Kabanata 7

1238 Words
BELLA’S POV “Mama, bakit wala po kaming papa?” bigla akong natigilan sa tanong ni Ben kaya napalingon ako sa kaniya. Nakaupo siya sa kama at nakatingin sa akin habang si Gray naman ay nakaupo din sa tabi niya at nakangiti sa akin. “Papa!” sigaw ni Gray. “Papa…” Naghahanda na kami para matulog pero hindi ko alam kung bakit iyon ang tanong sa akin bigla ni Ben. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko sa anak ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na meron silang Papa pero hindi nga lang sila kilala dahil wala itong alam na nag-e-exist sila. Hindi ko mapigilang maawa at makonsensya at the same time dahil sa tanong ng anak ko. Naawa ako sa kaniya dahil alam ko naman, naghahanap din siya. Lumaki rin akong walang ama kaya alam ko iyong pakiramdam na parang may kulang sa pagkatao ko. At nakokonsensya ako dahil ako ang dahilan kung bakit wala silang ama. Dahil mas pinili kong itago sila. Pinilit kong ngumiti sa kaniya. “May Daddy ka naman, hindi ba?” sagot ko nang makabawi ako sa pagkabigla ko. “Opo pero hindi ko naman po totoong Daddy si Daddy Sam. Gusto ko lang siyang tawaging Daddy kasi wala kaming papa. Nasaan po ba ang papa namin? Kasi iyong mga ka-klase ko, sinusundo sila palagi ng papa o mama nila, pero ako si Lola lang sumusundo sa akin,” malungkot na saad niya. Hindi ko mapigilang maawa sa anak ko. Akala ko okay lang sa kaniya. Akala ko hindi siya magtatanong. Akala ko lang pala. At ngayong naghahanap na siya ng ama, hindi ko alam kung paano ko sa sasabihin sa kaniya ang totoo. “Huwag kang mag-alala. Mula ngayon, ako na ang maghahatid at sundo sa iyo sa school,” wika ko at lumapit sa kaniya. Nginitian ko siya pero seryoso pa rin ang mukha niya. Mag-a-anim na tanon na si Ben. Grade 1 na siya sa susunod na pasukan kaya may isip na ang anak ko. Hindi gaya ni Gray na nakangiti lang ngayon at tila wala pang alam sa mundo. “Talaga po? Hindi na po ba talaga kayo aalis?” Tumango ako sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag na nagawa kong ibaling sa iba ang usapan naming dalawa. Pero alam kong hindi pa iyon ang huli. Kung nagawa iyong banggitin ng anak ko ngayon, ibig sabihin kailangan ko nang ihanda ang sarili ko at ang magiging paliwanag ko sa susunod. “Oo.” Hinaplos ko ang buhok niya. “Mula ngayon, hindi na aalis si Mama. Dito na lang ako, kami ni Gray. Kaya mula bukas, ako na ang maghahatid sa iyo sa school. Ako na rin ang susundo sa iyo.” “Yehey!” masayang saad niya at niyakap ako. Humagikhik naman si Gray at nakiyakap din sa amin. Mahigpit na niyakap ko ang mga anak ko. Sila ang kayamanan ko. Alam kong mali ang ginawa at ginagawa ko ngayon na itago sila, pero natatakot akong ipaalam sa lahat ang totoo. Alam kong magagalit sila kaya kung kailangang maging ama at ina ako sa mga anak ko para sa kapayapaan ng lahat, gagawin ko. “Sige na, matulog ka na. Maaga ang pasok mo bukas kaya bawal kang magpuyat. Saka anong gagawin para maging big boy?” “Sleep early,” sagot ni Ben. “Lili,” utal na saad naman ni Gray kaya natawa kami sa kaniya. “Good night, Mama,” saad ni Ben at humalik sa pisngi ko. Hinalikan din niya ang kapatid niya. Gumaya naman si Gray sa ginawa niya. Nahiga na si Ben habang si Gray naman ay mukhang wala pang balak matuloy kaya binuhat ko siya para ihiga. Malaki ang kama dito sa kwarto ko. Kaya kasya kaming tatlo. Pinasadya ko talagang malaki ito, para pwedeng matulog ang mga anak ko sa tabi ko. Humiga ako sa pagitan nila at sabay pa silang yumakap sa akin kaya napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko na ang dalawang anak ko ngayon at nayayakap ko na sila pareho. Hindi madaling maging single mom. Iyong hirap ko noon sa Thailand, hindi ko alam na makakaya ko. Buntis ako habang nagtatrabaho. Mabuti na lang at maliban sa pagtuturo ay may online side hustle din ako, kaya may passive income ako na siyang pinapandagdag ko sa gastusin ko roon. Nagawa ko ring makaipon kaya nang magtatlong taon na si Ben ay bumili ako ng rent to own na bahay at inuwi ko siya sa Pilipinas. Naalala ko pa noong makita ni Nanay si Ben. Alam kong galit siya sa ginawa ko pero mas nangibabaw ang pagmamahal niya sa apo niya kaya hindi niya magawang pagalitan ako. Pumayag din siyang umalis na sa mga Haxell para alagaan ang anak ko. Hindi ko lang talaga inaasahan na sa ikalawang pagkakataon ay mabubuntis ako. Hindi ko naman alam na sharpshooter pala siya. Kaya last na talaga iyon. Hindi ko na ulit gagawin ang ginawa ko kung ayaw kong mabuntis na naman. Sinilip ko ang mukha ng mga anak ko. Tulog na sila pareho. Nabaling ang tingin ko sa phone ko na nasa ibabaw ng table. Nagri-ring iyon kaya dali-dali pero maingat akong bumangon para hindi magising ang mga anak ko. Mabilis magising si Gray sa ingay sa paligid kaya nagmamadali kong dinampot ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang numero lang ang tumatawag. Sino naman kaya ito? Ilang araw pa lang mula nang dumating ako sa Pilipinas at iilan pa lang ang nakakaalam kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin ngayon pero sinagot ko iyon. “Hello?” Walang sumasagot sa kabilang linya pero hindi naman nito binababa ang tawag ng tingnan ko. “Hello?” ulit ko. Asar na pinatay ko ang tawag dahil hindi naman nagsasalita ang tumawag. Sino naman kaya ito? Mukhang nanti-trip lang. Muli kong ipinatong sa ibabaw ng table ang phone ko at humakbang pabalik sa kama. Pero napahinto ako nang makita ko ang pwesto ng mga anak ko. Nasa gitna na sila ngayon ng kama. Naka-dipa na si si Ben habang si Gray naman ay nakatagilid na ang pwesto. Ang isang paa niya ay nasa may leeg na ng kapatid niya. Malikot talagang matulog si Gray. Minsan nga natataranta ako sa kaniya dahil nasa may paanan ko na siya kapag nagigising ako. Hinayaan ko na lang muna sila at binuksan ko ang laptop ko. Bukas ay kailangan kong kausapin ang lugar na balak kong pag-rentahan. Balak kong magtayo ng shop kung saan magtitinda ako ng mga damit na imported mula sa Thailand. Medyo marami pa akong kailangang asikasuhin pero may kausap naman na ako sa Thailand na siyang pagkukunan ko bago ako umuwi ng Pilipinas. Magnenegosyo na lang ako rito sa Pinas para kasama ko ang pamilya ko. Isa lang naman ang inaalala ko, ang magkita kaming dalawa at malaman niya ang sekreto ko. Pero nakiusap naman na ako kay Kuya Samuel, alam kong hindi niya sasabihin kay London ang totoo, pero binigyan niya ako ng Ultimatum. Sa loob ng isang taon at hindi ko nasabi kay London ang totoo ay siya mismo ang magsasabi. Pero kapag dumating ang araw na iyon, gagawa na lang ako ng bagong dahilan. Muli akong napatingin sa phone nang muli iyong mag-ring. Tiningnan ko ang tumatawag at iyon pa rin ang numerong tumawag sa akin kanina pero hindi ko na iyon sinagot. Hindi naman nagsasalita ang caller.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD