BELLA’S POV
“DADDY!” malakas na sigaw ni Ben at patakbong sinalubong si Kuya Samuel na papasok ng bahay.
“Hey, buddy!” bati ni Kuya Samuel kay Ben at agad niya itong binuhat.
Masayang tumawa ang anak ko kaya maging ako ay napangiti.
Noong nag-text siya kahapon, sinabi na niya na pupunta siya ngayon rito. Kaya inaasahan ko na ang pagdating niya.
“Hey, little girl,” bati naman sa akin ni Kuya Samuel.
Matamis akong ngumiti sa kaniya. He is still handsome as before. Mukhang seryoso pa rin lalo na at nakasalamin na siya ngayon. Mas nagmukha tuloy siyang masungit pero kapag naging ka-close mo na siya, mabait talaga siya.
Siya ang dahilan kung bakit kami napunta sa bahay ng mga Haxell. Siya talaga ang inaalagaan ni Nanay, hanggang sa kunin siya nina Sir Apollo at isama si Nanay. Mababait ang mga Haxell, kaya maging ako ay pinayagan nila na tumira kasama ang ina ko. Pinag-aral din nila ako ng mga Haxell pero noong high school ay sinigurado kong mataas ang grado ko para magkapag-apply ako sa scholarship. At dahil masipag mag-aral at matalino si Kuya Samuel, sa kaniya talaga ako dumidikit palagi para tumalino rin ako. Kaya noong koliheyo, full scholar na ako. Malaki ang naitulong niya sa akin noong nag-aaral ako dahil madalas ay siya ang tutor ko.
“Hindi na ako little girl,” wika ko.
Ilang taon lang din naman ang tanda niya sa akin.
“I know. Meron ka na ngang Ben,” aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya at tumingin sa anak ko na buhat-buhat niya.
“Daddy, may pasalubong na mga chocolate sa akin ni Mama. I save some for you,” magiliw na saad ng anak ko kay Kuya Samuel.
“Really?”
Tumango-tango ang anak ko.
Hindi ko alam kung bakit Daddy ang tawag ni Ben kay Kuya Samuel. Noong inuwi ko si Ben sa Pilipinas ay hindi pa niya alam ang tungkol dito, nalaman lang niya nang makabalik na ako sa Thailand. Pero wala akong narinig na kahit ano sa kaniya. Hindi man lang siya nagtanong sa akin.
Ganoon naman siya palagi. Hindi talaga siya palatanong. Hindi siya madaldal na tao at alam kong kahit gusto niyang malaman ang tungkol sa ama ni Ben gaya ni Nanay, hindi siya magtatanong sa akin.
Kuya Samuel is like my older brother. Sabay kaming lumaking dalawa kaya kilalang-kilala ko na siya. Mula sa pagiging tahimik at aloof niya sa ibang tao. Hindi siya mahilig makipag-socialize at talagang tipid ang ngiti niya kaya nagpapasalamat ako na naging close kaming dalawa. Kahit na mayaman siya at anak lang ako ng kasambahay, hindi naging iba ang turing niya sa akin. Kaya kahit nagpaalam na si Nanay mula sa pagtatrabaho niya sa mga Haxell, minsan ay dumadalaw pa rin siya rito sa amin. Iyon marahil din ang dahilan kaya nalaman niya dati ang tungkol kay Ben.
Naupo siya sa sala habang si Ben ay nakaupo rin sa tabi niya.
“Sinabi sa akin ni Ate Lia na dumating ka na raw. “
Si Ma’am Lia?
Ibig sabihin ba alam na rin niya na umuwi na ako ng bansa?
Pero ano naman ang pakialam noon kahit umuwi na ako? Siguradong wala iyong pakialam dahil mas masaya pa nga iyon na hindi ako makikita.
“Sabi niya dalawin mo raw siya bago ka umalis.”
“Hindi na ako aalis,” nakangiting sagot ko kay Kuya Samuel kaya napatingin siya sa akin. Kay Ben kasi siya nakatingin kanina. “Balak kong magtayo na lang ng maliit na negosyo. May naipon naman na ako. Para rin hindi na ako malayo kina Nanay at Ben,” paliwanag ko sa kaniya.
“If you need help, you can always call me.”
“Pwede ba akong mangutang ng pinansyal sa iyo kapag kinapos ako?” pagbibiro ko sa kaniya.
“Anytime.”
Napangiti ako ng malaki sa kaniya. Iba talaga kapag may mayamang kaibigan. Hindi man lang siya nag-aalinlangan na pautangin ako kung sakali.
“Daddy, why you smell like girl?” biglang tanong ni Ben habang inaamoy ang may leeg ni Kuya Samuel.
“Am I?”
Tumang-tango ang anak ko.
Hindi ko alam kung bakit Daddy ang tawag sa kaniya ni Ben. Nagulat din ako noong umuwi ako at marinig kong iyon na ang tawag niya kay Kuya Sam. Sinabi ko naman sa anak ko na hindi si Kuya Sam ang tatay niya pero gusto raw niya na Daddy ang tawag rito, pumayag din naman si Kuya Sam kaya wala naman akong nagawa.
“May girlfriend ka na?” mapang-asar na tanong ko sa kaniya.
Ngumisi siya sa akin pero hindi siya sumagot pero sapat na iyon para ma-gets ko. Mukhang marami na talagang nangyari habang wala ako. Mukhang kahit ang masungit at tahimik kong kaibigan ay magkakaroon na ng love life. Gayong dati, asar na asar siya sa mga nagpapapansin sa kaniya. Bigla tuloy akong na-curious kung sino iyon pero hindi na ako nagtanong. Malalaman ko rin naman kung sino iyon.
“How’s Thailand?” pag-iiba niya ng usapan.
“Okay naman. Maayos naman ang work ko doon. Masayang magturo sa mga bata, pero syempre, iba pa rin kung nasa sariling bansa kahit na minsan ang hirap mahalin ng Pilipinas. Grabe ang inflation pero ang sweldo, kakarampot,” himutok ko.
Kaya nga mas pinili ko mag-ibang bansa. Kahit na takot ako noon, dahil gusto kong kumite agad ng malaki. Alam ko kasing kapag nanatili ako rito, mahihirapan akong umangat.
Tapos may mga anak pa ako, kaya kung hindi siguro ako umalis ng bansa. Baka hirap na hirap akong buhayin sila, though alam ko na kayang mabuhay ng marangya ng mga anak ko kung sakali dahil sa ama nila.
“Yeah, but we missed you.”
“I missed mama too,” singit ng anak ko na nakaupo na ngayon sa tabi ni Kuya Samuel at kinakawag-kawag ang mga paa niya.
“Mama always miss you, Ben.” Bumaling ako kay Kuya Samuel. “Syempre na-miss ko rin kayo.”
“Kasama ba siya?” Seryoso ang mukha niya pero may tunog panunukso ang boses niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Samuel.
“Sinong siya?”
“Do you really want me to drop his name?”
Hindi agada ko nakasagot sa tanong niya. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya pero hindi ko alam kung bakit tinatanong niya ang bagay na iyon sa akin ngayon.
“Hindi naman kami close para ma-miss ko siya. Except sa kaniya,” nakangusong sagot ko.
He smirked.
“Liar.”
“Kuya Sam, hindi ko nga siya na-miss. Never!” giit ko.
“I mean, I don’t believe na hindi kayo close na dalawa.”
Nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
“Hindi talaga.”
“Then how Ben happened if you were not close?” diretsang tanong niya habang nakatingin sa akin.
Bigla naman akong natameme sa tanong niya. Hindi agada ko makasagot.
Never siyang nagtanong pero paano niya nalaman? Kahit si Nanay, hindi alam ang tungkol sa bagay na iyon.
All this time akala ko walang ibang nakakaalam. Sa tanong niya, para bang sigurado na ang pamangkin niya ang ama ni Ben.