaano siya kayabang sa tuwing sinasabi niya na hindi siya matataguan ng anak? He has no single idea about your sons, how come? Why you hide them?” “Kailangan pa ba niyang malaman? Hindi naman niya ako gusto?” sagot ko, alam kong mali ang ginawa ko, pero paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat? Alam kong sa lahat ng kakilala ko. Siya iyong tipong palaging walang pakialam sa issue ng iba, pero kung close kaming dalawa. Mas close sila ni London, he is not his nephew, but also his bestfriend. “Pero hindi ibig sabihin na ayaw na rin niya sa mga anak ninyo.” Natameme ako sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa akin, pero ramdam ko ang disappointment sa mga mata niya. “Pwede bang huwag mong sabihin sa kaniya ang totoo?” pakiusap ko. Tila bulong na lang ang pagkakasabi ko noon. Kay Kuya Samuel pa lang nahihirapan na ako magpaliwanag, paano pa kay London kung sakali? “And then, what will you do? Will you tell him?” Hindi ako muli nakasagot sa kaniya. Bigla siyang tumayo. “I have a reason. Kapag sinabi ko ba iyon, will you listen to me?” mahinang tanong ko sa kaniya. “I am always willing to listen, Bella.” Malungkot akong ngumiti sa kaniya. I know. I know he will listen, but I also know that no matter what my reason is, I am still selfish for hiding my sons from their father. Aware naman ako sa nagawa ko, pero palagi akong pinangungunahan ng takot ko. Kasalanan ko, gaga kasi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD