LONDON’S POV
“Hey!” agad akong umakbay kay KUya Samuel na nakaupo ngayon sa bar counter.
Nagulat pa ako na siya ang tumawag kanina at niyaya akong uminom gayong dati ay kailangan ko pa siyang kulitin para pumayag siya. Palagi siyang busy, mas pinili pa niyang magtayo ng start-up business kaysa sa pumasok sa Haxell Corporation. Kahit na sinabi ni Lolo na bibigyan niya ng posisyon si Kuya Samuel kung sa Haxell siya magtatrabaho.
“What’s up? Sino ang kailangan kong pasalamatan sa bigla mong pagyaya sa akin?” tanong ko at bumaling sa bartender. “Whiskey.”
Tumingin sa akin si Kuya Samuel habang may hawak siyang basong may lamang alak, agad naman akong ngumiti ng malaki sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti pabalik. Ewan ko ba tiyuhin kong ito, damot na damot ngumiti.
“Brokenhearted ka ba kaya bigla kang nagyayang uminom? Pero wala ka namang girlfriend. Ayaw mo nga pala sa babae kaya anong atin?” muling tanong ko sa kaniya.
Mula bata ay magkasama kami palagi. Sabay kaming lumaki at alam kong kahit isang babae, wala siyang nagustuhan. Hindi naman siya bakla pero ewan ko ba. Pakiramdam ko tatanda siyang binate. Sayang naman lahi niya. Hindi gaya ko, balang araw magpaparami ako ng lahi.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“May problema ba?” muling tanong ko.
Sanay na ako sa pagiging tahimik niya pero hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.
Inabot sa akin ng bartender ng whiskey na inorder ko kaya sumimsim ako ng alak.
“Paano kapag nalaman mong may anak ka na pala? Anong gagawin mo?” biglang tanong niya pero sa alak na hawak niya nakatingin.
Umiinom ako ng whiskey na hawak ko kaya muntik na akong mabulunan. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.
“Nakabuntis ka?” gulat na tanong ko.
Damn. Akala ko pa naman tatandang binata siya pero mukhang may puputol na sa sumpa niya.
Matalim na tumingin siya sa akin.
“Ikaw ang tinatanong ko.”
“Kaya nga, tinatanong mo ako,” naguguluhang sagot ko naman. “Nagtatanong ka kung ano ang magiging reaksyon ko dahil iniisip mo kung tama ba o mali ang naging reaksyon mo.”
Napailing siya habang nakangiti na para bang naasar siya. Tinapik-tapik ko siya sa balikat.
“Okay lang iyan, nasa tamang edad ka na rin naman. Sinong nabuntis mo?”
Asar na tumingin siya sa akin kaya nginisihan niya ako ng malaki.
“Hindi ako.”
“Kung hindi ikaw, sino?”
“May kakilala ako. Nakabuntis siya pero hindi niya alam.”
“Really?” hindi naniniwalang tanong ko sa kaniya. “Alam mo, okay lang naman aminin mo sa akin ang totoo na nakabuntis ka at may anak ka na. Huwag mon ang idahilan ang kakilala mo. Sigurado naman ako na hindi ka papagalitan ni Dad kung sakali. Baka masaya pa nga iyon para sa iyo.”
Iyong iba nga kapag nagtatanong ng ganoon, sinasabi pang kaibigan nila pero sarili pa ang tinutukoy. Kaya pwede naman niyang sabihin na siya ang may anak, hindi ang kakilala niya.
Diretsong ininom niya ang alak na muling binigay sa kaniya ng bartender.
“Wala akong nabuntis. Hindi pa siya buntis.”
Mas lalo akong napangisi sa sinabi niya. Ibig sabihin may balak siyang buntisin. Parang gusto ko tuloy magpa-party bigla para sa kaniya.
“May girlfriend ka na? Akala ko ba ayaw mo sa mga babae, dahil ayaw mo sa makulit at maarte. Best example mo pa nga ng ganoong ugali si Cindy, kaya hindi kayo close. So sino ang babaeng nakatibag sa iyo?” curious na tanong ko.
Kahit naman hindi na siya sa bahay nakatira at may sarili na siyang condo ay madalas pa rin kaming nagkikita. Hindi siya pala-kwento pero alam ko pa rin ang mga pinagkakaabalahan niya kaya wala akong ideya kung sino ang babaeng nakabihag sa pihikang puso ng Tito ko.
“I don’t know what are you talking about.” SUmeryoso ang mukha niya nang muli siyang tumingin sa akin kaya ngumisi ako sa kaniya. “What if nakabuntis ka ng hindi mo alam?”
Umiling ako.
“That’s impossible. Mura lang ang condom, sinisigurado kong lagi akong safe. Hindi naman sa ayaw kong magka-anak pero ayaw ko naman na puro panganay ang anak ko at iba-iba ang nanay. Syempre balang araw, gusto ko pa ring magkameron ng sarili kong pamilya. Kaso mukhang hindi ko pa nakikita ang the one ko, baka busy pa siyang kiligin sa ibang lalaki. Tangina, kung sino man lalaki ang gusto niya ngayon, mabulunan sana,” wika ko at mabilis na nilagok ang whiskey pero napaubo ako ng malakas nang mabulunan ako, muntik pang sa ilong ko lumabas ang alak.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa basong wala nang laman. Ang bilis naman ng karma ko, sa akin agad tumama ang sumpa ko.
Nakita kong ngumisi si Kuya Samuel na para bang natatawa sa akin.
“Paano kung nabutas iyong condom na binili mo?”
“You know that’s impossible.”
Tumango siya.
“What if did the deed while you were drunk?”
Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Nag-iinom ako, madalas, pero aminado akong kapag nasobrahan ako sa alak may mga pagkakataon na may mga bagay akong ginagawa na hindi ko matandaan kapag nagigising na ako kinabukasan kaya nga hindi ako nagpapakalasing ng lubusan. Pero madalas naman sa tuwing mangyayari iyon, wala namang babaeng nakahiga sa tabi ko at nakadamit pa rin ako.
“Kahit na, sa daming babaeng gustong ipaako sa akin ang mga anak nila. Napatunayan lahat na nagsisinungaling sila. Saka kung nabuntis ako, imposibleng hindi siya maghabol,” sagot ko sa kaniya.
“Paano kung wala siyang balak maghabol?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Teka nga lang? Bakit ba parang sinasabi mo na nakabuntis ako at may anak na ako? Kuya Sam, malabong mangyari iyon. Sinisiguro ko sa iyo, hinding-hindi ako matataguan ng anak. Hindi ako magagaya kay Daddy,” matatag na saad ko sa kaniya.
Well, hindi naman talaga nataguan ng anak si Dad. Dahil alam naman niya na pinagbubuntis ako ni Mommy noong umalis siya. Hindi lang siya sumunod para sa kaligtasan namin. Pero kahit na, sinisiguro ko na wala pa akong anak. Maingat ako. Mura lang ang condom para hindi ako bumili.
“I am just asking for the possibilities.”
Ngumisi ako sa kaniya.
“Don’t worry about me. Wala pa akong anak, pero ikaw, wala ka bang balak sabihin sa akin kung sino iyong hindi mo pa nabubuntis?”
Ngumisi lang siya pabalik sa akin pero hindi na siya sumagot. Nagpatuloy kami sa pag-iinom na dalawa.
“Pero kung sakali, sakali lang naman. May anak ka na pala, ano gagawin mo?” muling tanong niya sa akin. Akala ko tapos na kami sa usapang iyon.
