Kabanata 16

1707 Words
BELLA Pinagmamasdan ko si Nanay habang nakatingin siya sa mga anak ko. Nakikita kong ngumingiti siya habang pinapanood sina Gray at Ben na naglalaro. Nakaupo si Ben sa Sofa habang si Gray naman ay nasa likod ng kuya niya at sinusuklay ang buhok niya. Nasa may pintuan ako patungo sa kusina. Naghugas ako ng grapes na dala ko. Lumapit ako sa kanila at ibinaba ang ubas sa mababang mesa. Agad na bumaba si Gray sa sofa, tinulungan pa siya ni Ben para makababa ng maayos. Naupo ako sa tabi ni Nanay. “Ang cute ng mga apo ko. Alam mo, habang lumalaki, mapapansin mo na magkamukha sila. Hindi maipagkakailang magkapatid silang dalawa. Lalo na iyong mga mata nila, parehong-pareho,” saad ni Nanay. Tumagilid ako ng upo paharap sa kaniya at pinakatitigan siya. “Talaga? Magkamukha sila?” “Oo, hindi mo ba napapansin? Medyo kulot lang ang buhok ni Ben, magkamukha silang dalawa. Mukhang baby pa lang talagang masyado si Gray kaya hindi agad mapapansin,” paliwanag ni Nanay. “Kung magkamukha sila, wala ba kayong napapansing kamukha nilang dalawa?” tanong ko pero pigil ang hininga ko. Kumunot ang noo ni Nanay. Parang nag-iisip siyang mabuti kung may kamukha ba ang mga anak ko. Saka siya humarap sa akin. “Artista ba?” tanong niya sa akin na parang nanghuhula. Umiling ako. “Hindi naman. Naisip ko lang, baka may kamukha ang mga anak ko tapos kakilala ninyo.” Muling nangunot ang noo niya. “Wala naman. Meron ba?” baliktanong niya sa akin kaya hindi agad nakasagot sa tanong niya. Bigla siyang ngumiti. “Alam mo kung sino man ang kamukha ng mga apo ko, hindi ako interesado sa kaniya. Okay na ako sa kagwapuhan ng mga apo ko.” Alanganing ngumiti ako sa kaniya. Umayos ako ng upo at tumingin kina Gray at Ben na kumakain ng grapes. Lumapit sa akin si Gray at sinubuan niya ako ng ubas kaya ngumanga ako. “Pipinawin ko pa pala ang mga sinampay ko,” saad ni Nanay at mabilis na tumayo para magtungo sa may likod bahay. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Para bang hindi siya interesadong malaman kung sino ang tinutukoy ko na kamukha ng mga bata. Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi ko sinasabi sa kaniya kung sino ang ama ng mga bata pero ngayong binibigyan ko siya ng hint parang siya naman mismo ang umiiwas sa usapan. Hindi ko tuloy malaman kung may alam ba talaga siya o wala. Pero ngayon naghihinala na talaga ako. Imposibleng wala siyang ideya, kung si Kuya Samuel nga ang bilis niyang nahulaan ang totoo, si Nanay pa kaya? Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa kusina para magsaing at maghanda ng pwede naming ulamin sa hapunan. Nagsaing muna ako bago binuksan ang refrigerator. Nasa freezer ang karne kaya nagyeyelo pa. Binabad ko muna para mawala ang yelo. Saka ako bumalik sa sala. Bumalik ako sa sala at nakita kong wala nang laman ang glass bowl na may lamang ubas kanina. Kinuha ko iyon at bumalik sa kusina. Hinugasan ko na rin. Saka naman pumasok si Nanay ng kusina. “Ako na rito,” wika niya. “Okay lang naman po. Ako na.” “Hindi, ako na. Maghapon kang nasa labas dahil busy ka. Kaya magpahinga ka na lang muna. Bantayan mo na lang iyong mga bata sa sala at iyong bunso mo ay daig pa si Spiderman minsan. Kung saan-saan umaakyat.” “Sure kayo? Alam ko pagod din kayo sa pagbabantay sa mga bata kaya pwede naman na ako na ang magluto.” “Hindi naman dahil natulog naman sila kanina at habang tulog sila ay nakatulog din ako. Ikaw, alam ko madami kang inaasikaso. Hindi ka na nga nakakain ng tanghalian dito kanina kaya nagmamadali ka. Kaya sige na, doon ka na,” pagtataboy niya sa akin kaya wala na akong nagawa at iniwan siya. Bumalik ako sa sala. Nakadapa si Gray sa sahig habang si Ben naman ay naglalaro ng lego. Umupo ako sa sofa at kinuha ang phone ko sa bulsa ko. Kinunan ko ng picture ang anak ko. Madami na silang picture sa akin pero hindi ko iyon ina-upload sa social media account ko dahil ayaw kong maraming makaalam ng tungkol sa kanila. Hindi sa tinatago ko sila pero nag-iingat lang ako. Nag-iingat na makita sila ni London o ng pamilya nito. Tama ng si Kuya Samuel lang ang nakakaalam. Napatingin ako kay biglang tumabi sa akin si Ben. Yumakap siya sa akin kaya binaba ko sa center table ang phone ko. Hindi siya nagsasalita, basta nakayakap lang siya habang si Gray naman ay nasa may paanan ko at nilalaro ang laruan niyang truck. “Yes? Anong problema ng baby ko?” malambing na tanong ko kay Ben. Umiling siya. “Wala po. Happy lang ako, kasi hindi na kayo aalis at pwede ko na kayo ma-hug palagi,” sagot niya kaya mahigpit ko siyang niyakap. Naglalambing ang panganay ko. “Hindi na aalis si Mama.” “Si Papa po? Kailan siya darating? Wala po bang internet sa work niya? Bakit hindi siya tumatawag?” biglang tanong sa akin ni Ben kaya natigilan ako. Hindi ko inaasahan ang tanong niya at kahit kailan mukhang hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Tumingin ako sa mukha ng anak ko. Kita ko iyong mata niyang may lungkot. Siguro kailangan kong tanggapin iyong reyalidad na kahit anong gawin ko, kahit maging ama at ina ako sa mga anak ko. Hahanapin pa rin nila ang ama nila. Na may parte pa rin ng pagkatao nila na hindi ko kayang punan kahit anong gawin ko. Bigla siyang ngumiti, pero halatang pilit lang iyon. “Pero okay lang po. Kahit wala akong papa, meron naman akong magandang mama tapos mabait pa. Kaya kung ayaw ni Papa sa amin, ayaw ko na rin sa kaniya. May daddy naman ako.” Hinawakan ko ang mukha ng anak ko. “No, your papa loves you,” saad ko. Hindi ko alam kung paani ipapaliwanag sa anak ko ang sitwasyon namin pero ayaw kong magtanim siya ng sama ng loob sa ama nila. Kasalanan ko kung bakit wala silang ama, walang alam si London. Kaya kahit hindi siya kilala ng mga anak ko. Ayaw kong sirain siya sa mga anak ko. “Pero bakit hindi po siya umuuwi?” Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Kailangan pa kasi niyang mag-ipon. Need niya ng maraming pera para may pambili kayo ng toys at foods. Then para rin sa pag-aaral ninyo ni Ben,” pagsisinungaling ko sa kaniya. “Talaga po? Ano pong work ni Papa?” “He is a… uhmmm…. Businessman. Yes, he is a businessman,” kinakabahang saad ko sa anak ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging matanong bigla at interesado ang anak ko sa ama niya. “Businessman? Ibig sabihin po, rich si Papa? Bakit need pa niya mag-ipon ng money?” naguguluhang tanong ni Ben habang nakakunot ang noo. Magkaharap kaming nakaupo ngayon sa sofa. Habang si Gray ay naglalaro pa rin ng truck-truckan niya na pinapagulong sa paakyat sa hita ko. Parang gusto kong tumakbo sa tanong ng anak ko. Masaya ako na matalino ang anak ko pero hindi ko naman alam na dahil matalino siya, mahihirapan akong sagutin ang mga tanong niya. Nauubusan ako ng palusot sa kaniya. Ang sabi ko noon, nasa ibang bansa ang papa niya at nagtatrabaho. Mula noon ay hindi na siya nagtanong. Pero ngayon ang dami na niyang tanong. Malakas na tumunog ang phone ko kaya nagmamadali akong kinuha iyon sa bulsa ko. Si Ate Cindy ang tumatawag. Mabilis ko iyong sinagot habang lihim na nagpapasalamat sa kaniya. Pakiramdam ko na-save niya ako bigla mula sa interrogation ng anak ko. Hello, Ate Cindy?” Hindi ko alam kung bakit bigla siyang tumawag sa akin ngayon. Nagkita kaming dalawa kanina, pero hindi ko inaasahan na tatawag agad sa akin ngayon. “Are you busy tonight?” “Hindi naman. Bakit? Lalabas tayo?" Sabi ko sa kaniya, labas kami kung hindi siya busy pero hindi ko alam na ngayon na agad. “No, I need a favor.” “Ano iyon?” “Can you go to Haven' Nook and pretend as London’s girlfriend?” Biglang tumigil ang t***k ng puso ko dahil sa pabor na hinihingi niya. Nagpapasalamat ako na tumawag siya kaya nagkaroon ako ng dahilan para iwasan ang tanong ng anak ko pero hindi ko inaasahan na parang mas kinakabahan ako sa pabor na hinihingi niya. Magpapanggap akong girlfriend ni London? Tumingin ako kay Ben na matamang nakatingin sa akin. Mukhang curious siya kung sino ang kausap ko kaya pilit akong ngumiti sa anak ko. Iniiwasan ko ang topic tungkol sa ama niya, pero ngayon tumawag ang best friend ni London para humingi ng pabor na hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Pero bakit ako ang tinawagan niya? Bakit sa akin siya humihingi ng pabor? “Well, kung ayaw mo, okay lang. Kinukulit lang niya ako para—” Nakaabang pa rin sa akin si Ben na para bang kapag binaba ko ang tawag ay magpapatuloy kami sa usapan naming dalawa. Kinakabahan tuloy ako sa anak ko. Para bang isa akong kriminal na haharap sa paglilitis niya. “Okay,” mabilis na sagot ko kay Ate Cindy na hindi man lang pinag-isipan. Pero bigla akong natauhan nang ma-realize ko ang sinabi ko. Mariing nakagat ko ang labi ko dahil sa sagot ko. Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Okay? Bakit ako pumayag? Marahang sinampal ko ang bibig ko. Habang nagsisisi sa sa naging sagot ko. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita ulit pero napahinto ako nang magsalita siya mula sa kabilang linya. “Thanks, Bella. I owe one this time. Bye.” Napanganga na lang ako nang marinig ko ang end dial. Gusto ko sanang bawiin ang sagot pero naibaba na ni Ate Cindy ang tawag. Napatingin na lang ako sa phone ko. Anong katangahan na naman ang papasukin ko? Problemadong tumingin ako sa anak ko. Parang mas mabuti pang hindi ko na lang sinagot ang tawag. Nagawa kong iwasan ang mga tanong ni Ben, pero hindi ko pala maiiwasan ang pinag-uusapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD