Kabanata 15

1307 Words
BELLA “Siya nga pala, pinabibigay ni Ma’am Lia,” saad ni Jingjing at inabot sa akin ang isang maliit na sobre. “Isa talaga iyan sa dahilan kaya sumadya ako rito.” Binuksan ko iyon at nakita kong umbitasyon iyon para sa debut ng kapatid ni London na si Lily. “Sige, mauna na ako. Salamat dito sa mga chocolates,” malaki ang ngiting saad niya habang hawak ang paper bag na may lamang chocolates. “Salamat din sa pagbisita.” “Wala iyon. Kitakits na lang tayo kapag pumunta ka kina Ma’am Lia.” “Sige.” Hinatid ko pa siya sa may pintuan. Pero habang palabas siya ng maliit na gate namin ay dumating naman si Nanay kaya nag-kwentuhan pa silang dalawa. Habang ako naman ay nagtungo na sa mga anak ko. Nasa sala sila ngayon at nagkukulay sa coloring book si Ben habang si Gray naman ay pagulong-gulong sa sahog. Mabuti na lang at may carpet sa ginugulungan niya. Lumapit ako kay Gray at binuhad ko siya. Saka ako nagtungo sa kusina para magsaing. Pasado alas singko na, kaya magsasaing na ako para hindi na gawin ni Nanay mamaya. Muli kong binaba si Gray. Mabuti na lang talaga at hindi siya maarte kaya kapag iniwan ko siya sa isang tabi ay naglalaro lang siya mag-isa kaya hindi ako hirapang alagaan siya. Tapos na akong magsalang ng sinaing sa rice cooker nang pumasok si Nanay sa kusina. Mukhang napatagal ang kwentuhan nila ni Jingjing. “Natagalan ako sa Palengke, medyo mahirap kasi humanap ng tahong ngayon. Iyong iba kasi kahit mga patay na tinitinda pa rin nila,” saad niya at nilagay na sa lababo ang tahong na binili niya. “Sige, ako na rito. Madali lang naman itong lulutuin ko,” aniya pa kaya lumapit ako kay Gray at inakay ko siya palabas ng kusina. “Anak, wala na bang sinabi sa iyo si Tita Sharon bago umalis?” tanong ko kay Ben nang maupo ako sa sofa. Tumingin sa akin si Ben mula sa kinukulayan niya. Nag-isip pa siya na parang pilit inaalala kung may sinabi bas a kaniya ang Tita Sharon niya. Pagkaraan ay umiling siya. “Wala po. Sabi lang po niya, they need to go home na raw po.” Tumango ako kay Ben. Baka naman napaparanoid lang ako. Iniisip ko pa rin kasi kung narinig ba niya ang usapan namin ni Jingjing. Alam kong wala siyang pakialam kung sakali mang marinig niya pero ayaw ko sanang may iba pang nakakaalam ng tungkol sa lihim ko. Isa ko pang iniisip ay si Nanay. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang alam o nagmamaang-maangan lang. Iniisip ko lang, kung si Kuya Samuel nga at si Jingjing ay walang alam, siya pa kaya? Ang kaso, hindi ko naman siya magawang tanungin ng diretso. Wala pa akong lakas ng loob. Kaya pakikiramdaman ko na lang muna. Naging abala na ang mga sumunod na araw ko. Gaya ng pangako ko kay Ben ako na ang naghahatid at sundo sa kaniya sa school habang inaasikaso ko rin ang negosyong itatayo ko. Gaya ngayon. Sinundo ko lang si Ben at hinatid sa bahay, pagkatapos ay umalis na rin ako dahil may kakausapin ako para sa pag-aayos ng lugar na nirentahan ko. Humanap ako maglalagay ng mga kailangan ko sa store. Nag-aabyad din ako ng mga papeles na kakailanganin dahil hindi biro ang pagpapatayo ng negosyo. Ang daming dokumentong kailangan asikasuhin. Katatapos ko lang makipag-meeting sa isang supplier para sa mga kailangan ko sa store at naglalakad ako nang makita ko ang isang matangkad na babae. Agad akong napangiti. “Ate Cindy!” tawag ko sa kaniya. Luminga-linga pa siya at agad na nagliwanag ang kaniyang mga mata nang makita niya ako. “Bella! OMG! You are back. How are you?” patiling saad niya at agad akong niyakap. Masasabi kong isa siya sa pinakamalapit kong kaibigan. Ang kuya niya ay best friend ni Sir Apollo kaya madalas