“Paninindigan ko. Gago ako, pero ayaw ko naman lumaki ang anak ko na walang ama. Alam ko iyong pakiramdam na walang ama. Iyong parang may kulang, kaya ayaw kong maranasana iyon ng magiging anak ko,” seryosong sagot ko sa kaniya. “Kaya nga sinisigurado ko na safe ako palagi, dahil ayaw kong mapilitang magpakasal sa babaeng hindi ko kasal para lang mabigyan ng buong pamilya ang anak ko.”
Pinakatitigan niya ako dahil sa naging sagot ko bago siya tumingin sa harapan niya. Muli siyang nanahimik. Hindi ko alam kong ano ang iniisip niya. Hindi ko rin alam kung bakit pilit niya akong tinatanong tungkol sa bagay na iyon.
Meron bang lumapit sa kaniya para sabihing may anak kami? Sigurado akong hindi ko iyon anak. Dahil lagi naman akong may baon na condom. Kaya kahit biglaan, ready pa rin ako.
Pero kung sakali man na may nakalusot pa rin. Handa akong pakasalan ang babaeng nabuntis ko, handa ko siyang panindigan para sa bata. Alam kong uso na ang co-parenting ngayon, pero gusto kong lalaki ang anak ko na buo ang pamilya. Pwede ko namang isakripisyo ang kaligayahan ko para sa kaligayahan ng anak ko.
Napatingin ako kay Kuya Samuel nang bigla siyang tumayo. Tinapik pa niya ako sa balikat ko bago siya tuluyang tumalikod.
Napailing na lang ako at muling tinungga ang alak. Saka ako mabilis nagbayad at tumayo sa kinauupuan ko pero may babaeng humarang sa daraanan ko.
“Long time no see,” bati niya habang may malanding ngiti.
I smirked.
“Yeah.”
It’s Yvette. One of my playmate.
“Wanna have fun tonight?” Hinawakan niya ang necktie ko at nilapit ang mukha sa akin.
Mabilis namang pumulupot ang kamay ko sa beywang niya habang nakangisi. Madalang akong tumanggi sa grasya.
Mabilis niya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas hanggang sa makarating kami sa loob ng kotse niya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Mukhang hindi na kami aabot sa hotel dahil atat na masyado ang babaeng humahalik sa leeg ko ngayon, pero nang dakmain niya ang pagitan ng mga hita ko ay mabilis ko siyang naitulak palayo.
Nagulat si Yvette sa ginawa ko.
“What’s wrong?” nagtatakang tanong niya.
“I am not in the mood.”
“Kailan ka pa nawala sa mood?” tanong niya sa akin.
“Ngayon lang,” balewalang sagot ko at mabilis na lumabas ng kotse niya.
Agad akong nagtungo sa kotse ko at sumakay sa driver seat. Hindi ko alam kung bakit habang hinahalikan ako kanina ni Yvette, biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mommy sa akin noong isang araw kaya nawala ang libog na nararamdaman ko bigla.
Babalik na siya ng Pilipinas o maaring nakabalik na siya ngayon.
Asar na pinalo ko ang manibela. Ano bang pakialam ko kung bumalik na siya? Hindi ko naman siya gusto. Kahit nga nasa kasagsagan ako ng bakbakan sa ibang babae, kapag naaalala ko siya, nawawala ang libog ko. Ibig sabihin lang noon, hindi ako nalilibugan kay Kulot. Kaya paano ako magkakagusto sa isang babaeng nagagawang mawala ang init na nararamdaman ko?
Idagdag pang nagawa niyang magtapat sa akin pero noong ni-reject ko, hindi man lang nalungkot. Masaya pang nakipag-usap sa ibang lalaki. Pakiramdam ko, kung sakaling sinabi ko sa kaniya na gusto ko rin siya baka pinagtawanan niya ako noon.
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko habang naiinis kay Kulot. Hanggang ngayon, asar na asar pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyari noon.
Naaalala ko lang siya palagi dahil hindi mawala ang asar ko sa kaniya, hindi dahil gusto ko siya.