ay nasa bahay siya ng mga Haxell noon. Siya din ang girl bestfriend ni London, at sa totoo lang, siya iyong isa sa lihim kong pinagseselosan noon. Pero mabait siya sa akin kaya hindi ko magawang maasar sa kaniya. Wala rin siyang alam sa nararamdaman ko at alam ko na magkaibigan lang din talaga sila ni London. Kaya kahit nagseselos ako noon, wala ring saysay. Si Kuya Sam ang hindi niya ka-close. Magkabaliktad kaming dalawa, kung ako hindi close kay London at bestfriend sila. Siya naman ay hindi close sa kuya-kuyahan ko. Ang ganda na niya dati, pero parang mas gumanda siya ngayon. Mukhang blooming din siya. Ang weird lang, mainit ang panahon dahil malapit na ang summer pero naka-turtle neck siya ng damit. Medyo pinagpapawisan tuloy siya. “I am good.” Malaki ang ngiti ko sa kaniya. “Kailan ka pa dumating?” “One week ago pero medyo busy lang ako dahil may inaayos pa akong mga papel kaya hindi muna ako nagpaparamdam, si Nanay lang at si Ma'am Lia ang nakakaalam na nakauwi na ako.” Hindi ko na binaggit sa kaniya na alam na rin ni London at Kuya Samuel na nasa bansa ako. Una, alam ko naman na walang pakialam si London. Pangalawa, wala naman siyang pakialam kay Kuya Samuel. “Labas tayo kapag hindi ka na busy,” yaya ko pa sa kaniya. Last time na nagkita kami ay two years ago pa. Noong mabilisang nagbakasyon ako ng ilang araw sa Pilipinas at nagmamadali din akong bumalik ng Thailand dahil kay Gray. “Sure, sure. Tawagan mo lang ako,” sagot niya pero nagmamadali na rin siyang nagpaalam sa akin dahil may tumawag sa kaniya. Ako naman ay nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Pero may isang babaeng bumangga sa akin kaya napahinto ako. “Are you blind?” mataray na tanong niya at malditang tumingin pa sa akin. “Miss ikaw ang bumangga sa akin,” katwiran ko. Dadaan sana ako sa may gilid pero bigla siyang lumabas mula sa store na nasa tapat namin at hindi man lang tumingin sa dinaraanan niya kaya tumama sa akin ang malaking paper bag na dala niya pero siya pa itong galit. Umirap pa siya bago ako nilampasan kaya napakunot na lang ang noo ko. Ang lakas naman ng amats ng isang iyon. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa bakeshop. Mahilig si Ben sa tinapay kaya binilihan ko siya ng croissant. Malaki pa ang ngiti ko habang naghihintay ako ng masasakyan pero may kotseng biglang huminto sa tapat ko at tuluyang naglaho ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang sakay noon matapos niyang ibaba ang bintana. “Get in,” pa-cool na sagot niya. “Hindi na, salamat na lang,” sagot ko. “Ang arte mo. Come on, aren’t you going home? Ihahatid na kita,” alok pa rin niya. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Isa sa kailangan kong pigilan ay ang pumunta si London sa bahay namin. Hindi niya pwedeng makita ang mga anak ko. “May pupuntahan pa pala ako,” mabilis kong sagot at tumalikod sa kaniya para makalayo. Hinding-hindi ako sasakay sa kotse niya. LONDON Napakunot ang noo ko habang nakasunod ang tingin kay Kulot. Ang bilis niyang lumakad palayo, kulang na lang ay tumakbo siya na para bang hahabulin ko siya. Hindi ko pa naranasang maghabol ng babae. Lalo na kung siya. Huminto na nga ako para isabay siya, ayaw pa niya. Ang arte talaga ng babaeng iyon. Kung ayaw niya, bahala siya. Hindi ko naman siya pinipilit na sumakay. Hindi ko nga alam kung bakit huminto ako gayong pwede ko naman siyang lampasan at hindi pansinin. Mabait lang talaga ako, kaya kahit asar ako sa kaniya. Inalok ko pa rin siya ng sakay, dahil syempre, kaibigan siya ni Kuya Samuel at close ako sa nanay niya. Iyon lang ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD